You are on page 1of 13

John as Tristan

Male Lead : “Christian”


Edwin as Kevin
Female Lead : “Catherine”
JM as Miguel
 Anak 1 : “Miguel” Leona as Andrea

Kabit : “Hailey” George as Christian

 Anak: “Emmanuel” Febriel as Hailey

Joseph & Ken as Mga Pulis


Tita (Motherside) : “Ann”
Christina as Judge (Courtney)
Kaibigan ng Male Lead; “Andrea, Hailey, Kevin”
Aziza as Ann
Judge (Courtney) Dustin as Danny

2 Police Ira as Catherine

Manuel as Emmanuel
Co-worker ni Catherine: “Daniel” or “Danny”, “Tristan”

Hustisya

SCENE 1 : Christian and Catherine

Inakbayan ni Christian si Catherine at nagsabi,

Christian: Hi baby, ang ganda talaga ng mukha mo ‘no? Parang anghel. I like it, pero mas like
kita.

Catherine: (nakayuko) Christian, anong ginagawa mo? Tsaka diba may girlfriend ka na? Si
Hailey?

Christian: Girlfriend? Si Hailey? Ah, wala naman talagang kami. Nilalandi lang ako ‘nun.. and I
just realized na mas bagay pala tayo. (sa mga kaklase) Right, guys? Diba mas bagay kami?
(tumawa at tumingin kay Catherine ng seryoso) Gusto kita, Cath. Seryoso ako.

Naghiyawan naman ang kanilang mga kaklase at sumang-ayon malibang kay Hailey.

Catherine: Christian, stop. Matagal na akong sumuko sa’yo. Kaya please, stop.

Christian: Oww.. Sumuko ka na agad, baby? Well, I guess I just have to bring you back. I’ll do
anything para mapasakin ka.
Tinignan naman ni Catherine si Hailey. Nagtinginan ang dalawang babae bago umirap si
Hailey at nilayo ang tingin sa dalawa.
SCENE 2: Sagot ni Catherine

Tumagal ng 5 buwan ang panliligaw ni Christian kay Catherine..

Andrea: Catherine!! Nasugatan si Chris nung naglalaro sila ng basketball kasama ng mga
kaibigan niya!

Catherine: HA?! Nasaan siya ngayon?!

Andrea: Nasa basketball court ng school!!

Tinakbo agad ni Catherine papunta ang gym ng kanilang paaralan ngunit nagulat ito sa
nakita niya. Dahan dahan itong lumakad papunta sa kanyang manliligaw habang pumapatak
ang mga luha nito.

Catherine: A-anong ibig sabihin nito..?

Binigyan siya ni Christian ng bulaklak.

Christian: I knew that it’s just been months since I said that I like you. But however.. will you
be my girlfriend, Catherine?

Umiyak si Catherine at tumango habang nakangiti. Hindi na makasalita ang dalaga at


tumakbo ito para yakapin ang kasintahan na ngayon.

Naghiyawan ang mga kasama ni Christian sa kanyang plano. Nag-date naman ang
magboyfriend at girlfriend pagkatapos sagutin ng dalaga ito.

SCENE 3: Totoong Ugali

Tumagal ng siyam na buwan ang magkasintahan ngunit hindi alam ng dalaga na naiirita na
ang binata sakanya. Hindi sadya na marinig ng dalaga ang pag-uusap ng kanyang kasintahan
sa tropa niya.
Christian: Brad, nakakairita na siya. Palaging nakasunod sa’kin. Tapos pag pinagalitan ko iiyak
agad. Such a crybaby. Ni hindi nga kami makapagkita ni Hailey dahil sakanya e.

Kevin: Oh? Ilang buwan nalang brad. O pipili ka. Be a slave and lose the game or mag tiis-tiis
muna hanggang sa makuha mo ang gusto mo.

Christian: NO! I don’t want to be the group’s slave. Nababagay lang yun sa’yo, jerk.

Kevin: Then do it with her. Yabang yabang mo pa eh. May pa “Dali-dali lang naman” ka pang
nalalaman.

Christian: I wouldn’t be in this mess because of you. If I knew that this would be like it, hindi
ko na ginawa. Atsaka, madali lang naman talaga. I just have to get her trust, aight?

Kevin: Go, brad. Kaya mo yan. Pero naeexcite pa ‘rin akong magiging slave ka ng groupo.
Hahahha.

Binaba naman ni Christian ang tawag na nakakunot ang noo. Mukhang galit. Hindi naman
alam ni Christian na narinig ng kasintahan niya ang kanilang pinaguusapan. Pinunasan ni
Catherine ang kanyang mga luha na namumuo sa kanyang mga mata bago binati ang
kanyang jowa.

Catherine: Chris!

Christian: Naparito ka, babe?

Catherine: May ibibigay pala ako sa’yo. Hehe.

Chris: Oh? Ano ‘yun?

Binigay naman ni Catherine ang munting regalo para sakanyang kasintahan.

Catherine: Happy 9th monthsarry! Hindi kabongga yang gift na yan pero sana matanggap mo
pa ‘rin. I’m really happy that you accepted me as a person.

Christian: Salamat, baby. Nakalimutan ko.. ngayon pala yun ‘no? Hindi ako tuloy nakabili ng
regalo para sa’yo.
Catherine: Ayos lang, Chris! ‘Di ‘rin naman talaga importante sa’kin ang gift. Ang importante
sa’kin ay makasama ka lang kahit sa araw na ito.

Napangiti nalang si Catherine at tumahimik ang dalawa. Bigla nasira ang katahimikan ng
nagsalita ang binata.

Christian: Ah! May naisip ako, tapos… eto na ‘rin yung magiging gift ko sa’yo. Diba… mahal mo
ako, Cath?

Catherine: Opo. Mahal na mahal.

Christian. Kung mahal mo nga ako.. patunayan mo nga sa’kin.

Catherine: Papaano ko naman papatunayan sa’yo..?

Christian: Hmm.. Mapapatunayan mo lang pagbinigay mo sa akin ang virginity mo. Papayag ka
ba? Atsaka tutal 9th monthsarry na natin tagal-tagal na natin oh. Hindi pa natin ‘yun
nagagawa. Tapos ito nalang magiging regalo ko sa’yo.

Catherine: Eh.. Chris.. masyado pa tayong bata..

Christian: E ‘di hindi mo talaga ako mahal! Kung mahal mo ako maibibigay mo sa’kin yun!

Natatakot na ang dalaga at ito ay naluluha na ngunit humindi parin ito sa kanyang
kasintahan.

Christian: Ah ganun?! Ayaw mo? Pwes pipilitin kita!

(*rape scene*)

SCENE 4: Is it a bad luck or a good one?

Nagising ang dalaga na wala na sa tabi ang kanyang kasintahan. Tinignan niya ang bintana
at napansin na hapon na. Umiyak ito bigla nung naalala ang ginawa ng kasintahan sakanya.
Umuwi ito sa kaniyang tinitirhan na bahay habang pinupunas ang mga luha na namumuo sa
kanyang mga mata. Nakita naman ito agad ng kanyang Tita Ann na umiiyak ang dalaga.
Tita Ann: Catherine? Anong nangyari? Bakita ka umiiyak, nak? Napano ka? Atsaka saan ka
natulog kagabi?

Umiyak lang ng umiyak ang dalaga at hindi na nakasagot sa mga tanong ng kanyang
tita.Inalalay niya ito papunta sa kwarto niya.

Tita Ann: Nak, ‘di naman kita mapipilit kung ano yung problema mo but.. always remember
na andito ako para makinig. Maiintindihan ko yung problema mo but if it’s drugs, ay ibang
usapan na ‘yan. Sige pagluto muna kita ha? Para naman makakain ka.

Lumabas naman ang kaniyang Tita Ann. Hinayaan lang itong umiyak ng umiyak at hindi
pumasok sa paaralan.

Tatlong linggo ang nakalipas. Nakaramdaman ang dalaga ng pagsusuka. Dali-dali naman
itong pumunta sa banyo at sumuka. Nakita naman ito ng kaniyang Tita at nilapitan siya.

Tita Ann: Anak? What happened?

Napatigil siya nung nakita ang anak-anakan na sumuka.

Tita Ann: Buntis ka? ARE YOU PREGNANT? SINONG AMA NIYAN?

Umiyak lang ng umiyak si Catherine hanggang sa makasagot ito habang umiiyak.

Catherine: S-si.. C-Christian po..

Tita Ann: I KNEW IT. SABI NA NGA BANG DEMONYO YUN. WHERE IS HE? INIWAN KA BA
AGAD? OH WHAT A JERK HE IS.

Bumuntong hininga si Tita ann at nagtanong.

Tita Ann: Tell me, anong nangyari sainyo?

(Kinuwento naman ni Catherine ang nangyari sa kanilang dalawa habang umiiyak.)


Tita Ann: Bakit niya nagawa ‘yun? Hayop na ’yun. Hays.

Umiyak lang ang dalaga at hindi sinagot ang tanong ng kanyang tita.

Tita Ann: We’ll find him, alright? Papanagutan niya ang ginawa niya sa’yo lalo na yung baby.
It’s not good if the child won’t have hid dad, diba?

Tumango ang dalaga at pinupunas ang luha habang yakap yakap ang kanyang Tita.

Tita Ann: Don’t worry. I’ll find a way to get him to pay back sa ginawa niya sayo.

SCENE 5: Maging tatay o makulong?

Nung dumating ang lunes, nakita ni Tita Ann sa mall si Christian ng biglaan. Nang makita niya
ang dating kasintahan na nito ngayon na may kasamang babae, sinugod naman niya agad at
sinampal.

Tita Ann: WALANGHIYA KA! MAY LAKAS KA PANG LOOB NA IWAN ANG PAMANGKIN KO
PAGKATAPOS MO SIYA BINUNTIS?! HA? WHAT KIND OF BOYFRIEND ARE YOU?! TAPOS
NALAMAN KONG GINAHASA MO SIYA! GINUSTO NIYA BA, KAYA MO GINAWA? DIBA HINDI?!
NAKITA KO PANG MAY KASAMA KANG BABAE! AH.. ETO PALA SI CHRISTIAN MARTINEZ,
RAPIST. HE WAS THE ONE WHO RAPED CAATHERINE RODRIGUEZ THAT’S WHY SHE CAN’T
EVEN GO TO HER SCHOOL. OH HE IS ALSO A WOMANIZER.

Tinignan ng masama ni Tita Ann ang binata at sinabihan.

Tita Ann: Mamili ka! Papanagutan mo ang anak mo o makukulong ka sa bilangguan habang
buhay ha?! Mas gugustuhin ko pa ngang makulong ka!

Tumayo si Christian habang hawak hawak ang pisngi.

Christian: B-buntis si Catherine..?

Nagulat ang kasama ni Christian na si Hailey.

Hailey: What?! Hindi pwede!! Chris?! Anong ibig sabihin nito?! Christian!! I’m pregnant too!!
Tita Ann: Eto yung babae mo? Huh. Nakakuha ka pa ng loob na maging kasintahan siya even
though he’s a rapist and a two timer. Ay teka buntis ka ‘rin? Or is that just your excuse for
Christian not to leave you huh?

Hailey: So you think that Christian and Catherine fits much better?! Atsaka hindi! I’m not
faking this pregnant thing! Buntis talaga ako, Christian!

Umirap naman si Tita Ann at tinignan muli si Christian.

Tita Ann: Mamili ka na. Magiging ama ka o makukulong ka ng habangbuhay?

Christian: T-Tita.. wala po akong alam.. Tsaka ho hindi ko ginahasa si Catherine...

Tita Ann: Walang alam? So sinasabi mong nagsisinungaling yung pamangkin ko? Iiyak ba 'yun
kung nagsisinungaling siya?

Tumahimik ang binata bago lumuhod sa harap ni Ann.

Christian: Tita.. papanagutan ko ho yung bata.. 'wag mo lang po ako ipakulong..

Hailey: Christian?! ARE YOU JUST GOING TO LEAVE ME BEHIND?!

Tita Ann: Tumayo ka diyan at harapin ang pamangkin ko. Aminin mo sakanya ang lahat na
ginawa mo.

Hinarap nga ni Christian ang dati niyang kasintahan na si Catherine,but hindi niya inamin kay
Catherine ang nangyari.

SCENE 6: The Truth Revealed

Mga ilang araw ang nakalipas ng nagpasyang pumasok si Catherine sa paaralan. Hinarap ng
dalaga ang mga bulong-bulongan ng siya ay pumasok. Papaiyak na ang dalaga at nagpasya
siyang pumasok sa girl’s cr.

Catherine: Hindi pwedeng hindi ako pumasok. It's for my future at sa anak ko. I can do it!
Kakayanin ko 'to!
Bumuntong hininga ang dalaga habang umalis na sa cr. Nakita niya naman si Andrea na
naglalakad kasama ang kanyang kasintahan na si Kevin. Pinuntahan niya naman ito ng
madali para makapagtanong at umiwas na rin sa mga sinasabi ng mga tao sa likod niya.

Catherine: Andrea! Pwede ba tayo mag-usap? Atsaka.. ikaw diba si Kevin? Kaibigan ni
Christian? Can the three of us talk? Privately?

Andrea: Right now? Anong pag-uusapan natin?

Kevin: Sure. What is it all about?

Catherine: It’s important. Atsaka sana saibihin niyo ang totoo sa akin. Dun tayo sa field mag-
usap.

Pumunta ang tatlo sa field at naghanap ng lugar na mapaguusapan nila.

Catherine: Sabihin niyo sa akin ang totoo, please? Hindi ako magagalit pag nalaman ko. May
kinalaman ba kayo sa sinasabi ni Christian na tungkol sa pagiging group’s slave?

Tinignan ni Andrea ang kasintahan niyang si Kevin bago magsalita, ngunit pinutol naman ito
ni Kevin.

Andrea: May roo--

Kevin: Wala kaming kinalaman ‘dun.

Kumunot naman ang noo ni Catherine at nagtanong ulit.

Catherine: Please. Kevin, Andrea. Sabihin niyo sa akin ang totoo. Tsaka kayo lang naman ang
nakikilala kong kaibigan ni Christian. May kinalaman ba kayo sa ganun? Ano yung pinag-
uusapan niyo nung last, last, last day?

Bumuntong hininga si Kevin at sinabi kay Catherine ang totoo at humingi ito ng patawad.

(flashback starts)
SCENE 7: Truth or Dare?

Andrea, Hailey, Kevin, Tristan at Christian nag-iinuman (kunyari) sa bar at naglalaro ng spin-
the-bottle

Kevin: Yo bro! Sayo napunta Christian! ’O ano? Shot o Dare?

Christian: Hmm. Dare.

Kevin: Since you’re the campus’ playboy.. I dare you to date the girl na nagconfess sa’yo last
year. Kilala mo naman ‘no? Si Catherine. Tapos pwede nalang kayo maghiwalay pag nakuha
mo na virginity niya. Hahahahaha. Nakakairita tignan mukha nun sa campus eh.

Napatahimik ang groupo at nagtinginan si Andrea at Courtney habang nag-aalala sa dare ng


kasintahan ni Andrea.

Andrea: Ang sama naman nun.. Virginity talaga yung kukunin? Hindi yung kahit ipafall nalang
ni Chris si Catherine sakanya at ibreak siya? It’s a bit cruel-

Hailey: It’s NOT masama or cruel. That would be only the time na mararanasan niya ang
sobrang pagsusuffer. Nakita niyo naman siguro yung ginagawa niya sakin? Pinapahiya niya
ako sa klase.

Andrea: Hailey-

Hailey: SHUT UP, Andrea. Ano? Pagtatanggol mo pa yung babaeng ‘yun? Do you want to be
out of the squad? (Roll eyes)

Napatahimik naman si Andrea at napainom nalang ng alak. Tinignan niya si Hailey ulit at
tinanong

Andrea (to Hailey): Ayos.. lang sa’yo…?

Hailey: Of course. I still remember how that wench humiliated me in class kapag wala si Chris.
(to Chris while fake crying) One time, sinabi pa niyang puro ako landi at hindi ko inaatupag
ang pag-eeskwela. Well, in fact nagkakamali siya. Nagmumukha na raw nga akong clown dahil
sa make-up ko. Yung pagbubully ko sakanya wasn’t enough. That nerd needs to know her
place. And plus, alam ko namang mahal na mahal ako ni Chris. Hindi niya ako papalitan sa
babaeng iyon.

Kevin: So ano, bro? G?

Christian: Ilang months? Kailangan niyang pagbayaran ang paglalait sa girlfriend ko. (Christian
caressing Haileys head as he drank the alcohol.) Hindi ko pala alam na ginaganyan ka. (to
Kevin) Also, kailan ko gagawin?

Hailey clings onto the arm of Christian as the girl pouted while fake crying.

Hailey: Palagi niya akong ginaganun.. Huhuhu

Kevin: Within 10 months, bro. Tapos pag hindi mo nagawa you’ll be the squad’s slave for a
year and you’ll start by Monday.

Christian: Game. Dali-dali lang naman.

Bigla namang napatayo si Hailey habang tinitignan yung hawak-hawak na cellphone.

Hailey: Hala, kailangan ko ng mauna. Hinahanap na sa bahay e. (to Chris) Babe, hatid mo
akoo.

Christian: Yes, baby. (tingin sa barkada) Guys mauuna kami. See you all at school.

Andrea: Sige, Hailey.. Ingat kayo ah?

Umalis na ang dalawa at hindi naman nagtagal umalis na rin ang magkakabarkada sa bar.

(flashback ends)

Kevin: I’m sorry, Cath. I regret that day kasi ni-dare ko yun. Please, forgive me.

Nakayuko ang magkasintahan habang humihingi ng patawad.


Andrea: Patawarin mo kami, Cath. Atsaka sa una palang nitry ko silang pigilan pero ginawa
parin nila e..

Tumahimik ang dalaga at pinunasan ang mga luha na namumuo sa kanyang mga mata.

Catherine: Ayos lang. Nangyari lang naman na. And, I hope na sana this will serve a lesson to
you guys. Isipin niyo muna ang mangyayari bago kayo gumawa ng anong bagay na
magpapatuwa lang sa inyong sarili. Try to be selfless minsan. I hope na sana hindi na mauulit
ang nangyari. Magiging ninang at ninong kayo ng anak ko ah? Tinuring ko na kasi si Andrea na
isa kong kaibigan, at dahil jowa ka na rin ni Andrea at kaibigan ni Kevin. Thank you for telling
me the truth. I appreciated it. Salamat sa inyong time. Pasok na ako.

SCENE 8: Is this bad luck?

Makalipas ang limang buwan pinanagutan nga ni Christian ang dalaga. Nakagraduate ang
magkasintahan sa kanilang paaralan kahit na si Catherine ay buntis at malapit na manganak.
Umabot sa panahon na nanganak na si Catherine. Pinangalanan nila itong Miguel. Miguel
Antonio Martinez. Pagkatapos manganak ni Catherine, nagplano na ang kanyang Tita na
ipakasal silang dalawa pero hindi sa simbahan.

Judge: You are now, husband and wife.

Ngumiti si Catherine na parang pinilit. Hinug niya naman ang kasintahan niya na naging
asawa na niya ngayon.

2 years have passed, nagkaroon na ng sariling bahay ang dalawa kasama at ang kanilang anak.

Inalagaan ni Christian ang kanyang mag-ina ngunit ng mamatay ang Tita ni Catherine na
nagaalaga sakanya. Bigla itong nagbago. Napansin ni Catherine na umuuwi na ito ng umaga,
minsan hindi na ‘rin ito umuuwi.

Nabalitaan na lamang ni Catherine na nagkikita ulit si Hailey at Christian, galing kay Andrea.

Catherine: Ano bang ineexpect ko sakanya? He was like that from the start. Ang sweet sweet
niya tapos sa huli it was just all an act! At ako naman itong si tanga, nagtatanga ulit sakanya. I
knew that he was just like that but why am I letting him do that to me? Akala ko nawala na
ang pagmamahal ko sakanya nung ginawa niya sa akin yun. But.. I was wrong. Bakit nga ba
ako nageexpect? Hahahaha.
Tumagal ng tumagal, hindi na umuuwi sa bahay ang asawa. Lumaki na ang kanyang anak.
Malapit na maubos ang pera na natitira sakanila kaya nagpasya si Catherine na magtrabaho
para sa kanyang anak. Isang araw, bigla itong bumalik sa kanilang bahay ng lasing.
Christian: Oh balita ko raw may trabaho ka na?

Catherine: Oo..

Christian: Ibigay mo sakin lahat ng sweldo mo.

Catherine: Para saan..?

Christian: Siyempre, para sakin. I’m the father of this house naman diba? It means I have the
power.

Binigay naman ni Catherine ang kalahati ng kanyang pera dahil sa takot. Ayaw naman niyang
maubusan siya dahil para iyun sa kanyang anak.

Christian: Eto lang?

Umiiyak na si Catherine at sinabihan ang kanyang asawa.

Catherine: C-Chris.. para ito kay Miguel.. para ito sa kanyang pag-aaral..

Tinignan niya ang kanyang asawa ng masama at sinampal. Nahulog naman ito at naiiyak.

Christian: ETO LANG MAIBIBIGAY MO? WALANG KWENTANG BABAE. ATSAKA KUNG GUSTO
NI MIGUEL NA MAG-ARAL MAGTRABAHO SIYA PARA SA KANYANG SARILI. YOU BOTH ARE NO
WORTH OF MY TIME.
Umalis naman ito at hindi bumalik. 2 weeks have passed, bumalik ito sa mag-ina. May
kasamang namang babae, si Hailey. Nakita agad ni Catherine ito kaya pinapapasok niya sa
loob an kanyang anak na si Miguel.
Catherine: Pumasok ka sa loob ng kwarto mo, Miguel.
Hindi na nagsalita ang bata at pumasok sa loob ng kanyang kwarto.
Catherine: Ano ito, Christian?
Hailey: What are you saying “Ano ito?”? Tanga ka talaga siguro Catherine. Pinakasalan ba
naman ang hindi sakan’ya.
Christian: Hindi naman talaga kita mahal e. Pinakasalan ko lang naman kita kasi ayaw kong
makulong. Nasira na nga pangalan ko dahil sa Tita mo, makukulong pa ako?
Hailey: See, Ang? Hindi ka naman niya talaga mahal e. So if you will excuse us, pupunta muna
kami sa kwarto namin.
Christian: Oh, before ko makalimutan pwede ka na palang umalis sa bahay. Wala ka nang pag-
aari dito sa bahay. Kung ayaw mo umalis pwede ka naman maging katulong dito, kayo ni
Miguel.
Iiyak na sana si Catherine ngunit pinigilan niya ito. Tumalikod ito at pumunta sa kwarto ng
kanyang anak ng biglang nagsalita ang asawa.
Christian: Teka, wag mong kalimutan na ibigay yung sweldo mo sakin ha?
Tumalikod na si Catherine at pumunta sa kwarto ng kanyang anak habang naririnig ang
kanilang mga tawa.
Catherine: Nak, pag nakaipon na ako ng maraming pera aalis na tayo rito ha?
Miguel: Eh ma, paano si papa?
Catherine: Don’t mind him. May sarili siyang buhay. Basta anak, tutulungan mo mama ha?
Aalis tayo rito balang araw.
Miguel: Yes ma. Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin.
Ngumiti naman si Catherine sa kanyang anak.
Miguel: Ma, bakit nga pala hindi ka lumalaban kay papa? Tinuruan kami sa school na we all
have our rights.
Catherine: Hindi ko alam.. siguro I’m afraid? Or because na I love him so much that I would do
anything for him? Siya kasi first ko, nak. Siya rin yung pangalawang lalake na minahal ko
bukod sa lolo mo.
Miguel: Diba ma hindi naman ganito si papa noon? Bakit siya naging ganun?
Catherine: Narinig mo ba, nak?
Miguel: Oo nay.. sorry po..
Bumuntong hininga naman si Catherine at hinawakan ang kamay ng kanyang anak.

You might also like