You are on page 1of 3

ACLC Computer Learning Center – Davao

Group

Pananaliksik Ukol sa Depresyon ng mga Mag-aaral.

May mga bagay sa mundo na sadyang dumarating ng biglaan o hindi inaasahan. Mga bagay na
nakapagdudulot ng kabutihan o positibong pananaw sa buhay, o di kaya’y mga bagay na
nagdudulot ng kasamaan o nagiging sanhi ng pagkakaroon ng negatibong pagtingin sa kapali-
giran. Isang halimbawa ay ang pagkakaroon ng sakit. May mga pagkakataon na ang mga sakit na
ito ay bigla-bigla na lamang nararamdaman ng isang tao at siyang nagdudulot ng pagkakaroon ng
mababang enerhiya sa katawan. May ibat-ibang uri ng sakit na maaring maramdaman kahit bata
man o matanda. Isa sa mga tinuturing na pinakamalalang sakit ay ang pagkakaroon ng depresyon
Sa mga larangan ng sikolohiya at sikyatriya, ang depresyon na kilala sa Ingles bilang Major
depressive disorder (MDD), Recurrent depressive disorder, clinical depression,major depression,
Unipolar depression, o Unipolar disorder ay isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng
malawakang mababang mood na sinamahan ng mababang pagtingin sa sarili (nawala ang
pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga
gawain.

Isa itong damdaming malungkot, miserable, sobrang pagkadismaya,galit na nararanasan ng isang


tao sa pang-araw-araw na buhay. Bata man o matanda ay maaring makaranas ng depresyon, at sa
panahon ngayon karamihan ng tinatamaan ng sakit na ito ay ang mga “teenagers”.
Malaki ang magiging epekto sa pamumuhay ng isang tao ng depresyon, maari nitong baguhin
ang pananaw mo sa buhay, at ang iyong katayuan at maging katinuan ng pag-iisip. Palagi na
lamang negatibo ang takbo ng isip at hindi na kayang gumawa ng postibong solusyon sa mga
problema. Isa sa mga maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng depresyon ay ang kawalan ng
gana sa pag-aaral ng mga kabataan. Dahil nga sa nagiging matamlay, pagkakaroon ng
negatibong pananaw sa buhay at kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang
mga gawain ang isang mag-aaral, hindi na nito nakakayanang maging aktibo at makapag-isip ng
tama na nauuwi sa pagliban sa klase, at sa kadahilanang ito, naisipan ng mananaliksik na gawing
pag-aaral ang bagay ukol dito at magbigay din ng mga rekomendasyon sa kung papaano
iiwasang magkaroon ng depresyon ang mga kabataan sa ngayon.

 Rasyunal
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga taong karaniwang nabibiktima ng depresyon
-particular na sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan(High School) at kolehiyo(College) na may
malaking posibilidad na magkaroon nito. Tatalakayin rin sa pananaliksik na ito ang mga
nagiging sanhi at bunga ng depresyon. Bukod pa rito, magbibigay kaalaman rin ito kung
paanong nagkakaiba ang pagkabahala sa depresyon at kung paanong ang simpleng pagkabahala
ay magsilbing tulay sa pagkakaroon ng depresyon kapag hindi naagapan.
Sumasabay ang pagbabago ng paraan ng pag-iisip ng mga tao sa mabilis na pag-inog ng mundo. 
Ang tila ba gripo na paraan ng pagbabahagi ng mga kaalaman ng mga propesor ay nagdudulot ng
maganda at di magandang epekto sa pag-iisip ng mga mag-aaral. Ang mga kaalamang may 
kaugnayan sa akademikong buhay ng mga ito, kapag sinabayan ng panggigipit ng paligid at ng 
mataas na ekspektasyon ng mga taong nakapaligid kabilang na ang personal na kagustuhan na 
nagiging sanhi rin ng karagdagang bigat ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng depresyon at
pagkabahala.Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng mga insidente ng pagpapatiwakal at “suicidal
attempt” ngilan sa mga mag-aaral na nakaranas ng depresyon at pagkabahala. Kaya naman,
mahalagang malaman ang dahilan ng mga ito sa pisyolohikal at sosyolohikal na pag-aaral na
tunay nga namang magdadala ng napakalaking impak lalo na sa mga mag-aaral na kasalukuyang
dumaranas nito at sa mga mag-aaral namakakaranas rin ng ganitong insidente sa hinaharap. 
Nang sa gayon ay maging bukas sila sa mga paraan na maaari nilang gamitin upang hindi na sila 
umabot sa ganitong lebel, ang lebel ng labis na pagkabahala na magiging isang malaking susi sa
pagkakaroon nila ng depresyon

 Layunin ng Pananaliksik
Layunin ng pananaliksik na ito na mapatunay ang isa sa mga dahilan ng kawalan ng gana ng
ibang mga kabataan sa pag-aaral ay dahil sa pagkakaroon ng depresyon. Tatalakayin din ng pag-
aral na ito ang mga sanhi sa kung bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang bata at higit salahat,
layunin nito na makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa kung paano maiiwasan ang
pagkakaroon nito at sa mga batang nakakaranas na ng depresyon, makapagbibigay din ang pag-
aaral na ito ng kaunting kaalaman sa kung paano mapipigil ang paglala nito at kung paano maalis
ang ganitong uri ng sakit sa mga kabataan
Pangkalahatang  layunin din ng pananaliksik na ito na suriin ang Pisyolohikal at Sosyolohikal na
dahilan ng pagkakaroon ng depresyon at pagkabahala sa mga mag-aaral. May mga
espesipikong layunin ang pananaliksik. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.
1. Suriin ang mga naging bunga ng pananaliksik ukol sa depresyon at pagkabahala.
2. Magbigay impormasyon sa mga mag-aaral ukol sa ugat ng depresyon at pagkabahala.
3. Makapaglatag ng ilan sa mga paraan upang maiwasan ang ganitong insidente; at
4. Alamin ang saloobin at paninindigan ng mga mag-aaral sa kolehiyo ukol sa
ganitong usapin.
 Kahalagahan At Inaasahang Bunga ng Pananaliksik

 KABATAAN/KAPWA MAG-AARAL
Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga kabataan o sa mga kapwa mag-aaral sapagkat
nakapagbibigay ito ng mga kaalaman sa kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng depresyon.
Higit na mahalaga ito sa mga kabataang nakakaranas na ng ganitong uri ng sakit dahil sa
pamamagitan nito, malalaman ng mga kabataang ito kung paano ito maiaalis o malalabanan at
kung anu-anong mga bagay ang kinakailangang gawin upang hindi na muling makaranas nito.
 MAGULANG
Ito ay nagsisilbing gabay din sa mga magulang upang malaman angkinakailangang gawin nang
sa gayon ay matulungan nila ang kanilang mga anak.
 KAPWA MANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga kapwa mananaliksik sa mga susunod na taon
upang kanilang maging gabay at magsilbing karagdagang impormasyon sa kanilang ginagawang
pag-aaral.
 MGA GURO
Isang malaking tulong din ang pananaliksik na ito upang maging gabay ng mga guro sa kanilang
pagtuturo sa klase. Sa pamamagitan nito makakapagbibigay sila ng mga impormasyon sa
kanilang mga estudyante ukol sa kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng ganitong
karamdaman. Ang pag-aaral na ito ay maari lamang maging gabay sa mga guro na kung saan ang
asignaturang kanilang itinuturo ay mayroong kinalaman sa emotional, pisikal, social o kaugalian
na aspeto ng mga tao.
Ang mga mananaliksik ay buong pusong naniniwala na malaki ang maitutulong ng pananaliksik
na ito upang maagapan ang mga nabibiktima ng depresyon. Bukod pa rito, maari rin itong magsil
bing paalala sa kinauukulan na bumuo ng aksyon upang mabawasan o kung maari ay matigil ang
paglaki ngbilang ng mga nabibiktima ng depresyon.Nagsisilbi rin itong gabay nang sa gayon ay 
magkaroon ng kaalaman ang mga magulang upangmas lalo pang pag-ibayuhin ang paraan ng
kanilang paggabay sa kanilang mga anak. Karagdagan pa, magsisilbi itong patununtunan sa mga 
mag-aaral sa sekondarya at kolehiyo namalapit sa pagkakaroon ng depresyon upang malaman
ang mga dahilan at epekto ng depresyon namagsisilbing pangmulat upang hindi nila piliing
magkaroon nito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ipinasa nina: Jason Arroyo
Ruben Lujo
Kashmir Sumi-og
Lourc Desamparado

You might also like