You are on page 1of 5

oi wag mo ko gayahin hindi ko masyado sineryoso ang pag-review pero hey, eto ang

"tips" ko for upcat yie:

[[[[[[[PRE-UPCAT:]]]]]]]

1. agahan mo magreview pls.


magreview ka na habang bakasyon.
pag pasukan na at maraming nang gawain, mahirap na silang pagsabay-sabayin.
also, hindi lang upcat ang ite-take mo (unless up or nothing ka) so baka mas maaga
sched nila or what.

2. alamin mo muna lahat ng important dates, infos, etc.


kailan ang upcat? kailan ang ibang cets? ano-ano ang mga requirements? ano ang
coverage? etc.
marami ka naman sigurong friends, damayan kayo jan (also, maganda if you have study
buddies)

3. organize your requirements


agahan mo nang kumuha ng mga needed things for upcat such as 2x2s, form 137, etc.

4. review centers?
kung alam mong need mo or may pera ka naman para sa review centers then go, it will
definitely help you.
pero if yakang yaka mo naman mag-isa, laban lang, mas kilala mo sarili mo

5. organize your review materials


syempre malamang sa malamang na 'to. organize them according to subjects kahit na
digital pa yan or books
(you can buy second-hand books online kung nagtitipid or sa mga kakilala ninyo
hehe)

6. review every fcking day


life starts after upcat (totoo 'to) so give/make time every day (wag niyo ko
gayahin haha)

7. positivity begets positivity


always trust yourself na kaya mo yan. layo ka sa mga 'hindi ko na 'to seseryosohin,
hindi naman ako papasa'
stay away from malignant ppl

8. make wise decisions


choose your campus and course W I S E L Y. mahirap sabihin ito pero hindi basta
gusto mo eh bira lang nang bira.
alamin mo yung mga quota course and hindi quota course. better if meron kang
nilagay na NON-quota course.
sa campus, ok if:
>"DILIMAN + LB"
>"MANILA + LB"
>"LB + BAGUIO"
>"MANILA + BAGUIO"
hindi ko nire-recommend ang "DILIMAN + MANILA" since parehong mataas ang UPG Cut-
off nila
pero I highly suggest na alamin niyo ang cut-off sa bawat campus (and if nandun ba
talaga yung mga gusto mong courses or malapit ba yan sa tirahan niyo)
(also, be honest sa pagfill-up. wag babaan ang sweldo ng magulang oi)

9. stay in your comfort zone pag nagrereview


kung kumakain ka ng candy, umiinom ng kape, nakikinig sa music, etc habang
nagrereview, then go
kung saan ka mas makaka-absorb ng lessons

10. review high school topics


ang upcat ay kumbaga measure kung anong mga natutunan mo in your hs years so pag
nakalimutan mo na magbalance ng chemical equation,
mag-solve ng quadratic functions or mag-identify ng grammatical errors then
reviewhin mo na. be sure na maintindihan mo lahat

11. start ka sa alam mong hindi mo gamay na subject


ako honestly (waw) hindi ako magaling sa english so mapapansin niyo na sobrang
daming pdf about grammar and vocabulary dito.
dun ako mas nag-focus so kung hindi mo gamay ang science, mas mag-focus ka dun.

12. take mock exams


taking mock exams will benefit you para mas masanay ka sa mga mangyayari sa upcat
and other cets. magpractice ka na rin mag-shade sa kung saan saan

13. find resources


maraming reviewers na nagkalat online, meron din apps for phone and pc. basta hanap
lang

14. make a checklist of topics


sa coverage ng upcat, merong mga subtopics na included so pag nareview mo na yon,
check mo na.

15. wag ma-pressure at wag magpupuyat


ofc ang hirap sabihin sa sarili na wag mapressure pero please, try to relax naman,
wag mong gawing toxic ang pagrereview

16. attend review sessions


meron naman CATERS at RECET noong time ko (by UP-ONE and UPNE) and nakatulong
talaga siya para ma-feel ko mag-exam ng upcat

17. BE UPDATED
dapat palagi kang updated sa mga news, lalo na kung nagbigay sila ng deadline or
nagbigay ng reviewer

18. BEFORE THE EXAM


maraming nagsasabi na wag magreview before exam tho, hindi ako naniniwala doon haha
nasa iyo yan if sanay ka na mag-cram sa pagreview or not. (pero hey, wag magpuyat)

19. Pray
Wag na wag mong kalimutan of course si God, hingi ka ng tulong sa kanya ui

[[[[[[[DURING EXAM]]]]]]]

-1. actually hindi pa'to during haha pero better if pumunta ka na sa venue ng exam
before your exam day para ma-familiarize mo na yung environment
kung magdadala ka ba ng jacket, magdadala ng mini-fan, etc.

1. Make sure na kumpleto mo lahat ng idadala


double/triple/quadruple check if meron bang dalang :
3 pencils (check if no.2, natasahan na oi),
eraser,
permit,
*sharpener (just in case binigo ka ng tatlo),
*snack,
*bimpo/panyo (para sa pasmado/nagpapawis na tulad ko)
and watch (pero sa'min may malaking timer sa harap so just in case lang)

2. Be comfortable
kung alam mong malamig yung testing center niyo, magdala ka ng jacket. if mainit
(siguro naman hindi) magdala ng maliit na fan
wag ka na mag-ootd jusko ka

3. Manage your time (always check yung remaining time)


sobrang itetest ng upcat yung ability mo sa pagsagot nang mabilis. hindi yan
paramihan ng sagot, paramihan yan ng tama.
remember, ang score sa upcat ay right - (1/4) wrong so kung ako sa'yo, uunahin ko
na yung mga alam kong madali kaysa mahirap.
pwede pa naman balikan

4. Wag mong papansinin mga katabi mo


If nakikita mo silang nagrerelax, petiks petiks or parang easy easy lang sa kanila,
wag mo pansinin, wag ka ma-pressure. g lang

5. MANGHULA
wag naman yung eanie minnie, yung 'educated guess' na sinasabi nila. wala naman
masama dun pero if ako ang tatanungin:
>pag namimili between 2 letters = manghula
>pag namimili among 3 letters = manghula kahit gut feeling na
>pag namimili among 4 letters = too risky, wag nang sagutan, balikan nalang if ever
(MY OWN VIEW LANG HA, pero nasa iyo parin yan)

6. power of C?
hmmm sabi nila, if hindi na alam, trust mo lang ang c. for me naaah, ilang taon na
ang upcat jusko syempre matagal nang alam ng up yan haha
baka nga hindi sila maglagay ng sagot na letter c de jk i'd rather stick to number
5

7. focus ka sa question
don't mind the previous questions and the upcoming questions, basta ang aim mo is
masagutan yang number na yan nang mabilis pero sure

ENGLISH:

1. madalas iikot lang yung grammar check sa:


>subject-verb agreement
>tense
>fragments
>parallelism
>idioms
>prepositions (in,on,at)
>nonstandard (irregardless)

2. look for clues sa vocabulary


mga exo-, endo-, co-, anti-, peri-, etc.

3. analyze the sentences. dapat alamin mo yung message nila para mas maintindihan
mo

MATH:

1. use your scartch paper properly. wag dugyot. wag ubos space

2. know the faster and easier way. dapat alam mo yung shortcuts kasi malakas kumain
ng time ang matagalan na pag-solve

3. choose among realistic choices. minsan may mga choices na sobrang layo sa isa't
isa so piliin mo yung pinaka-possible na sagot

4. be very careful with the signs. yung iba sa choices, sa sign lang nagka-iba

SCIENCE:

1. alamin kung nasan ang question. maraming sikot-sikot and mahahabang tanong sa
science pero nasa dulo ang tunay na tanong
(minsan hindi na need na basahin yung unang sentences, panggulo lang ganon)

2. rely ka sa clues. minsan ang sagot eh nasa question na lang rin

3. check mo kung anong unit yung tinatanong and yung sagot

4. careful din sa pag-solve, minsan points lang ang pagkaka-iba ng mga choices

[[[[[[[AFTER UPCAT]]]]]]]

1. SIGE LAMON GO
congrats, natapos mo ang isang digmaan. treat yourself ng kahit ano

2. it's ok to reminisce naman yung mga questions sa upcat with your friends and
ok lang rin magmukmok pero wag kang masyadong anxious about it, wala na finish na

3. wag masyadong isipin ang upcat.


tapos na yon, basta enjoy nalang muna kayo ng friends mo kasi soon, baka maghiwa-
hiwalay na kayo

4. WAG MAGTITIWALA SA MGA FAKE NEWS


kapag may kumalat na "hala bukas na ilalabas results" and such, wag masyadong
umasa, masasaktan ka lang

5. Always hope for the best and prepare for the worst
Pray ka lang kay Lord na kaya mo yan and dapat may backup plan ka if all things
fail

6. Trust me, toxic yan pag palapit na yung sinabi nilang date of release
Wag mo muna masyadong isipin (kahit mahirap, pilitin mo haha)

7. If you failed, ok lang umiyak 'to naman. Marami pang Universities and hey, pwede
pa magpa-recon or waitlist

8. If you passed, CONGRATS lol but consider the course tho, baka nga pumasa ka
naman pero sa course na hindi mo naman kakayanin/gusto,
better if pag-isipan mong mabuti muna...

9. If na-pending ka, ewan ko hahaha jk may mali/kulang kang nai-pass noh, dapat ma-
settle mo yun agad to know your campus and course.
Call the OUR (Office of the University Registrar) para itanong kung ano na yung
next step

10. If na-dpwas ka (na-dpwas ako haha), be updated kung ano na yung next step. Call
the OUR or pumunta ka personally.
Message other dpwas pips kung ano na ba ang next na gagawin or isusubmit and yes,
extended upcat na naman ito, hintay ulit
(Iba iba ang process per campus so 'di ibig sabihin na parehas ng gagawin ang dpwas
diliman and dpwas manila)

YUN LANG. GOOD LUCK MGA FUTURE ISKO AND ISKA

SOURCES:
College Revolution PH
Review Masters
Academic-Clinic
Kamangyan
Assortedge
Reason Prep
etc (sorry hindi ko na maalala pero thank you so much)

***xtra tip: take the dost-sei exam kung gusto mo mapunta sa bs course,
medj mas priority kayo ng UP since need niyo makapunta sa isang bs course para ma-
enjoy ang tuition (yezzer)
pero syempre, hindi ganun kadali ang dost scholarship exam haha parang upcat 2.0
lang
AAAAND PLS wag kalilimutan na magsilbi sa bayan matapos ang lahat

You might also like