You are on page 1of 1

Ano ang dapat gawin kung Ako ay Malantad FAQs

Coronavirus Disease (COVID-19)


1. Ano ang dapat kong gawin kung mayroon akong mga sintomas at iniisip na maaaring nalantad ako sa novel
coronavirus?
Karamihan sa mga taong may mga impeksyon sa palahingahan tulad ng sipon, at coronavirus disease (COVID-19) ay
magkakaroon ng mahinang karamdaman at maaari gumaling gamit ang nararapat na pangangalaga sa loob ng tahanan at
hindi na kinakailangan ang pumunta sa isang doktor. Ang mga tao na matatanda, nagdadalang-tao, o may mahinang
sistema ng imyunidad, o iba pang mga medikal na problema ay may mas mataas na panganib ng mas malubhang
karamdaman o mga komplikasyon. Inirerekumenda na iyong subaybayan ang iyong mga sintomas nang maigi at humingi ng
medikal na pangangalaga nang maaga kung ang iyong mga sintomas ay lalong lumala.

Kung nahihirapan kang huminga o mapanatili ang mga likido sa katawan, pumunta sa isang emergency room o tumawag sa
911. Kung hindi, mas maigi na tumawag sa iyong doktor bago pumunta upang humingi ng pangangalaga.

Dapat ka ring tumawag sa isang doktor kung mayroon kang malapit na pakikisalamuha sa isang taong may COVID-19.

2. Ano ang dapat kong gawin kung wala akong mga sintomas at iniisip na maaaring nalantad ako sa novel
coronavirus?
Kung wala kang sakit, hindi mo na kailangang gumawa ng kahit na ano maliban sa sanayin sa araw-araw ang araw-araw na
pag-iwas at subaybayan ang iyong sarili para sa mga sintomas ng sakit sa palahingahan, tulad ng lagnat at ubo. Kung
magkasakit ka, sundin ang gabay sa seksyon sa itaas.

Kasama sa pang-araw-araw na personal na mga aksyon sa pag-iwas ay:


• Manatili sa bahay kapag ikaw ay may sakit. Manatili sa bahay nang hindi bababa sa 24 oras pagkatapos na mawala
ang iyong lagnat o mga sintomas ng isang lagnat na hindi gumagamit ng mga gamot na nagpapababa ng lagnat.
• Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo, lalo na
pagkatapos pumunta sa banyo; bago kumain; at pagkatapos na suminga, umubo, o bumahin. Kung hindi agad
makakagamit ng sabon at tubig, gumamit ng isang nakabatay-sa-alkohol na sanitiser ng kamay na hindi bababa sa
60% na alkohol.
• Takpan ang iyong mga pag-ubo at pagbahin gamit ang isang tisyu, at pagkatapos ay itapon ang tisyu at linisin
kaagad ang iyong mga kamay. Kung wala kang tisyu, gamitin ang iyong manggas (hindi ang iyong mga kamay).
• Limitahan ang malapit na pakikisalamuha sa mga taong may sakit.
• Linisin at disimpektahin ang madalas hawakan na mga bagay at mga ibabaw gamit ang isang regular na pang-spray
o pamunas na panlinis ng bahay.

3. Maaari ba akong masuri para sa novel coronavirus?


Kung ikaw ay may sakit, ang iyong tagapagbigay ng pangangalaga ng kalusugan ay maaaring magpasya na gumawa ng isang
pagsusuri para sa coronavirus. Ang mga tagapagbigay ng pangangalaga ng kalusugan lamang ang maaaring sumuri para sa
COVID-19. Dahil ang karamihan sa mga tao ay gagaling sa pagpapahinga at sa pagdaan ng panahon, hindi na kailangang
magpatingin sa isang doktor kung mayroon kang mahina na mga sintomas. Kung ikaw ay may sakit at sa tingin mo ay dapat
kang masuri para sa COVID-19, tawagan ang iyong doktor bago pumunta para sa pangangalaga.

4. Paano ginagamot ang novel coronavirus?


Walang tiyak na paggamot para sa sakit na dulot ng novel coronavirus. Gayunpaman, marami sa mga sintomas ay maaaring
gamutin.

Sa kasalukuyan ay walang bakuna upang maiwasan ang novel coronavirus. Maging alisto sa mga pekeng produkto na
ibinebenta na nagsasabi ng mga maling pag-aangkin na maiiwasan o malulunasan ang bagong impeksyon na ito.

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng County ng Los Angeles


www.publichealth.lacounty.gov
03.07.2020 FAQ-ExposureTagalog

You might also like