You are on page 1of 3

Mga Isyu sa El Filibusterismo at sa Kasalukuyan

Isinulat ni Bernadette F. Ocampo

Act One, Scene 1: ‘Di Makatarungan sa Korte


Bhea: Sa karakter ni Basilio sa El Filibusterismo, ating makikita ang maruming sistema
ng pagbibigay hustisya sa ating bansa. Nakulong si Basilio sa isang salang wala naman
siyang kinalaman. Sa istoryang inyong matutunghayan, mapagkakamalang kriminal ang
isang taong malapit sa nabiktima. Hindi nabigyan ng tyansa ang akusado na ipaglaban
ang sarili niya ng ayon sa batas sa kadahilanang siya ay mahirap, at ang nagsampa ng
kaso ay mayaman.
Keana: Ma, alis na po ako!
Cess: Sige nak, mag-ingat ka.
Dominic: Magtext ka kapag nakarating ka na sa Manila.
Keana: Opo.

Bhea: Dalawang linggo na ang nakalipas, ngunit wala pa ring naririnig ang tatay at
nanay ni Keana mula sakanya. Nagsimula na silang magtaka.
Dominic: Cess, nag-aalala ako kay Keana. Pakiramdam ko may masamang nangyari
sakanya. Noong unang linggo akala ko busy lang siya. Pero pangalawang linggo na ito na
wala man kahit isang text tayong natanggap mula sakanya.
Cess: Kapag naman may oras siya, kahit break lang, nagtetext siya na okay na siya.
Tawagan na kaya natin yung mga kaibigan niya?
Dominic: (kukuha ng selpon) Hello, Andrea?
Andrea: (sasagot ng tawag) Hello po tito, bakit po?
Dominic: Asan ka, hindi ka ba busy?
Andrea: Andito lang po sa bahay, kasama ko po si Sophia.
Dominic: Ah, mabuti naman. Nakausap mo ba, o nakita manlang si Keana?
Andrea: Uhm, hindi po eh.
Dominic: Wala na ba siyang ibang kaibigan na maaring kasama niya ngayon?
Andrea: Baka po kasama niya si Neo.

Bhea: Lumuwas ng Maynila ang nanay at tatay ni Keana upang bisitahin ng personal si
Neo. Gusto nila itong makausap dahil hindi pa nila ito nakikilala bilang kaibigan ni Neo.
Neo: Mano po. (Magmamano sa tatay at nanay ni Keana)
Cess: Didiretsuhin ka na namin Neo. Kinausap namin si Andrea at Sophia bago pumunta
dito at ayon sakanila, ikaw daw ang huling nakasama ni Keana bago siya mawala.
Neo: Ako nga po yung huli niyang kasama, pero dalawang linggo na po ang nakalipas.
Dominic: Hindi mo ba alam kung saan siya pumunta pagkatapos niyo magkita?
Neo: Gusto ko man hong sagutin yung tanong niyo, pero hindi ko po talaga alam.
Bhea: Makaraan ang isang araw, natagpuan ang bangkay ni Keana na nagpalutang-
lutang sa isang ilog. Lumipas ang tatlong araw ngunit walang nahanap na ibang
inpormasyon ang nanay at tatay ni Keana kaya napagpasyahan nilang magsampa ng
kaso kay Neo upang maimbistigahan siya.

Bhea: Dumating na ang araw na maghahatol ang korte kung walang sala o may sala nga
ba si Neo.
Lieca: (kakausapin si Dominic) Iurong niyo na yung kaso, walang kasalanan ang anak ko.
Dan: Oo, mahirap lang kami, pero mabubuti kaming tao. Mahalaga saamin na
nirerespeto kami at malinis ang aming konsensya.
Dominic: Hintayin nalang natin ang pasya ng korte.
Shareme: Walang kinalaman si Neo sa nangyaring krimen. Walang sapat na
ebidensyang nagpapatunay na siya ay may sala.
Berna: Ngunit siya ang huling taong kasama ni Keana bago ito mawala.
Yna: Narinig ko na ang bawat panig. Sa ilang beses na nalitis ang kaso,
napagdesisyonan kong hatulan ng may sala ang akusado.
Dan: Hindi naman ho pwede yan! Ano naman ang batayan niyo para ikulong ang anak
ko? Ni wala ngang sapat na ebidensya! Umamin ho kayo binayaran ho ba kayo ng mga
‘to? (turo kay Dominic)
Andrea: Buti nalang at nakulong na si Neo. Walang pwedeng maka-alam na tayo ang
huling nakasama niya nuong araw nay un.
Sophia: Bakit mo pa kasi siya tinulak nun? Nahulog tuloy siya sa ilog.
Andrea: Alam mo naming nag-away kami nun, atsaka hindi ko naman sinasadyang
matulak siya.

Bhea: Matapos ng hatol kay Neo ay hindi na muling nabuksan ang kaso.

Act Two, Scene 2: Korupsyon sa Pamahalaan


Bhea: Magkososyo ang dalawang senadora na si Aevril at Suncia sa isang kompanya.
Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi sila nagbabayad ng tamang buwis. Sila rin ay sangkot
sa mga proyekto ng gobyerno kung saan sila ay nakakakuha ng dagdag pera mula sa
mga pondo. Ang mga ponding ito ay palihim nilang nilalabas sa bansa sa pamamagitan
ng mga remitters at ipapasok sa bangko.
Aevril: Nakapagbayad ka na ba ng buwis, Suncia?
Suncia: Oo, inutusan ko na ang sekretarya ko. Mabuti nalang at may mga kakilala tayo.
Aevril: Oo, makakatipid tayo sa buwis.
(Dumating si Norden na isa ring senadora)
Norden: Binigyan tayo ng isang milyon na pondo para mapagawa yung mga nasirang
klasrum noong bagyo. Kailan tayo magsisimula sa pagpapagawa?
Aevril: Saakin mo nalang ibigay ang pondo at ako na ang bahala lumakad sa mga
gastusin.
Norden: O sige, kami nalang ni Suncia ang magmomonitor sa mga trabahador at sa
mga engineer na kukunin natin.

Bhea: Nang magsimula ang pagpapagawa ng eskwelahan ay nagsimula na ring


mangurakot ng pondo sina Aevril at Suncia. Imbis na isang milyon ang nakalaan ay
naging kalahating milyon na lamang. Dito nagtaka ang mga inhinyero.
Guile: Kalahating milyon para sa pagpapagawa ng mga klasrum? Ano ‘to? Mga klasrum
na walang bubong?
Aivee: Masyado ata tayong tinitipid ng gobyerno. Kahit may mga murang materyales
tayong gamitin eh hindi to magkakasya.
Guile: Paniguradong panget ang kalidad ng magagawa natin.

Bhea: Nang matapos na ang proyekto, ilan sa mga studyante ang naghain ng reklamo
sa DepEd dahil nasira na naman ang kanilang klasrum matapos umulan ng malakas,
isang linggo ang nakakalipas nang ito ay magawa.
Christine: Akala ko ba binigyan ng magandang pondo ang pagpapagawa ng mga
klasrum natin?
Jaquie: Oo nga, grabe. Ang panget ng kalidad ng pagkakagawa.
Chesca: Panigurado tinipid na naman tayo ng gobyerno.
Manuel: Maaari nga. Masususpinde na naman ang klase nyan.
Christine: Baka naman hindi tayo tinipid. Baka may nangurakot lang talaga.
Bhea: Ang dalawang isyung ito ay ilan lamang sa mga uri ng korupsyon na nasalamin sa
storyang El Filibusterismo na hanggang ngayon ay atin pa ring nararanasan. Maraming
salamat po sa pakikinig!

You might also like