You are on page 1of 1

MABIYAYA

May isang mayaman na pamilya na nagcecelebrate ng pasko sa kanilang tahan. Habang


nagbibigayan sila ng regalo, ang anak ng mag-asawa na si John ay humiling ng bagong iPad.
Nang ibinigay na kay John ang regalo, “Yehey! Ako lang ako mayroon nito sa school” ani ni John
habang binubuksan ang regalo. Naka ngiti naman ang mga magulang ni John sa kanya habang
pinapanood syang buksan ito. Nguti nadismaya si John nang makita nya na isang libro ang
natanggap nya,”anak, buksan mo sa pahina 24” ani ng kanyang tatay. Sa sobrang dismaya ni
John “Bakit ganito? Gusto ko iPad! Ayoko ng ganto!!!” ani ni John na naiinis. “pero anak may…”
hindi na natapos ang sinasabi ng kanyang nanay dahil tumakbo si John papalabas ng bahay.

Habang naglalakad si John sa mga kanto napahinto sya nang may napansin syang mag-
ina na nakaupo lamang sa bangketa, may isang plastic ng pancit at tinapay sa gitna nilang
dalawa. Naririnig ni John ang kanilang pinag-uusapan, “Anak, eto regalo ko sayo…buksan mo”
ani ng ina, habang binubuksan ng bata ang regalo,sya ay natuwa dahil ang regalo ay isang
lumang libro “wow mama! Maraming salamat po nagustuhan ko po ng sobra!” tuwang-tuwa
ang bata. “pasensya ka na anak at yan lang ang mabibigay ko sayo” ani ng ina habang naiiyak.

Bumalik na si John sa kanilang bahay habang umiiyak dahil narealize nya na hindi lahat
ng tao ay may maginhawang buhay, may komportableng tahanan, may mga gamit na
magaganda. Nagulat ang mga magulang ni John nang makita nila ang kanilang anak na umiiyak.
“mama,papa…sorry po sa inasal ko kanina…”ani ni John. Binigay muli ng tatay ang libro kay
John,”ano…bubuksan mo na ba sa pahina 24?” ani ng kanyang tatay habang naka ngiti. Bago
buklatin ni John ang libro,naalala nya ang mag-ina sa bangketa. Agad syang tumungo sa hapag
kainan at nagbalot ng mga kanilang handa. Nagtaka ang kanyang mga magulang “para po ito sa
nakita ko kanina…samahan nyo po ako.” Pumunta sila sa bangketa kung saan nakita ni John ang
mag-ina at iniabot nya ang mga pagkain “para po sa inyo sana po mabusog kayo…Maligayang
pasko!” ani ni John at napangiti naman ang kanyang mga magulang. Umuwi na sila, at nang
ibinuklat na ni John ang libro sa pahina 24, bumungad sa kanya ang malaking halaga ng pera at
agad na niyakap ng mga magulang habang naiiyak.

You might also like