Bayani, salitang na para sa ating mga pilipino ay napakabigat na responsibilidad na
matawag sa iisang indibidwal, malimit ay mga kilalang tao sa nakaraan ang nabibigyan ng titulo at pagtukoy sa salitang bayani, mga taong malaki ang naiambag at naitulong hindi lang sa kanyang kapwa tao pati narin sa kanyang bansa o bayan na minamahal. Kung noo’y malimit na binabansag sa isang tao ang salitang bayani kung ang sarili nyang buhay ay kanyang inaalay para sa bayan. Paglaban, pagtanggol at mamatay para sa bayan. Yan ang madalas na deskripsyon upang mapabilang sa mga taong binansagan na mga bayani. Kung iisipin napakabigat na gawin para sa ordinaryong pilipino, kung nabuhay tayo sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan, sigurado isa ako sa mga taong nanatili na lang manahimik at nabuhay sa takot ng mga armas ng mga mananakop, datapwat may iilan ang nagmatapang, tumayo at naging boses ng mamayang pilipino, ipinaglaban ang karapatan natin. Kaya kung iisipin napakalaking pagkilala para sa iisang indibidwal noon para matawag na bayani. Sa kasalukuyan, oo wala na nga ang mga mananakop at halos wala na rin mga sigalot o giyera na nangyayari sa ngayon, pero huwag sana nating kalimutan na hindi lang mga sundalo, pulis, doctor o nurse ang ating mga bayani. Oo sila ay nagliligtas ng buhay, pumoprotekta sa atin, pero may mga indibidwal na malimit nating nakakaligtaan natin para bigyan ng pagkilala para tawagin mga makabagong bayani. Sila ngayon ay kung tawagin ay mga “OFW o Overseas Filipino Worker”, sa madaling salita sila yung mga pilipino na napipilitan magtrabaho sa ibang bansa, makipagsapalaran doon at mamuhay sa isang lugar na malayo sa kanilang pamilya, sa lugar na wala silang kasigaraduhan na ligtas, sa lugar na hindi pamilyar sa kanila. Bakit nga ba tiniutukoy sila ngayon na makabagong bayani? Nagliligtas ba sila? Nagbibigay proteksyon ba sila sa bansa? Hindi man sila kagaya ng mga doctor o sundalo, pero kinikilala din sila ngayon bilang mga bayani. Oo nangngibang bansa sila dahil sa sarili kapakanan ng kanilang pamilya, para maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya, bagamat iyon ang madalas nilang dahilan, hindi natin napapansin na napakalaki ang naiaambag nila para sa bayan. Tama para sa bayan, hindi lang kasi pamilya nila ang kanilang natutulungan kapag sila ay umaalis at nagiibang bansa. Nakakaambag din sila ng malaki sa ating ekonomiya, ang mga padala nilang pera, sa mga dolyar, euro, dirham o yen na kanilang napapadala, napakalaking ambag iyon para sa ating ekonomiya, mas maraming pumapasok na pera, mas marami tayong bansa ang kapalitan, kaya naman ang POEA na mismo ang nagpangaral sa kanila bilang pagkilala sa kanilang ambag. Siguro nga ang kanilang intensyon ay para sa kanilang mga pamilya pero ang hindi nila napapansin ang malaki ang naitutulong nila para sa ating bayan. Kung iisipin napakaraming sakripisyo at paghihirap ang dinadanas ng ating mga kababayang OFW. Simula pa lang sa realidad na pagtanggap na kailangan nila lumayo sa kanilang pamilya, iwanan nila ito at hindi makita ng ilang buwan o taon ang abutin. Wala rin silang kasigaraduhan na maganda ang magiging buhay nila sa ibang bansa. Kung mabait ba at maganda ang pagtrato sa kanila ng mga banyagang amo. Sa mga aksidente na maaring mangyari habang nasa trabaho sila at syempre ang mga sakit na lumalaganap katulad na nga lang na meron ngaun, covid-19, SARS o mers-cov man yan. Hindi nila alam kung matatagalan nila ang mga pangyayari na mga ito o malampasan man lang ang mga ito, para na rin nila tinataya ang kanilang buhay para kumita ng pera, makapagbigay lamang sa kanilang pamilya. Maibigay ang pangangailangan at maibigay naman ang marangyang buhay na kanilang inaasam na hindi nila kaya ibigay kung mananatili sila dito sa loob ng ating bansa. Nakakalungkot lang din isipin na kailangan pa ng iba gawin ang mga ganitong sakripisyo para lang sa kanilang minamahal. Mahahalintulad ko rin sila sa mga kinilala nating mga bayani ng nakaraan. Tama may mga pagkakataon na may mga iba na dahil sa pangingibang bansa ay doon narin sila binabawian ng buhay, hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataon makita muli ang kanilang pamilya sa huling sandali nila. Mayroon din nman na nauuwi sa kanilang kabiguan, na akala nila ang pangingibang bansa ang mag-aangat sa kanila sa kahirapan ay iyon pa pala ang dahilan para lalong maghirap. Hindi nakapagipon, niloko ng mga work agency o hindi pagpapasweldo ng tama ng kanilang mga amo. Sinasalang alang din nila minsan ang hindi makita ang kanilang mga anak na lumaki kaya naman pagbalik nila hindi man lang sila kilala ng mga ito o puno ng galit sa kanila ang mga anak nila dahil sa hindi paguwi ng mahabang panahon, sa hindi palagi nariyan sa mahahalagang okasyon ng pamilya. Marami pang mga istorya ang ating mga kapwa nating pilipinong OFW. Kung titignan at uunawain natin sila, maiintindihan natin na tama sila nga ang mga makabagong bayani. Sinasakatawan nila ang pagiging bayani hindi man direkta sa paglilingkod sa bayan, pero sa mga sakripisyo na mga ginawa nila para sa kanilang pamilya. Na hindi biro ang pagalis at pagbalik nila, na parang nandyan lang sa tabi ang kanilang trabaho at bukas ay makakauwi sila sa kanilang pamilya, sa kanilang kinagisnan. Napakahirap ng buhay OFW kung iisipin natin, kaya sana sa munting paraan, sa pagkilala natin sa kanila na mga bayani ay sana kahit papaano ay mabura natin sa isipan nila ang mga hirap at pangamba na nasa isip nila. Bilang kapwa pilipino dapat natin silang tularan, sa kanilang tibay ng loob at magandang adhikain sa kanilang pamilya. Dahil sa panahong ito, bihira na natin makita ang mga tunay at makabagong bayani. Sa panahong laganap ang teknolohiya at sosyal midya ay sana iparting din natin sa iba ang kanilang mga ambag, tulong at pagiging modelo ng pagiging pilipino.