You are on page 1of 1

(Introduction)

Ang mito ay naging malaking bahagi na ng kultura at buhay ng mga Pilipino. Ito ay naglalaman ng mga
kuwentong-bayan na tungkol sa mga anito, diyos at diyosa. Ipinapaliwanag din dito ang nakakatakot na
puwersa ng kalikasan ng ating daigdig katulad na lamang ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, apoy ,
kamatayan, at iba pa. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng
pagkalikha ng mundo, ng tao, at ng mga katangian ng iba pang nilalang.

(Body)

Mayro’ng iba’t ibang mito na pinaniniwalaan ng mga tao sa Pilipinas. Ito ay nagmula sa iba’t ibang lugar
o sa iba’t ibang pangkat etniko sa ating bansa. Ang mga halimbawa nito ay: “The Story of Creation” ng
Tinaguian, “The Story of Creation” ng Ifugao, “The Story of Creation” ng mga Bilaan, “The Creation of the
World” ng Bicol , “The Creation of the World” ng Jarayas, Jiguesinas, Igneines, “Tungkung Langit and
Alunsina” ng Panay-Visayan, “Legend About the Creation of the World” ng mga Mangians at Negrito,
“Cosmogony” ng mga Bagobo, “The Origin of this World” ng mga Maranao at ang “The Creation of the
Earth” ng Tiruray. Ang mga kuwentong ito ay halos magkakatulad lang dahil itinatalakay ng bawat isa
ang pinagmulan ng daigdig, kung paano ito nilikha at kung saan nagmula ang mga nilalang dito sa mundo
katulad na lamang ng mga tao at hayop. Tinalakay rin dito kung paano nahati ang mga tao sa iba’t ibang
pangkat. Nagkakaiba lamang sila dahil sa mga tauhan at sa mga kaganapan o proseso ng pagkalikha ng
mundo.

(Conclusion)

Tayong mga Pilipino ay nahahati sa maraming bagay. Ang Pilipinas ay nahahati sa iba’t ibang pamayanan
at tribo o pangkat etniko. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang kaugalian at paniniwala. Bawat isa ay may
kaniya-kaniyang diyalekto. Ngunit sa kabila ng ating pagkakaiba ay tila iisa ang ating layunin,
naipapamalas natin ang ating pagpapahalaga at pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga ganitong bagay
at naipapakita rin natin an gating layunin na payabungin at lalong pagyamanin ang kultura at panitikang
Pilipino.

You might also like