You are on page 1of 1

Appendix B

An Pre-interview to one of the designated Guidance Counselors in San Pablo City

Interviewer : Ano po yung mga problema na kinakaharap sa Guidance Counselling dito po sa


school ng San Cristobal National High School ?

Interviewee : Wala po kami ditong Guidance Counselors mismo .


wala din po kaming handbook.

Interviewer : Ano pong ginagawa nyo pag may kaso ng bullying ?

Interviewee : Pinaguusapan yung kaso ng bata, bumabase kami sa Child Protection Program ng
DepEd

Interviewer :Sino yung nagcocounsel sa mga bata sa mga school kung walang Registered
Guidance Counselor ?

Interviewee : Minsan nag aasign lang ang principal ng isang school ng Values Education na
Teacher yun na ang nakikipagusap sa mga bata. Minsan yung assistant ng
Principal at kadalasan si Principal na mismo ang Guidance Counselor.

Interviewer : Ano po yung mga kaso ng mga bata dito sa San Cristobal National High School ?

Interviewee : Yung Bullying, kasi yung mga bata dito masyadong matatapang talaga. Palagi
may nakakarating samin na may abangan daw sa labas . Kaya meron kaming
program na inilunsad yung Barkada Program para sa bullying at isinusulong ko
ang Aggression Intervention Program.

Interviewer : Ano po yung nakikita nyo na problema sa public ng mga schools sa ngayon ?

Interviewee: Kakulungan sa Guidance Counselors sa mga public schools kasi hindi lahat afford
ang magaral ng masters , hindi lahat nakakagraduate at nakakapasa sa board.
Walang qualified na Guidance Counselor, walang handbook, walang interesado na
magaral.

Interviewer : Ano pong masusuggest nyo sa gagawin naming Manual ?

Interviewee : Dapat may confidentiality at code of ethics legal basis at framework , may ethical
standard dapat at hindi bias. Dapat e nakasaad sa batas for protection ng mga
Guidance Counselors, serves as quick reference. Kelangan ang Guidance
Counselor ay nakikinig sa lahat ng problema ng bawat estudyante. Kelangan may
Guidance Counselor every school to avoid misguided. Dapat for every 500
students dapat may isang Guidance Counselor kaso ang nangyayari ay 1000
students every Guidance Counselor.

You might also like