You are on page 1of 1

NOTES ON EFFECTIVE SELF-STUDY

(ANO BA TALAGA ANG IBIG-SABIHIN NG “SELF-STUDY”?)

Dahil marami dito ay gusto talagang mag self-study ng violin, ito po yung mga notes ko patungkol sa
epektibong pag-aaral nang walang teacher. Di ko gusto maging judgmental, pero kung afford mo naman
na magpaturo sa teacher, magpaturo ka na.

Paalala: Mga notes and observations ko lang po ito na sa tingin ko, applicable sa karamihan ng mga tao.

1. You must be patient. Mamili ka ng dalawa mula dito: Fast, Free, and Good Quality. Gusto mo Fast
and Good Quality? Maghanap ka ng teacher. Hindi siya libre. Gusto mo Free and Fast? Hindi ka
matututo. Gusto mo Free and Good Quality? Mabagal po ang proseso.
2. You must learn to play IN TUNE and IN TIME. Walang ibang mas importante sa pagtugtog ng
kahit anong instrument. Walang kwenta ang lahat ng advanced technique kung sintunado ka at
hindi marunong sumabay sa beat.
3. You must learn to listen. Ang mga problema sa tono at timing ay problema sa pakikinig. Kailangan
makinig sa sarili at dun sa kasabay mo, kahit metronome lang ito. Mahirap man paniwalaan, pero
pagdating sa tugtugan, mas importante ang tenga natin kaysa sa mga daliri.
4. You must learn to ask questions. Gusto natin matuto, diba?
5. You must learn to ask good questions. Kapag malabo ang tanong, malabo din ang sagot—kahit
gaano pa kagaling yung pinagtatanungan mo.
6. You must learn to be observant and detail-oriented. "Bakit mas maganda pa rin pakinggan yung
nasa Youtube kaysa sa akin?" Ang sagot dyan ay nasa mga detalye—yung mga maliliit na detalye na
nakakainis at nakakatamad pansinin at ayusin. Anong direction ng bow? Gaano ka daming bow ang
gagamitin? Gaano kabigat dapat ang kamay? Anong position sa neck? Anong daliri yung ginamit?
BAKIT? etc, etc, etc.
7. You must learn to love studying. Walang magic na mangyayari na paggising natin isang araw,
magaling na tayo tumugtog. Kailangan mag-ensayo (of course), pero kailangan din mag-aral—as in
upo, makinig, magbasa, at intindihin ang binabasa. Ang Strad.com at Strings.com ay umaapaw ng
mga article patungkol sa lahat ng aspeto ng pagtugtog ng violin, viola, cello, at bass. Kung
tinatamad tayo mag-aral (kahit ano pang excuses natin), hwag na po tayo maglokohan: Kumuha na
po tayo ng teacher.
8. You must learn to accept criticism. Masakit talaga ang criticism, pero parte siya ng pagiging
musikero. Ang puno't-dulo kung bakit masakit ang criticism ay dahil naniniwala tayo na mas
magaling tayo kaysa sa kung ano ang totoo—in other words, mayabang tayo, aminin man natin o
hindi. Pero kung hindi tayo matututo na lunukin ang pride, hindi tayo aasenso.
9. You must eventually learn to play with other people. May hangganan din yung tugtog lang na
mag-isa sa kwarto. Kailangan din nating tumugtog kasama ang iba, at sa mga mas magaling sa atin.
Mapipilitan tayo mag-ensayo na parang walang bukas, at makakatulong siya dun sa number 8.
10. You must be self-motivated. Whatever it takes, dapat ma-inlove tayo sa tunog ng violin, yung
musika na isinulat para sa kanya, at ang proseso ng pagaaral at pagtugtog nito, kasi may mga araw
na gusto natin siyang isuka at isumpa, pero kapag tumigil tayo, bokya.

You might also like