You are on page 1of 2

Kaharian

Noong unang panahon may isang prinsesa na ubod ng ganda at may isang prinsipe naman
na naging kasintahan ng prinsesa. Naging masaya ang dalawa sa kanilang pag-iibigan,
ngunit may biglang humadlang sa kanilang pag-iibigan at ito ay ang nag-iisang matandang
magician sa kanilang kaharian. Nagbanta ang matanda na kong hindi mapapasakanya ang
prinsessa ay papatayin niya lahat ng tao sa kanilang kaharian. Walang nagawa ang hari
kundi ibigay ang prinsessa .Pero hindi pumayag ang prinsipe at nakipaglaban ito sa
matanda. Nanalo naman ang prinsipe at binalikan niya ang prinsesa ngunit nang pabalik na
siya ay may biglang sumaksak sa kanya sa likod at yun pala ang matanda na naghihingalo
na. Biglang nahimatay ang prinsipe at namatay naman ang matanda. Pinahanap ng
prinsessa ang prinsipe pero di na ito nakita pa. Ang prinsipe pala ay dinala ng isang babae
sa kanilang bahay na labas na sa pinaghaharian ng prinsessa kaya di nila nakita ang
prinsipe. Lungkot na lungkot ang prensesa sa pagkawala ng kanyang minamahal na
prinsipe. Pagkaraan ng ilang araw ay namalayan na ang prinsipe at nakita niya na nasa
bahay pala siya ng isang babae. Nagpasalamat ang prinsipe sa babae at sabay rin na umalis
ang prinsipe pero hindi pumayag ang babae dahil natutunan na niyang mahalin ang
prinsipe, pero nagpaliwanag ang prinsipe kung bakit hindi siya pwede magtagal at
naintindihan naman ito ng babae at bumalik na ang prinsipe sa kanilang kaharian. Nang
makarating siya doon ay nakita niya ang prinsesa na ikinakasal sa isang binata, pinigilan ng
prinsipe ang kasal, pero hindi pumayag ang hari na itigil ang kasal kaya inutusan ng hari
ang kanyang mga tauhan napatayin ang prinsipe, nakipaglaban ang prinsipe sa mga kawal
ng hari pero masyadong madami ang mga kawal at hindi ito nakaya ng prinsipe at biglang
dumating ang isang hukbo ng kawal na galing sa ibang kaharian at tinulungan ang prinsipe.
Nakatakas naman ng ligtas ang prinsipe at ang prinsessa, at dinala sila nang mga kawal sa
kaharian ng Berbania, ito pala ay pinamumunuan ng babae na nagpagaling sa sugat ng
prinsipe,sinubukan lang pala ng babae ang pagmamahal nang prinsipe sa prinsessa at
napatunayan niya naman ito. Binigyan ng babae ang magkasintahan ng isang lupa at bahay
para doon sila tumira at namuhay sila nang maligaya. Ang magkasintahan ay nanganak ng
isang lalaki hindi alam nang lalaki kung ano ang istorya nang kanyang mga magulang at
namuhay siya nang tahimik haggang sa ipatawag siya nang reyna nang kanilang tinitirhan
na bayan, hindi niya alam na gagawin pala siyang isang magiting na mandirigma ng
kanilang kaharian ng magkaroon ng digmaan sa kabilang kaharian na pinanggalingan ng
prinsessa noon, ay sumali dito ang lalaki, pinasali siya nang reyna sa susulong na hukbo
para sakupin ang kaharian ng Entaryuio (kaharian ng prinsessa noon) naging madugo ang
labanan pero sa kasamaang palad hindi sapat ang mga hukbo na ipinasugod ng kaharian ng
Berbanya sa kaharian ng Entaryuio at ang lalaki lang at iilang kasamahan ang nakaligtas.
Kahit talo na sila ay di parin sila sumuko at nagbantay pa rin sila sa kaharian ng Entaryuio,
naglakad-lakad ang lalaki nang makita nito ang napakagandang babae na tumitingin sa
langit nang hindi nagiisip niligawan niya ang babae at dahil gwapo rin at mabait ang lalaki
pumayag ang babae na hindi alam kong taga saan ang lalaki nagsama ang dalawa ng
malaman ng hari ng Entaryuio na may mga spy pala sa kanilang kaharian ay nagpadala siya
ng mga kawal para hanapin ito, nalaman naman kaagad ito ng lalaki at pinauwi niya ang
iilan sa kanyang mga kasamahan para sabihin sa reyna ang mga nalaman nila at ang iba ay
nagpaiwan para lituin ang mga kawal, marami sa kasamahan ng lalaki ang napatay at ang
iba ay nakaligtas ang lalaki ay nagpaala muna bago ito umalis pero nakita siya ng mga
kawal ng hari at hinuli siya pero naglaban ang lalaki at nakapagtago ito sa dilim
pagkakinabukasan ay nagpadala ang reyna nang 10,000 na kawal para sakupin ang kaharian
ng hari tumagal ang laban ng iilang araw at maliit nalang ang pag-asa ng hari na manalo
dahil masyadong marami ang kawal ng reyna compara sa hari , natalo ang hari . Akala ng
hari na sisirain nila ang boung kaharian pero nagkamali siya ibinigay ng reyna ang truno ng
hari sa lalaki na, hindi nakapaniwala ang lalaki at ang hari sabay tanong naman nito kung
bakit niya ibinigay sa lalaki ang trono sinagot naman ito ng reyna na ang lalaki ay ang anak
ng hari na naglayas, laking tuwa ng hari nang malaman ito nabuhay pa pala ang kanyang
apo. At nabuhay ang lalaki bilang hari at ang kanyang kasintahan bilang reyna sa kaharian
ng Berbanya, at nabuhay sila nang matiwasay at maligaya. Pagkaraan ng ilang taon ay
namatay na ang lalaki at pinalitan siya nang anak, may mga kaharian na gustong sakupin
ang Berbanya pero di sila nanalo.

You might also like