You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MUNICIPAL TRIAL COURT IN CITIES


Second Judicial Region
Branch 4
Tuguegarao City, Cagayan

PEOPLE OF THE PHILIPPINES, CRIMINAL CASE NO. ___


Plantiff

-versus- FOR:

SILVESTRE ZALUN,
Accused. GRAVE COERCION
x--------------------------------------------x

JUDICIAL AFFIDAVIT

Ako po si SILVESTRE ZALUN, 26 taong gulang, Pilipino, may asawa, at naninirahan sa


Bagay, Tuguegarao City, Cagayan.

PANGUNANG SALITA

Ang nagtataong sa akin ay si Atty. _________________ na may office address sa Public


Attorney’s Office, Hall of Justice, Carig, Tuguegarao City. Ang pagtatanong na ito ay ginawa sa
nasabing opisina ngayong ika-22 ng May 2018.
Sinsagot ko ang kanyang katanungan sa wikang Tagalog/Filipino, ang wikang aking
naiintindihan. Ako rin ay nasabihang nasa ilalim ako ng panunumpa at maaari akong ihabla sa
kasong criminal na “false testimony” at “perjury” kung ako ay magsisinungaling o hindi
magsasabi ng katotohanan.

TANONG AT SAGOT

T1: Sinabi po niyo na kayo si Silvestre Zalun na akusado sa kasong ito, ano ang masasabi
ninyo sa sinampang kaso sa inyo?
S1: Hindi po iyon totoo sir, dahil wala naman po noon si Percival Bruno noong pinakiusapan
ko ng mabuti ang mga inutusan niya na magbakod sa kaniyang lupain.

T2: Pwede niyo po bang ilahad kung ano ang totoong nangyari?
S2: Opo,noong February 14, 2017 ng mga hapon ay nasa aking welding shop po ako at
nagtatrabaho nang may biglang dumating na isang lalaki na siLouvenedick Alamchar at
dalawa pa na kasama niya na si Lenie Dela Cruz at Lykha Chua na may mga dalang mga
bareta at mga pala. At noong mag-uumpisa na sila na magbakod ay kinausap ko sila ng
maayos at malumanay na wag nilang galawin ang lupa kasi kabilinbilinan ng aking anti
na si Precy Bruno ang unang asawa ni Percival Bruno na wag nilang gagalawin iyon
dahil iyon ay pag-aari din ng anti ko.

T3: Anong sumunod na nangyari?


S3: Umalis naman po sila pagkatapos ko silang kausapin ng maayos.

T4: May nangyari pa ban a kakaiba pagkatapos ng araw na iyon?


S4: Opo. Pagkalipas po ng dalawang araw, noong February 16, 2018 po, habang ako ay
nagtatrabaho sa aking welding shop ay bigla nalang po akong sinugod ni Percival Bruno
na may hawak na tubo at pinagmumura po ako.

T5: Sino-sino ang nandoon noong nangyari ang pagsugod niya?


S5: Sina Gerard Abrigo, Elwina Aquino at Vanessa Taguinod po.

T6: Ibig mo bang sabihin wala sa insidente ang mga naturang mga testigo ni Percival Bruno
sa kasong ito?
S6: Opo sir.

T7: Ibig mo din bang sabihin na magkahiwalay na insidente ang pagsuway mo sa mga tauhan
ni Percival Bruno at ang insidente ng pagsugod sayo ni Percival Bruno?
S7: Opo sir, hindi totoo ang sinasabi sa salaysay nila na iisang araw lang nangyari ang lahat,
lalong hindi totoo na ako ang may hawak na samurai dahil ako ay nagtatrabaho sa aking
talyer noong sinugod ako at martilyo ang hawak ko noon bilang pang depensa na din sa
sarili ko.

T8: Maari mo bang ilahad kung kanino ang lupang sangkot sa kasong ito?
S8: Sa aking anti Precy Bruno po at sa asawa niya na si Percival Bruno

T9: Paano mo nasabi na sa kanilang dalawa ang lupa?


S9: Kasi po mag-asawa sila at si Anti Precy Bruno ang unang asawa ni Percival Bruno at
ginamit ni anti Precy Bruno ang kanyang sariling pera pambili noon sa lupa at ayun sa
kanya tanging ang kalahati lamang ang pwede niyang angkinin at bakuran pero ang
kabuuan ang gusto ni Percival Bruno

T10: Anong masasabi mo sa akusasyun sayo na amay hawak ka daw na samurai at ginamit
mo na panakot sa kanila para di ituloy ang pagbabakod sa kabuuan ng lupa?
S10: Hindi po yon totoo sir. Una po sir, February 14 2018 noong pinakiusapan ko ng maayos
ang tattlong tao na pinadala ni Percival Bruno para mag bakod sa lupain at wala po akong
hawak na samurai noon at umalis naman sila ng maayos at walang gulong nangyari.
Pangalawa po, ako po ang sinugod ni Percival Bruno na may hawak na tubo asa aking
talyer dalawang araw pagkalipas kong kausapin ng maayos ang tauhan niya at yan ay
noong February 16, 2018 na sinasabi nilang iisang araw nangyari ang mga akusasyun
laban sa akin.

T11: May ilalahad ka pa bang iba?


S11: Opo sir, sabi po nila may hawak ako na samurai at tinakot ko sila at sapilitang pinaalis
pero maliwanag po na kung totoo man yun e di sana po nakuha sa akin ang samurai at
may picture nang nakalakip bilang ebidensya nila at sana po kung totoo lahat ang sinasabi
nila di sana po nagtawag na sila ng barangay officials at pinablotter na nila sa barangay o
di kaya nagtawag na sila ng pulis at pinablotter sa pulis kung totoong sila ay inagrabyado
ko.

T12: May sasabihin ka pa bang iba?


S12: Opo sir, ang mga witness po niya ay puro niya kamag-anak na may kampi sa kanya at
wala naman po sila noong nangyari ang totoong insidente.

T13: Pinapatotohanan mob a ang mga nilalaman ng iyong “Judicial Affidavit”


S13: Opo sir.

Y14: Paano mo papatohanan ang nilalaman ng iyong “Judicial Affidavit”?


S14: Lalagdan ko po ito sir.

SILVESTRE ZALUN
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ______________________ in Tuguegarao


City, Cagayan.

ATTY. ____________________
Public Attorney II
PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE
Hall of Justice
Carig, Tuguegarao City, Cagayan
ATTESTATION

I, ATTY. _______________________________,of legal age, single with office address at Public


Attorney’s Office, Carig, Tuguegarao City, Cagayan, do hereby attest under oath that:

1. I personally conducted the interrogation of the above-named ACCUSED-affiant in


Criminal Case No. ______;
2. I faithfully recorded the questions I asked of him and the corresponding answers he
gave me;
3. Neither I nor any other person then present nor assisting him coached the said accused-
witness regarding his answers.
4. I am fully conscious that any false attestation shall subject me to disciplinary action,
including disbarment.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto affixed my signature this __________________ at


Tuguegarao City, Cagayan

ATTY. ______________________________
Public Attorney II
Roll of Attorney No. _______________

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ___________________________ in


Tuguegarao City, Cagayan.

ATTY. _____________________________
Public Attorney I
PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE
Hall of Justice
Carig, Tuguegarao City, Cagayan

Copy Furnished:

Honorable Branch Clerk of Court


MTCC –B4

Pros._____________________
Regional Prosecution Office
Tuguegarao City, Cagayan

You might also like