You are on page 1of 1

ANDRES BONIFACIO

Si Andres Bonifacio ay isa sa mga bayani ng Pilipinas noong panahon ng himagsikan. Simulan natin ang
talambuhay ni Andres Bonifacio sa kanyang kapanganakan.

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Santiago Bonifacio at Gng. Catalia De Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo
Osmena sa Melsic ngunit ito ay di nagtagal at sya ay nahinto sa pag-aaral. Hindi ito naging hadlang
upang siya ay matuto ng Kastila sapagkat si Andres Bonifacio ay marunong nang bumasa at sumulat
bago pa man siya huminto sa pag-aaral.

Higit pa rito ay mahilig din siyang magbasa at magsulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung
tungkol sa digmaan at himagsikan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik kung kaya’t ninais niya na maging
malaya ang Pilipinas laban sa mga mananakop. Ito ang nagbigay daan at naitatag niya ang Katipunan na
kakatawan sa himagsikan. Dahil dito si Andres Bonifacio ay kinilala bilang Ama ng Himagsikan. Kasama
niya sa kilusan si Emilio Jacinto na kinilala naman bilang Utak ng Katipunan. Ang kanilang samahan ay
may iisang layunin at ito ang naging dahilan ng kanilang tagumpay.

Ngunit di nagtagal ang kanilang tagumpay dahil si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio ay
dnakip, naharap sa paglilitis at nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril. Sila ay binaril
noong May 10, 1897 sa Bundok Buntis.

You might also like