You are on page 1of 5

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga tagapagsaliksik upang matukoy kung ano ang

mga dahilan sa patuloy na pagdami o pananatili ng bilang ng mga nakatira sa tambakan ng

basura kasabay ng pagtaas ng ekonomiya at pondo ng pamahalaan. Ang mga tagapagsaliksik ay

naghanap ng mga relatibong libro at mga saliksik na may kinalaman sa mga problemang nais

sagutin. Ang mga mananaliksik ay naghanap rin ng impormasyon tulad ng nakalaang budget ng

pamahalaan para sa kasalukuyang taon. Lumabas na bumaba ang nakalaang pondo para sa mga

departamento ng pamahalaan na nakapokus sa mga mahihirap at karamihan sa mga natapyas na

pondong ito ay napunta sa pagpapalakas ng lakas-militar. Naghanap din ang mga mananaliksik

ng mga pag-aaral na may kinalaman sa mga nakatira sa tambakan ng basura at aksyon ng

gobyerno; titingnan din ang kabuuang mga proyekto ng pamahalaan mula sa mga nakaraang

administrasyon hanggang sa ngayon upang malaman kung saan mas nakakiling ang mga

programa at proyekto ng pamahalaan. Ang mga tagapagsaliksik ay sumangguni sa mga pook-

sapot ng pamahalaan tulad ng National Housing Authority (NHA), National Economic

Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) upang kumalap ng

datos na susuporta sa problemang tinatalakay. Napag-alamang marami ang bahay na naipatayo

ng NHA katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngunit hindi

tinitirahan ng mga napagkalooban sa mga rasong: Malaya ang mga pabahay para sa mga

informal settler sa mga pampublikong establisimiyento at sa kanilang mga trabaho. Ang iba sa

mga lugar na ito ay wala ring tumatakbong tubo para sa suplay ng tubig at kuryente. Sa kabuuan

ng papel na ito ay magbibigay ng sagot at interpretasyon ang mga tagapagsaliksik ukol sa

problemang nasabi.
INTRODUKSYON

Ang Pilipinas ay isa sa mga itinuring na Third-World Country at ito ay

nangangahulugang lumalago o papalagong bansa kung pag-uusapan ay ekonomiya (GDP). Sa

kasalukuyang panahon, patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong nakatira sa tambakan ng

basura. Maraming dahilan ang pag-usbong ng kahirapan tulad ng kawalan ng edukasyon, samut-

saring bisyo at kawalan ng pag-asa na makaahon sa kahirapan. Hindi rin lingid sa kaalaman ng

mga taong ito na may parte ang ating pamahalaan tulad ng pagbawas ng pondong nakalaan sa

pabahay, mababang pasweldo at kaunti o kawalan ng aksyon ukol sa unemployment rate ng

bansa. Ang pagtaas na ito ay lubhang nakababahala hindi lamang para sa ating pamahalaan kundi

pati na rin sa ating mga komunidad. Maaarung lumikha ng domino effect ang suliraning eto at

makaapekto sa mas maraming bilang ng tao o kimunidad sa mga susunod na taon at dekada.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay masagot ang suliranin ukol sa dahilan sa

patuloy na pagdami o pananatili ng bilang ng mga nakatira sa tambakan ng basura kasabay ng

pagtaas ng ekonomiya at pondo ng pamahalaan. Sa pagsagot sa katanungang ito ay inaasahan na

makatutulong sa mga hinaharap na pag-aaral na may kaugnay na suliranin. Kasama din sa

layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyan ang pamahalaan ng perspektibo ng mga mamamayan na

idrektang naaapektuhan ng nasabing problema.


SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa paglalahad ng mga impormasyong nakuha ng mga mananaliksik

na nanggaling sa iba't ibang sanggunian at materyal. Nakapaloob sa pag-aaral na ito kung paano

tinanggap at kinampihan ng mga mananaliksik ang mga impormasyong nakalap at kung paano

ito tinutulan. Sumasaklaw ang pag-aaral sa pananaw ng mga tagapagsaliksik hinggil sa mga

mamamayang patuloy paring naninirahan sa tambakan ng basura. Ang mga informal settlers na

walang titulo ng lupa kaya't naging regular na hamon na sa kanila ang magkaroon ng

permanenteng matitirahan. Kinapapalooban din ang pag aaral na ito ng mga impormatibong

sanaysay na nanggaling sa libro at mga artikulo upang mapatunayan at tuluyang mapunan ng

mga tagapagsaliksik ang kanilang mga layunin at makamtan ang maayos na resulta na

magbubunga ng isang dekalidad na pag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang resulta ng pag aaral na ito na kung saan isiniwalat ng mga mananaliksik ang mga

impormasyong sasagot sa nasabing problema ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mananaliksik

Ang mga mananaliksik ay sumasalamin base sa naging resulta o konklusyon ng isang

pagaaral. Sa pagsangguni, maaaring magamit ang pag-aaral na ito ng mga susunod na

mananaliksik upang maging karagdagang impormasyon sa kanilang gagawing pag-aaral.

Mga Estudyante

Ang resulta ng pag aaral ay magbibigay ng kaunting kaalaman sa mga estudyante na nais

makakuha ng impormasyon na sumasapatungkol sa mga Informal Settlers (IFS). Sa kabuuan ng


papel na ito ay mahihinuha ng mga estudyante kung bakit sa patuloy na paglago ng ating

ekonomiya ay paglobo din ng mga taong naninirahan sa tambakan ng basura o mas kilala sa

tawag na IFS.

BALANGKAS KONSEPTUWAL

MABABANG
BILANG NG
INFORMAL
SETTLER

EKONOMIYA EPEKTO
SALIK
NG PILIPINAS

MATAAS NA
BILANG NG
INFORMAL
SETTLER

PIGYUR 1-Ang ekonomiya ng Pilipinas, bilang ng mga informal settler na nakatira sa tambakan

ng basura, masalik at epekto nito

Ang pigyur 1 ay nagpapakita ng mga salik at epekto na maaring mangyari sa bilang ng

mga informal settler na nakatira sa tambakan ng basura kasabay ang pagbabago ng ekonomiya.
DEPINISYON NG MGA TERMINO

Ang mga terminong ginamit sa pag-aaral na ito ay buhat mula sa diksyunaryo, internet,

atbp. Ang mga terminong ito ay lubhang makatutulong sa mga mambabasa upang mas

maintindihan at maunawaan ang kahulugan ng isang salita o akronim na ginamit. Sa dulot nito ay

mas lalawak ang kanilang talasalitaan ay mas magiging pamilyar sa mga salita.

Informal Settlers - ay mga taong naninirahan sa lupa na pag-aari ng ibang tao, partikular na

kung ang lupa ay hindi ginagamit o pinabayaan na ng may-ari. Ang mga ito ay kabilang sa mga

taong walang sariling tirahan o matutuluyan dahil sa kahirapan ng buhay.

National Economic and Development Authority (NEDA) - tungkulin nilang balangkasin ang

mga planong pangkaunlaran at tiyakin ang pagpapatupad ng mga ito ay makatutugon sa mga

layunin ng pambansang kaunlaran.

Gross Domestic Product (GDP) - ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling

kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang

takdang panahon.

Gross National Product(GNP) - sumusukat sa kabuuang produksyon na nagawa ng isang bansa

na nagbubuhat sa loob at labas ng bansa.

Tambakan- tapunan ng basura o bunton ng mga basura.

You might also like