You are on page 1of 2

Paano ba mag-report?

(Part 2)

Reporting ang isa sa mga challenging task na binibigay ng mga teachers/professors/instructors natin.
Dito kasi malalaman kung alam mo ang lahat ng bagay tungkol sa isang topic at kung alam mo kung
paano mo ito ipapaliwanag sa harapan ng madla.

Kaya lang, mas challenging ang pag-re-report para sa mga first-timers. Kung high school o college
student ka at kailangan mo nang mag-report, heto lang ang mga tips to report in class.

1.MAGBASA. Basahin nang paulit-ulit ang topic. Dahil binibigay naman ang topic nang maaga, dapat sa
umpisa palang naghahanap ka na ng references para mas marami kang iba’t ibang ideya na maibigay
kapag nagreport ka na. Mas convenient mag-type sa Google pero mas matutuwa ang teacher at
classmates mo kung naghanap ka sa library at sa mga physical books. May Google books rin naman at
kung madisarkte ka, mas magandang duon ka kumuha.

2. MAGSULAT. Kapag marami ka ng references, siguraduhin mong kuhanan mo sila ng information at i-


synthesize mo ang mga nahanap mong references. Ngayon, simulan mo ito sa introduction, content, at
conclusion. Depende sa subject ‘yan e. Kung ang report mo ay kailangan ng demonstration o demo,
then, kailangan may iba ka pang ihanda. (Siguro gagawan ko ‘to ng entry, soon). Kung general facts lang
naman, kailangan mo namang gumawa ng outline ng report mo.

3.MAGHANDA. Ihanda mo ang visual aids mo (Manila paper or cartolina), Powerpoint presentation, at
handouts. Maging creative sa paggawa ng visual aids. Kung gagamit ka ng Manila paper o cartolina,
lagyan mo ng border. Lagyan mo ng pictures. Gumamit ka ng colored pens. Kung nagtitipid, gumamit ng
black marker at maging artist at mag-typography ka. Mas magugustuhan ito lalo pa kakaiba kumpara sa
tipikal na mahabaaaaaaaang talata sa harapan. Kung ang gagamitin mo naman ay Powerpoint
presentations, maging creative ka. Ang unang slide mo dapat ay blangko. Sa susunod na slide mo na
ilagay ang topic. Kung gusto mo ng mystery, maglagay ka lang ng picture na related sa topic mo. Sa
paggawa ng Powerpoint, dapat main keywords lang ang nakalagay. ‘WAG mag-copy and paste. Ang
boring magbasa ng PPT na puro paragraphs. Gumamit ng animation. Maglagay ng pictures. Effective rin
ang hyper links. Kung tapos mo na ‘tong lahat, maghanda ka ng handouts. Ito ang magsisilbing props mo
e. Ipapakita mo lang talaga sa kanila na prepared ka. Na hindi nila kailangang kumopya habang
nagsasalita ka. Promise. Effective talagang may papel kang binibigay after reporting.
4. MAG-PRACTICE. Kausapin mo ang sarili mo sa salamin. Tapos, kunwari, may estudyante kang kaharap
para malaman mo kung kabisado mo na talaga ang report mo. Hindi talagang word per word na
kabisado, pero tama lang na alam mo ‘yung daloy ng report mo. Maghanda ka ng props habang nagre-
report. Gumamit ka ng realia kung kailangan. Pwede kang mag-costume para mas interesado silang
makinig sa iyo. Maging kakaiba ka to stand out.

5. MAGTANONG. Habang nag-re-report ka, kailangan mo ring magbigay ng follow up questions. I-test
mo kung nakikinig pa ‘yung mga kaklase mo. Applicable ‘to kung sobrang haba na ng report mo. Isipin
mong dapat handa ka ring sumagot sa mga tanong ng kaklase mo. Lahat ng posibleng tanong nila,
kailangan mong paghandaan.

Kailangan mo ba ng spefic tips in reporting? Kung oo, e-mail ka lang sa theweirdapple@gmail.com. I am


happy to help! Pwede ring mag-comment dito sa post na ito.

Happy reporting!

You might also like