You are on page 1of 1

Angeline I. De Leon G.

Giluel Basierto
ABM 2A FILI 121 - Lakbay Sanaysay

Kasama ang aking grupo, nagtungo kami sa Maynila para bisitahin ang ilang pamosong pasyalan
at lugar na makikita doon. Una naming pinuntanhan ang bayan ng Binondo na kilala sa makulay nitong
kasaysayan. Kilala rin ang Binondo bilang isang China town dahil karamihan sa mga naninirahan dito
ay may dugong Chinese. Sa pagpasok namin sa Binondo ay una naming binisita ang Minor Basilica of
Saint Lorenzo Ruiz na mas kilala bilang ang Binondo Church. Matatagpuan sa loob ng simbahan ang
pinintang larawan ni Nuestra Señora de Biglang Awa na tinaguriang pinakamatandang religious
painting sa Pilipinas. Magugunita ring sa simbahang ito ginanap ang kasal nina Andres Bonifacio at ng
kanyang asawang si Gegoria de Jesus.

Matapos naming bisitahin ang simbahan ng Binondo, pinuntahan naman namin ang Plaza
Calderon dela Barca na halos katapat lamang ng simbahan. Sa plazang ito'y matatagpuan ang
monumento ng unang Pilipinong Santo na si San Lorenzo Ruiz. Nagsilbi bilang isang Sakristan si San
Lorenzo Ruiz sa simbahan ng Binondo noong kanyang kabataan. Matatagpuan din sa plaza ang isang
monumentong ginawa bilang pagkilala sa mga beteranong Filipino-Chinese ng ikalawang digmaang
pandaigdig.

Huli naming binisita ang isang kilalang templo sa Binondo. Ang Seng Guan Temple ay ang
pinakamalaki at pinakakilalang templo sa Binondo. Aming napag-alaman na ang templo ay ipinangalan
sa mongheng na nagmula sa Fujian,China na tinatawag na Venerable Seng Guan. Kapansin-pansin sa
loob ng templo ang mga tsinong nagdarasal sa tradisyonal na pamamaraan ng mga tsino. Sila'y
nagsisindi ng maninipis at kulay pulang insenso saka luluhod sa harap ng altar ng buddha.

Matapos ang aming pagbisita sa bayan ng Binondo, sunod naman naming pinuntahan ang mga
museong nagtataglay naman ng kasaysayan ng ating bansa. Una naming pinasok ang National
Museum of Anthropology. Dito namin natagpuan ang mga lumang kagamitan ng mga Pilipino.
Karamihan sa mga ito'y nahukay at pinaniniwalaang ginamit noong sinaunang panahon. Makikita sa
museo ang mga antigong kubyertos, mga banga, alahas, armas iba't-iba pang mga kagamitan.

Sunod naming pinuntahan ang National Museum of Natural History na halos katabi lamang ng
naunang museo. Dito naman matatagpuan ang mga exhibit ng iba't-ibang hayop na nabubuhay at
nabuhay sa ating bansa. Makikita sa bungad ng museo ang mga kalansay ng Dinasaurs Sa anim na
palapag ng gusali'y iba't-ibang exhibit ang matatagpuan. May exhibit ng mga hayop na matatagpuan sa
dagat, sa mga gubat at sa bundok. Karamihan sa mga hayop na naka-display sa museo ay mula sa
katawan ng tunay na hayop na prineserba upang manatiling buo matapos ang pagkamatay ng mga ito.
Bagaman hindi na namin naabutan, magugunita ring nagkaroon ng exhibit ang pamosong si Lolong na
tinaguriang pinakamalaking buwaya sa buong mundo na namatay noong ika-23 ng Pebrero taong
2013. Iyan ang kabuuan ng aming paglalakbay at pagbisita ilang kilalang pasyalan.

You might also like