You are on page 1of 3

YOLANDA

Halos anim (6) na taon na rin pala simula nang lapastanganin ng Bagyong Yolanda ang
milyon-milyong buhay ng mga taga-tacloban. Hindi maaalis ang masasakit at masasalimuot na
pangyayari sa mga puso at pag-iisip ng mga taong nakaranas nito. Anim na taon na rin pala nang
simulang lamunin ng bagyo ang mga ari-arian at mga kabuhayan ng mga tao. Mga bahay na wala ng
buhay, mga nahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay, kahit mismo mga simbahan ay hindi
pinalagpas ng Bagyong Yolanda. Kung masasaksihan lamang ang pangyayari, maiisip mo na lamang
na pumikit kaysa makita ang mga batang umiiyak habang hinahanap ang mga magulang. Totoo
ngang hindi mawawala ang mga masasakit na karanasan. Halos anim na taon na ngunit ang ala-ala
ay sariwa pa, ngunit sa kabila ng bangungot na ito, nakakatuwang isipin na ang mga kababayan
natin ay nakabangon at nakataas noo pa rin na humaharap sa kanilang araw-araw na buhay. Sila ay
buong pusong bumangon at hinarap ang kinabukasan na naghihintay. Sa tulong ng mga ibang tao,
ang pagbangon ay nagmistulang paggising sa panibagong umaga. Ako ay takot sa pwedeng
mangyari ngunit ang mga kababayan ang magmimistulang guro sa pagbangon ko Hindi ako
makapaniwala na tatami ang bagyong ito ngunit ‘isa lang ang masasabi ko ang pagbangon ng mga
tao ang siyang maghahatid sa panibagong mundo.

Mary Rose Fabian


BSN – 2A
NSTP
PINATUBO
Hunyo ika-labing lima taong isang libo, siyam na raan at siyamnapu't isa, nang gisingin ng
isang bulkan ang lalawigan na Pampanga at mga ibang kapanig na lugar, Itunuturing ito na
ikalawang-pinakamalaking Volcanic Eruption sa loob ng isang taon.. Halos dalawamput walong taon
na pala ang nakalipas ngunit ang mga bakas ay sariwa at nakatatak pa rin sa lugar. “Ang iniisip
namin ay wala na bang katapusan ito o kaya matatapos na ba ang mundo” ang sakit isipin na ang
mga tao ay sobrang takot sa pinsalang dinala ng pagsabog. Mga simbahan, mga sakahan, mga
magagandang pasyalan, at mga bahay ay hindi nakaligtas. Buhangin at mga abo ang
nagmimistulang ulan ang puminsala sa mga tao. Ang mga kwento ay nagmistulang pantasya dahil
sa hindi kapani-kapaniwalang karanasan na nagmistulang imahinasyon lamang dahil sa lubhang
pinsala. Mahirap man isipin ngunit totoo ang pangyayaring ito. Ang aking mga magulang ay takot
pa rin sa pangyayaring pagsabog ng bulkan, hindi ko man naabutan ang bangungot na ito, ang mga
litrato at bidyo ang magpapatunay nito. Halos ilang dekada na rin pala ngunit ang ala-ala ay
nakakatatak pa rin. Tunay ngang nakakaantig damdamin ngunit tunay ngang ang pagbangon nila ay
walang makakapantay. Ang pagkadarapa ay hindi binibilang at pagbangon ang siyang may numero.
Mahirap man ay sinikap nila at ngayon ay maayos na. Ang pangyayari man ay nakikita at sariwa pa
ngunit ang pagbangon ay nanatili na.

Mary Rose Fabian


BSN – 2A
NSTP
MARAWI
Barilan dito, barilan doon, pagsabog dito, pagsabod doon yan ang karaniwang buhay ng mga
taga MARAWI noong nakaraang taong dalawang libo’t labing pito. Hindi mo lubos iisipin na ang
isang giyera ay pwedeng maganap sa mahal nating bansa. Kung noon ay nababasa lamang natin ang
mga kwento tungkol sa mga patayan ngunit ngayon ay nasa ating kamay. Sa loob ng apat na buwan
puro putukan ang naririnig ng mga kawawang bata, sa loob ng apat na buwan puro patay na
katawan ang nasa daan, sa loob ng apat na buwan ang mga sundalo ay nagtutugunan. Bakit nga ba
kailangan pang may magtaya ng buhay para sa bayan? Bakit kailangan pa? Ang mga sundalo ang
magpapatunanay na ang pakikipaglaban sa bayan ang siyang makakapagbigay ng kaluwalhatian.
Kung iisipin, baka ay di ko kayanin ang araw araw na mga pangyayari.

Lumipas ang masalimuot na mga araw araw ng mga taga-Marawi at nakuha ang kapayapaan
na hinahangad. Walang pagsidlan ang tuwa, mga sundalong makakasama na ang mga pamilya. Ang
pagbangon ay hindi magagawa kung hindi magtutulungan. Kailangang harapin ang panibagong
araw ng may saya at may pag-asa. “Marawi, sabay sabay nating ibabangon” Marawi, patawarin sa
pagsira ng iyong bayan, patawad sa mga buhay na nawala at salamat sa panibagong pag-asa.

Mary Rose Fabian


BSN – 2A
NSTP

You might also like