You are on page 1of 19

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Mga Benepisyo ng Programang “Unibersal na Pagtugon sa Kalidad ng


Tersiyaryong Edukasyon” ng Komisyon ng Mas Mataaas na Edukasyon sa
Lungsod ng Marikina

Tesis na iniharap sa Kagawaran ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Kolehiyo ng Sining at Agham

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Bilang pagtugon sa kahingian sa asignaturang

Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (May Tesis)

(FIL102)

Mga Mananaliksik:

Judy Ann I. Recaido

Marryrose C. De Pedro

Amy M. Astronomia

Joy Lopez

Isang Pananaliksik na iniharap para kay

G. Weller T. Saavedia

Batsilyer ng Sining sa Pampublikong Pangangasiwa

February 2018
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

MARKA SA DEPENSANG ORAL

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na MGA BENEPISYO NG PROGRAMANG


UNIBERSAL NA PAGTUGON SA KALIDAD NG TERSIYARYONG EDUKASYON NG
KOMISYON NG MAS MATAAS NA EDUKAYON SA LUNGSOD NG MARIKINA ay
pinagtibay na Lupon sa Pagsusulit na Oral.

Ang kaloob na antas ay: ________________


Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng


aming pag-aaral na may paksang “Mga Benepisyo ng Programang Unibersal na
Pagtugon sa Kalidad ng Tersiyaryong Edukasyon ng Komisyon ng Mas Mataas
na Edukasyon sa Lungsod ng Marikina”.

Sa kinapanayam na si Councilor Donn Carlo Faviz, Konsehal ng Disrito 2 ng


Lokal na Pamahalaan ng Marikina, sa pagbibigay ng mga impormasyon at
suliranin patungkol sa aming sinaliksik.

Sa punong tagapamahala nn Branch ng CHED-MARIKINA na si Sir Edwin, sa


pagbibigay ng mga kinakailangang naming datos patungkol sa aming paksa.

Sa aming dalubguro na si Ginoong Weller T. Saavedia sa kanyang mahabang


pasensya at pagiging maunawain sa aming katigasan ng ulo.

Sa aming mga magulang na tumulong at umunawa sa aming dahil sa pagiging


abala sa paggawa ng pananaliksik at sa kanilang tulong pinansyal.

Higit sa lahat , lubos na nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Poong


Maykapal, sa paggabay at pagbibigay sa amin ng lakas upang magawa ang aming
pananaliksik.

MGA MAY-AKDA
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay iniaalay namin sa aming mga magulang, sa kanilang walang
suporta at pag-unawa kahit na minsan ay nakakalimutan na namin ang aming tungkulin
sa mga gawaing-bahay.

Ang pananaliksik na ito ay iniaalay sa aming dalubgurong si Ginoong Weller T.


Saavedia. Sa aming mga kaibigan at kapwa mag-aaral na dumanas kung gaano
kahirap magplano at gumawa ng isang pananaliksik.

Ang pananaliksik na ito ay higit na iniaalay namin sa mga Iskolar ng Bayan, na siyang
makikinabang sa Programang Libreng Edukasyon ng Pamahalaan. Nang sa gayon,
lumalim pa ang kanilang kaalaman at pahalagahan ang pribilehiyong kanilang
natanggap.
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

ABSTRAK

Tinatalakay sa pag-aaral na ito ang mga Benepisyo ng Programang Unibersal na


Pagtugon sa Kalidad ng Tesrsiyaryong Edukasyon ng Komisyon ng Mas Mataas
na Edukasyon sa Lungsod ng Marikina, gayun din ang kaligirang
pangkasaysayan
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

TALAAN NG NILALAMAN

Paghina ng Pagpapatibay

Marka sa Depensang Oral

Pasasalamat

Paghahandog

Abstrak

I. ANG SULIRANIN AT SANDIGAN PANGKASAYSAYAN

Panimula
Kaligirang Pangkasaysayan
Paglalahad ng Suliranin
Paglalahad ng Layunin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Balangkas Teoritikal
Balangkas Konseptwal
Saklaw at Limitasyon
Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


Mga kaugnay na Banyagang Pag-aaral
Mga Kaugnay na Banyagang Literatura
Mga Kaugnay na Lokal na Pag-aaral
Mga Kaugnay na Literatura

III. MGA PAMAMARAANG GINAMIT AT PINAGKUNAN NG DATOS

Pamamaraang ginamit
Populasyon at bilang ng mga Kalahok
Paraan ng pagpili ng mga Kalahok
Deskripsyong ng mga kalahok
Instrumentong Ginamit
Paraan ng pangangalap ng Datos
Uri ng ginamit na estadistika

IV. PAGLALAHAD, PAGSUSUSRI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS

Grap 1
Grap 2
Grap 3
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

V. PAGLALAGOM SA NATUKLASAN , KONKLUSYON AT


REKOMENDASYON

Natuklasan
Konklusyon
Rekomendasyon

SANGGUNIAN

MGA DAGDAG NA DAHON

KURIKULUM BITA
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

KABANATA 1

MGA SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

“Ang edukasyon ay ang pinakamakapangyarihang armas na magagamit natin


upang baguhin ang mundo.”

- Nelson Mandela

PANIMULA

Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong


ito sa pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob
ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin
ang mgapagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa
ating mga magulang na ang edukasyon lamang ang tangi nilang maipapamana sa mga
anak kaya pinapayuhan silang mag-aral mabuti at magtapos sa pag-aaral.
Ang edukasyon daw ang pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi
mananakaw ninuman.
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Noong nangangampanya, sinabi ni Rodrigo Duterte na kung siya ay mauupo bilang


pangulo, bibigyan niya ng prayoridad ang mataas na badyet sa edukasyon. Ang
paglalaan ng P8.3 bilyong budget para sa libreng matrikula sa publiko para sa higher
education ngayong 2017 ang unang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte upang
tugunan ang kanyang pangako noong eleksyon na tulungan ang mga kabataan—
partikular na ang mga mahihirap—na magkaroon ng libreng edukasyon sa mga
pampublikong unibersidad. Noong ika-3 ng Agosto taong 2017, mahigit isang taon
pagkatapos niyang manalo sa eleksyon, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa mga milyung-milyong mag-aaral sa mga
Pampublikong Pamantasan at Kolehiyo sa buong pilipinas. Naglaan ng mahigit 8
bilyong piso para maisakatuparan ang programang ito.

Ayon sa Republic Act 10931 o “Universal Access to Tertiary Education Act”, na


pinagtibay ng Kongreso noong Mayo 2017, ito ay naglalayong magbigay ng tulong
pinansiyal sa mga estudyante ng mga State Universities and Colleges kasama ang mga
Teknikal na Bokasyonal na Paaralan. Sinasaklaw din ng batas ang iba pang singilin
tulad ng mga bayad sa aklat, mga bayarin sa kompyuter, mga singil sa laboratoryo,
mga bayarin sa pagkakakilanlan at iba pang kapareho o kaugnay na bayarin.

Bago pa man ito maisakatuparan sa bansa, nauna nang ipatupad ang programa ng
libreng matrikula dito sa Lungsod ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcelino
Teodoro nang siya’y maupo sa puwesto noong Hunyo taong 2016. Sapagkat naniniwala
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

ang ating mahal na Alkalde sa kahalagahan ng edukasyon sa buhay ng isang tao at sa


maitutulong nito sa ating Lungsod.

Edukasyon ang susi sa tagumpay. Ito ang tutulong upang makamit ang ating mga
pangarap sa buhay. Ngayong naisabatas na ang libreng edukasyon, kailangan
masiguro ng pamahalaan na tuluy-tuloy itong maibibigay sa publiko.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Bago pa man dumating ang mga mananakop ang Pilipinas, mayroon nang sistema ng
edukasyon ang ating mga ninuno. Ang mga bata, lalaki man o babae ay nag-aaral sa
sarili nilang tahanan kasama ang kanilang mga magulang bilang kanilang mga guro.
Sila ay tinuturuang magbasa, magsulat, magbilang at manampalataya. Hindi lamang
mga araling pang-akademiko ang itinutiro sa kanila. Ang mga lalaki ay tinuturuang
maging mandirigma, mangangaso, mangingisda at magsasaka . Tinuturuan din sila ng
mga kaalamang nauukol sa pagmimina, paggawa ng sasakyang-dagat, at pagiging
platero. Ang mga babae nama’y sinasanay sa mga kaalamang ukol sa pagluluto,
pananahi, paghahabi, at paghahayupan. Paghahanda ito sa kanilang pagiging
maybahay at mabuting asawa sa hinaharap. Mayroon ding sinaunang alpabeto ang
mga Pilipino. Baybayin ang tawag dito na binubuo na labimpitong (17) titik. - 3 patinig at
14 na katinig. Sa pagsulat naman ay simple lamang ang kanilang ginagamit gaya ng
dulo ng kutsilyo at matutulis na bakal na tinatawag na sipol. katas ng halaman ang
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

kanilang ginagamit na tinta at sa mga dahon, balat ng punongkahoy, at biyas ng


kawayan sila sumusulat.

Sa pagdating ng mga Espanyol, ginamit nila ang edukasyon para mahimok ang mga
Pilipino sa Katolisismo. Mga religious orders ang may hawak ng edukasyon. Ang mga
misyonaryong prayleng ito ay nagpaakilala ng isang bagong paraan ng pag-aaral na
ang binigyang diin ay ang pananampalatayang Kristiyano. Ang unang ginawa ng mga
Espanyol ay ang pagsunog ng mga tala na ginawa o sinulat ng ating mga ninuno sa
mga dahon at balat ng punongkahoy. Ang sabi nila ang mga ito ay kagagawan ng
diyablo. Ang mga talang sinunog ay pinalitan ng mga aklat-dasalan at mga babasahin
tungkol sa relihiyong Katoliko. Sa panahong ding ito nagsimulang magtatag ng iba’t-
ibang paaralan ang mga kastila, Unang naitatag ang mga paaralang parokyal at ang
mga paring misyonero ang naging mga unang guro. Itinuro dito ang relihiyong
Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining at
paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga mag-aaral maging ang mga dasal. May mga
paaralang itinayo para sa mga lalaki at babae. Ang unang paaralang itinatag para sa
mga babae ay ang Sta. Potenciana noong 1589. Ang naitatag naman para sa lalaki ay
ang Kolehiyo ng San Ignacio sa Maynila noong 1589. Binigyang diin sa edukasyong
primarya ang pagtuturo ng Doctrina Kristiyana at mga pagsasanay sa pagbasa ng
alpabetong Espanyol at wikang Filipino. Nagtatag din ng mataas na paaralan o
sekondarya upang maragdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ang relihiyon at
wikang Latin ang itinuro sa halip na wikang Espanyol.

May mga paaralang bokasyonal na naitatag din layunin nitong ituro ang iba’t-ibang
karunungan tulad ng pananahi, paglililok, sining sa pagpipinta at pagdaragat.
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Nang naitatag na paaralan sa pagsasaka noong 1889 sa Maynila at paaralan sa mga


sining at hanapbuhay sa Pampanga noong 1861. Nagkaroon din ng mga pamantasan
tulad ng Unibersidad ng San Ignacio, Nuestra Señora del Rosario na naging
Unibersidad ng Santo Tomas, at marami pang iba. Dahil sa pangangailangan ng mga
guro para sa paaralang primarya at sekondarya o mataas na paaralan, nagbukas ng
mga paaralang normal para sa mga kalalakihan at kababaihan.

Mga Paaralang Primarya Ito ay paaralang parokya na pinangangasiwaan ng mga kura-


paroko. Ang mga asignaturang itinuturo sa mga paaralang ito ay relihiyon, pagsulat,
pagbasa, pagbilang, musika at paghahanapbuhay. Wikang Kastila naman ang ginamit
sa pagtuturo ng mga prayle. Mga Paaralang Sekundaryang at Pangkolehiyo Itinatag
ang mga paaralang ito upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagpasok sa mataas na
paralan. Ang mga kasanayang itinuro ay ang banal na Kasulatan, ang Doctrina
Krsitiyana, Etika, Heogarpiya, mga Balarilang Kastila at Latin, Matematika, Pilosopiya,
Lohika, Retorika at Panulaan. Kastila ang ginagamit na wikang panturo. Mga
misyonerong pari ang mga guro sa paaralang ito.

Ang mga paaralang sekundaryang itinatag ay ang mga sumusnod: 1. Kolehiyo ng San
Ignacio, itinatag ng mga paring Heswitang prayle noong 1589 sa Maynila na ngayon ay
kilala bilang Ateneo de Manila; 2. Kolehiyo ng San Ildefeonso, itinatag ng mga Heswita
sa Cebu, na ngayon ay ang San Carlos University;

Mga Pamantasan Ang mga nakapagtapos sa kolehiyo ay maaaring makapagpatuloy ng


pag-aaral sa mga pamantasang itinatag ng mga prayleng espanyol. Ang kauna-
unahang unibersidad sa Pilipinas ay ang Unibersidad ng San Ignacio na itinatag bilang
Kolehiyo ng San Ignacio noong 1589 ng mga Heswita.
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Itinatag naman ng mga Dominikano ang Unibersidad ng Santo Tomas noong 1655. Ito
ay ang dating Kolehiyo ng Santo Rosario na itinayo noong 1611. Ang pamahalaan
naman ay nagtayo ng sariling pamantasan – ang Unibersidad ng San Felipe noong
1707. Ito ay naging Unibersidad ng Pilipinas sa taong 1908.

Ang mga kursong ipinagkaloob ng mga pamantasang ito ay ang medisina at abogasya.
Hindi nagtagal ay idinagdag ang mga kursong arkitektura, pagpipinta at eskultura.

Nagtatag naman ng paaralang pambabae na may layuning hubugin maging mabuting


maybahay ang mga kababaihan. Ang mga asignaturang pinag- aralan ay ang Doktrina
Kristiyana, Latin, Kastila, Kasaysayan, Musika, Matematika, Kagandahang-Asal, at mga
Sining Pantahanan.

Malaki ang ginampanan ng mga Amerikano sa pagbabago ng sistema ng pampublikong


edukasyon sa Pilipinas, Ipinakilala rin nila ang sistema ng pampublikong paaralan. Ang
naging pangunahing layunin noon ng mga Amerikano ay ang Pagpapalaganap ng
Demokrasya, Pagtuturo ng Wikang Ingles at ang Pagpapakalat ng Kulturang
Amerikano. Ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos upang
makapag-aral ng libre. Tinawag sila bilang mga pensyonado o iskolar. Mga Thomasites
ang mga naging unang guro na ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Maraming pampublikong paaralan ang itinayo upang mas maraming Pilipino ang
makapag-aral. Ingles ang ginamit na panturo sa paaralan at binigyang-diin ang
kulturang amerikano sa mga leksyon. Sa panahong ding ito naitatag ang Kagawaran ng
Pagtuturong Pampubliko o Department of Public Instruction noong 1901.
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Sa pagdating ng mga Hapon, nagbagong muli ang sistema ng edukasyon ng mga


Pilipino. Ang pinag-aralan nila ay hindi na Ingles kundi Nippongo dahil ipinatanggal na
ito at kung sinuman ang lalabag sa batas ay mapaparusahan. Hindi katulad ng mga
amerikano ang pagtuturo ng mga hapon, ditto nagsimula ang tinatawag na “Corporal
Punishment” o ang pagpaparusang gumagamit ng pisikal na puwersa at naglalayong
makapanakit sa mga mag-aaral.

Mahabang panahon na rin ang pinagdaanan ng edukasyon sa ating bansa, nahubog na


ito sa pagdaan ng mga dayuhan hanggang sa makabuo na tayo ng sariling konsepto.
Sa kasalukuyan, makikita na pinahahalahagan na ito ng mga mamamayan maging ng
ating pamahalaan. Patunay na rito ang mga programang ukol rito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1) Ano ang mga benepisyo ng Free Tuition?

2) Sino ang karapat-dapat na makatanggap ng Libreng Edukasyong ito?


Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

3) Kasama ba sa Libreng Edukasyon ang parehong bayad sa pagtuturo at


miscellaneous fee?

4) Maaari ba naming asahan ang magandang kalidad ng edukasyon kahit na libre


ito sa mga mag-aaral?

5) Maibibigay ba ng gobyerno ang katiyakan sa guro na makukuha nila ang


suweldo na nararapat sa kanila lalo na ang mga PhD Holder?

6) Ano sa palagay mo ang gagawin ng libreng edukasyon sa bansa? Sa Lungsod


ng Marikina?

7) Magbibigay ba ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ng mga oportunidad sa


trabaho sa mga nasasakupan nito pagkatapos ng edukasyon sa kolehiyo?

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina


PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Ang pananaliksik na may paksang Mga Benepisyo ng Programang Unibersal na


Pagtugon sa Kalidad ng Tersiyaryong Edukasyon na naglalayong maipaalam ang
mabuting dulot ng libreng edukasyon at mas maipaalam pa ang saklaw nito nilayon ng
mga mananaliksik na tugunan ang mga sumusunod na suliranin:

1) Malaman ang mga benepisyo ng Free Tuition.

2) Malaman ang mga taong karapat-dapat na makatanggap ng Libreng Edukasyon.

3) Malaman kung nakapaloob bas a Libreng Edukasyon ang pagbabayad sa


pagtuturo at miscellaneous fee.

4) Malaman kung maganda ang kalidad ng edukasyon kahit na ito ay libre.

5) Malaman kung maibibigay ba ng gobyerno ang katiyakan sa mga guro na


makukuha nila ang suweldo na nararapat sa kanila lalo na ang mga PhD Holder.
6) Malaman kung ano ang magagawa ng Libreng Edukasyon sa bansa pati na rin
sa Lungsod ng Marikina.
7) Malaman kung kaya ba ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na magbigay ng
oportunidad sa trabaho sa mga nasasakupan nito pagkatapos ng edukasyon sa
kolehiyo.
8) Pamantasan ng Lungsod ng Marikina
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

You might also like