You are on page 1of 8

I.

PAMAGAT
Florante at Laura
II. PANIMULA
Ang Florante at Laura ay isang awit na binubuo ng 399 saknong. Ito’y
may 12 pantig sa bawat taludtod at batay sa mga pangyayaring
“makatotohanan” sapagkta maaaring maganap sa tunay na buhay. (Basahin
ang “Ang Awit at Korido”).
Maituturing itong isang alegorya—isang akda na ang mga tauhan at
pangyayari ay sumasagisag sa ibang bagay. Noong panahon ni Balagtas,
mahigpit ang mga paring sensor. Walang kalayaan sa pagsasaita. Gaya ng
sinabi ng binatang nakagapos, sino mang magsabi ng totoo ay “agad
binibiyak at sinisikangan/ng kalis ng lalong dustang kamatayan.”
Wala ring kalayaan sa pananampalataya. Naghahari ang kasamaan at
kalupitan ng mga Kastilang namumuno na walang hangad kundi ang yaman
ng Pilipinas.
Ganito ang namamayaning kalagayan ng kanyang panahon na
tinutulan ni Balagtas sa kanyang akda. Ang pagtutol na ito ay tinawag ni
Lope K. Santos na “mga himagsik” ni Balagtas. Ang mga ito ay ang pagtutol
sa maling pamamahala ng mga namumuno sa isang bayan, sa maling
pagpapalaki ng mga anak, sa maling paniniwala hinggil sa relihiyon at sa
kawalan ng kalayaan sa pagsasalita.
Ngunit hindi tuwiran ang pagpapahayag ng kanyang pagtutol. Ginamit
ni Balagtas na tagpuan ang isang bayang Europeo, ang Albanya. Gumamit
siya ng mga hayop na tulad ng leon, buwitre, atbp. Sa gayo’y naikubli ng
makata ang kanyang tunay na hangaring ibunyag ang kasamaang sumisikil
sa mga kalayaan ng bawat isa.

III. MGA TAUHAN

FLORANTE
tagapagtanggol ng Albanya
at isang mabuting
anak ni Duke Briseo
LAURA
anak na babae ni Haring
Linseo ng Albanya; iniibig ni
Florante

ALADDIN / ALADIN
anak ni Sultan Ali-Adab ng
Persiya, isang moro na
nagligtas at tumulong kay
Florante

HARING LINSEO
hari ng Albanya, ama ni
Laura

PRINSESA FLORESCA
ina ni Florante, prinsesa
ng Krotona

DUKE BRISEO
ama ni Florante; Kapatid
ni Haring Linceo

ADOLFO
kalaban ni Florante,
tinawag na mapagbalat-
kayo; malaki ang galit
kay Florante
MENALIPO
pinsan ni Florante na
nagligtas sa kanya noong
siya ay sanggol pa
lamang mula sa isang
buwitre
MENANDRO
matalik na kaibigan ni
Florante, pamangkin ni
Antenor; nagligtas kay
Florante mula kay
Adolfo.

KONDE SILENO
ama ni Adolfo

ANTENOR
guro ni Florante sa
Atenas

SULTAN ALI-ADAB
sultan ng Persiya, ama
ni Aladin

FLERIDA
kasintahan ni Aladin na
inagaw ng kanyang amang
si Sultan Ali-Adab

EMIR - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa


pagpaslang kay Laura
HENERAL OSMALIK - heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona
HENERAL MIRAMOLIN - heneral ng Turkiya
HENERAL ABU BAKR- Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida

IV. MAY-AKDA
Sinasabi na nagdala ng kopya ng Florante at Laura si José Rizal noong
kapanahunan ng kaniyang mga paglalakbay sa Europa. Samantalang
pinaniniwalaan na sumipi si Apolinario Mabini naman sa kopyang nalimbag
noong 1870 o 1853 para malalang ang isang kopya ng Florante at Laura na
nasa sarili niyang sulat-kamay. Ginawa ito ni Mabini, habang nasa Guam
noong 1901, ayon sa mungkahi ng isang kapitan ng hukbong-katihan ng
Estados Unidos. Walang pahintulot na makabalik pa sa Pilipinas si Mabini
noong panahong ginawa ito ni Mabini.
May ginawang mga pagbabagong may kaugnayan sa ortograpiya si
Mabini sa kaniyang isinagawang kopya, ayon na nga sa mungkahi ni Jose
Rizal. Isang kopyang holograpo – isang kopyang kalarawan ng orihinal na
nasa sulat kamay ni Mabini – ang ipinagbili sa pamahalaan ng mga kaanak ni
Mabini. Unang nalimbag ang 700 kopya ng gawang-kamay na ito ni Mabini
noong 1964, sa ilalim ng pamamahala ng The National Heroes Commission
ng Pilipinas, bilang parangal kina Francisco Baltasar at Apolinario Mabini.
Muling naglimbag ng 1,000 kopya ang komisyon noong 1972.

V. TAGPUAN

Mapanglaw na gubat
Madilim ang paligid
Maraming nakatirang mababangis na hayop

VI. TEMA/PAKSA

Ang tema o paksa ng Florante at Laura ay pagmamahalan, pinapakita


din rito ang paghahari sa isang pamahalaan. Mayroon ring paksa na tungkol
sa pagmamahal sa kanilang mga pamilya, mga katunggalian, diskriminasyon
at pagkakaibigan ng dalawang magka-away.
VII. BUOD
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan.
Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng
Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke
Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway
niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde
Adolfo ni Konde Sileno.

Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga


pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga
pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na liyon ang biglang umatake
kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng malay tao si
Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa
manumbalik ang lakas nito.

Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang


mapagmasdan ang morong si Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang isang
kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging tagapagligtas sa tiyak na
kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang
pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay
hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at ng isang
tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at
kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim na
gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng isang buwitreng
nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Sa
kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si Menalipo, isang mamamana
mula sa Epiro.

Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na


sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa
ilalim ng kilalang guro na si Antenor. Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na
nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-aaral
sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang anim na
taon, nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at
katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na
lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.

Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang


patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad, madaliang
nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan ni Florante. Dahil sa
pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang
taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng
balitang pumanaw na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Bagaman
namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florante sa
Albanya. Sumama si Menandro kay Florante. Sa pagsapit nila sa Albanya,
isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula
kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga Persa (Persian).
Wala kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng
Krotona.

Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo


ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak na
babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.

Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si


Florante laban sa heneral ng Persiya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng
may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral
Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng limang buwan bago nagbalik sa
Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si
Florante nang mapagmasdan ang watawat ng Persiya na nagwawagayway sa
kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persa
(Persian). Nailigtas ni Florante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at
Laura mula sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura.
Itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” si Florante dahil sa kaniyang
naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at
ikinaiinggit ni Adolfo.

Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng


Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral
Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang
labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng isang liham mula sa
kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa
pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong
pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng
30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si
Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang
kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni
Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.

Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura,


nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging ang
kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig
siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa
kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persa (Persian) – ang
katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran.
Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni
Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa
kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit
dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang
pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian.
Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan.
Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig.
Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang
kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang
kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may
anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig
siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang
babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng
naglalahad na babae ang kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa
puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.

Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang maglahad


ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang kaniyang kasintahan,
naging kaayaaya at bantog si Konde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya,
kahit na pulos kasinungalingan naman ang ginagawa nito. Nagtagumpay si
Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo
sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kaya’t napilitang maging reyna nito si
Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan
mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo.
Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagubatan.

Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa


piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa
Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at
Flerida sa Persiya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na
ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang
kaharian.

VIII. SULIRANIN
Kailangang maipagtanggol ni Florante ang Albanya mula sa mg kamay
ng kaaway at makuha si Laura sa kamay ng kanyang kaaway na si Konde
Adolfo.

IX. SOLUSYON
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura,
nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging ang
kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig
siyang patayin ni Adolfo.
Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan
mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo.
Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagubatan.

Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa


piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa
Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at
Flerida sa Persiya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na
ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang
kaharian.

X. REKOMENDASYON
Magandang pag-aralan pa din ang Florante at Laura sapagkat
nasasalamin dito ang mga pangyayari sa kauna-unahang panahon ng mga
Griyego, mapag aalaman din natin dito ang pagiging makata ni Francisco
Balagtas na siyang sinasabing obra maestro sa panitikang Pilipino. Isang
epiko na sinulat ni Balagtas hang siya ay nasa piitan na inaalay niya sa
kanyang minamahal na si Maria Asuncion Rivera na pinangalanan niyang
“Selya”.

XI. ARAL NA NAPULOT

Marami akong natutunan sa akdang Florante at Laura. Hindi dapat tayo


mapanghusga sa ating kapwa tao dahil hindi natin alam kung ano ang dala
nilang kabutihan sa ating buhay. Kailangan kapag may nakita tayong tao na
nangangailangan kahit hindi natin ito kaano-ano dapat tulungan natin nbang
may bukal sa kalooban. Huwag tayong taksil dahil ito ay masama lalong-lalo
na sa taong malalapit sa atin hindi natin alam kung gaano kasakit ang
ginawa mo sa kanya. Palakihin ng mabuti at may aral ang anak ng sag anon
ay madadala niya ito hanggang sa kanyang paglaki . Matuto tayong
rumespeto sa relihiyon, lahi at iba pang mga taong nasa paligid natin.
Ilan pa sa aking mga natutunan ay bilang isang ama, dapat huwag
tayong maging isang problema sa ating mga anak. Tayo ay dapat nilang
solusyonan sa kanilang problema. Bilang isang anak naman ay dapat
marunong tayo magmamahal sa ating magulang lalo na ata hindi na sila
ganunn katagal sa ating mundo. Bilang isang mag-aaral, dapat ay maging
matiyaga at huwang munang mamroblema sa pag-ibig dahil kailangan rin
nito ang tamang oras. Bilang isang kaibigan dapat ay marunong tayong
rumespeto sa damdamin ng isa’t-isa. Bilang isang mangingibig, dapat tayo
ay matapat at hindi sumusuko lalo na kapag may karibal. Bilang iang karibal
sa pag-ibig dapat marunong ka ring bumigay ng daan kung saan sasaya ang
iyong mahal sa buhay. Huwag na huwag itong dadaanin sa pwersa

You might also like