You are on page 1of 3

February 17-23

Isang pinagpalang araw ang lagi sa akin ay bumabati. Lubos akong nagagalak dahil sa araw-araw
na regalo sa akin ng Diyos, walang pagkakataon na ako’y hinahayaan niya sa bawat pagsalubong ng
bagong umaga.

Sabado ngayon at araw na ng pahinga. Marami nanamang labada ang sa akin ay nakaabang,
ngunit bago ang lahat ay nais ko munang ikwento sa aking pinakamamahal na kaibigang papel ang lahat
ng nangyari sa akin sa buong linggo kasama ng aking ballpen. Hindi maipagkakailang isang nakakapagod
na linggo ang naganap dahil kapansin-pansin na abala ang lahat sa kani-kanilang mga gawain lalo na at
papalapit ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang pagdiriwang ng ika-99 na anibersaryo ng Leyte
Normal University. Ngunit wala nang mas kapana-panabik pa sa araw ng pagsusulit kaya naman kaliwa’t
kanan ang mga gawaing ibinibigay sa amin ng aming pinakamamahal na mga guro. Hindi ako sanay ng
may hinahabol at nagmamadali, kayat pagdating sa mga gawain sa paaralan ay ginagawa ko ang lahat
para matapos sa itinakdang panahon at maipasa sa tamang araw ng pasahan. Ngunit may mga
pagkakataon, hindi ko itatanggi, na hindi ko ginagawa at natatapos sa takdang araw na inilaan ko ang
ibang mga gawain dahil sa mas inuuna ko ang mag-open ng facebook kaysa unahin ang lahat kaya’t may
pagkakataong natatambakan at nagpapatung-patung ang aking trabaho.
Feb 24-29

“……………………….”

Sobra akong nananabik sa mga mangyayari ngayong darating na linggo. Mukhang magiging
masaya at magkakaroon kami ng pagkakataon lahat na mga normalista na magkaisa at makilala ang
bawat isa. Ngunit bago natin alalahanin kung anong mangyayari sa hinaharap ay muling balikan natin
ang kahapong nangyari.

Nakakaproud pala tingnan ang kapwa mong mag-aaral na parang buwis buhay kung gampanan
ang bawat role na inatas sa kanila para lang makompleto at masegurado na magsasaya ang lahat sa
bawat araw na lilipas sa pagdiriwang ng anibersaryo ng aming paaralan. Ngunit ang talagang nagpaakit
at nagpasigla sa lahat ay ang pagkakaroon ng shortened time sa bawat klase. Wala lang, parang stress
free rin kasi samin pag mayroong ganyan na pagkahaba-habang bakasyon. Kaliwa’t kanan pa rin naman
ang mga trabahoin ngunit mas ginusto naming hindi magpaka-stress muna at i-enjoy ang mga araw dahil
alam naming pagkatapos ng kasiyahang ito ay walang tigil naman na pagbababad sa mga libro at
pagsusunog ng kilay sa pagreview.

Mukhang wala atang bakanteng espasyo para sa’min, halos kahit library ground ay maraming
tao ang naroon at nag-iinsayo. Punuan din kahit sa loob ng library at maging sa lahat ng canteen ng LNU,
sobrang nakakatuwang tignan dahil mula sa mga seryosong mukha sa acads ay ngayo’y kitang-kita na
nananabik ang lahat sa mga mangyayari. Handa na rin ang ibang booth, may kanya-kanyang pwesto ang
lahat, kami ng mga kaibigan ko mukhang chill lang din, walang pera e.

Maaga kaming nagdidismiss pero late kaming umuuwi sa kanya-kanyang tinutuloyan, pano e
kahit hindi kami kabilang sa mga nag-iinsayo ay parang kaparte pa rin kami ng sayawan nila, nakakamiss
lang kasi yung mga araw na isa kami sa mga inaabangan ng mga tao na magpapakitang gilas sa harap ng
intablado. Ramdam ko ang pagod nila lalo na’t naranasan din namin ang dinaranas nila ngayon. Kahit
tirik na tirik ang araw ay hindi pa rin sila nagpapahinga sa pagiinsayo. Kami, ito, tamang tambay lang at
kain.

Wala rin namang masyadong naganap sa’kin buong linggo, paulit-ulit lang hanggang sa
nagsabado, ewan, excited lang ata talaga ako. Bukas na pala magsisimula ang kasiyahan, FunRun ang
mauuna pero mukhang hindi kami makakasali, hindi kami nakabili ng t-shirt at nakapagbayad ng
registration e, kinapos sa pera.
March 1-6

You might also like