You are on page 1of 2

Sa isang nayon ng Nabuslot bayan ng Pinamalayan, Lalawigan

Oriental Mindoro. Noong ika-30 ng Nobyembre,1987 isang malusog na sanggol ang

isinilang, ang pang-pito sa sampung anak nina Ginoong Antonio Sales

Mantaring isang ulirang magsasaka at Ginang Emerlinda Lumalang Selda, isang

ordinaryong maybahay at butihing ina.

Siya ay nagtapos ng Day Care sa Buho –Nabuslot Day Care Center noong taong

1993-1994. At nagtapos siya ng elementarya sa Nabuslot Central School taong 1994-

1995 at ginawaran ng natatanging pag-uugali bilang Most Industriuos. Nag-aral at

nagtapos naman siya ng secondarya sa Nabuslot National High School taong 2004-

2005 at ginawaran ng natatanging pag-uugali bilang Most Helpful. Dahil sa pagnanais na

maipagpatuloy ang pag-aaral minabuti niyang lumuwas ng Batangas , upang doon ay

mag-aral sa edad na 17 taong gulang . Pumasok siya sa Tanauan Maritime Foundation Inc.

bilang isang working student at kumuha siya ng kursong Associate in Marine

Transportation. Nang nasa ikalawang taon na siya ng pag-aaral ng kolehiyo naging full

scholar siya dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Panuruang taong 2006-2007 siya ay nagtapos

at siya ginawaran bilang Master Mariners’ Scholar of the Year.

Noong taong 2007 siya ay nag- On the Job Training sa MBRS Lines Inc. na
naglalayag mula Manila to Visayas vice versa bilang isang Cabin Steward dahil

sa kanyang ipinamalas na sipag at tiyaga sa kanyang pagtatrabaho nagustuhan

kaagad ng kapitan ng barko ang kayang performance at siya ay naging regular

dinning Supervisor.

Sa kagustuhan niyang makarating sa ibat-ibang bansa sinubukan niyang

mag-aplay sa isang International Shipping Company na PILIPINAS

CROWN MARITIME INC. (IDEMITSU TANKER CO., LTD.). at siya ay pinalad na


matanggap bilang isang MESSMAN o tagapaghanda ng mga pagkain/menu para

sa mga officers and crew ng IDEMITSU TANKER mula taong 2010 hanggang 2013.

At dahil sa kanyang ipinakitang didikasyon sa trabaho siya ay napromote bilang isang


Chef Cook mula taong 2013 hanggang sa kasalukuyan sa naturang barko.

Mga minamahal naming kapwa ko guro, sa ating mga panauhin, sa mga

magulang na naririto at sa mga magsisipagtapos malugod ko pong ipinakilala sa inyo

ang ating panauhing pandangal ngayong hapon at wala iba kundi si

CHEF ANTHONY SELDA MANTARING…….

You might also like