You are on page 1of 1

CARRANCEJA,K.

2019141711

Ano-ano ang epekto ng kanilang kultura sa pamumuhay ng


tribong ito?
Ang ating bansa ay mayroong ibang uri ng kultura dahil narin sa
pagkakaroon ng ibat ibang uri ng wika. Mayroon din tayong
Indigenous people kagaya ng mga batag babae sa Palawan. Lahat
tayo ay may ibat ibang uri ng paniniwala at kultura kagaya nila
ngunit ang kanilang kultura ay kakaiba at nagdudulot ito ng
masamang epekto sa kalusugan ng kanilang tribo, dahil sa maagang
pagaasawa. Maaring para sakanila ay walang mali sa kanilang
ginagawa dahil ito ang nakasanayan ng kanilang kultura ngunit
nakakasama naman ito sa kanilang pamumuhay.

4.  Anong resulosyon ang maari mong maimungkahi sa


pagitan ng nagbabangaang pananaw: batas ng pamahalaan
at  indigenous peoples' rights act?
Para sa akin ay mayroon parin tayong respeto sa kanya kanyang
mga kultura, dahil kagaya ng aking sinabi may ibat iba tayong
paniniwala. Hindi pwede na hindi natin intindihin ang kanilang
kultura at basta nalang sabihin na bawal at itigil ang kanilang
paniniwala. Ang magandang resolusyon ay makipaugnayan sa isat
isa ang batas ng pamahalaan at indigenous people’s right act at
gawan ng maayos na paraan upang maiwasan ang mga ganitong
pangyayari. Marami sa kanila ay walang sapat na pagaaral dahil
maagang namulat sa pagkamagulang kaya naman dapat ay
ipaintindi sakanila ang maling naidudulot ng kanilang paniniwala ng
sa gayon ay magkasundo ang mga ito.

You might also like