You are on page 1of 24

1

I T O B A A Y PA N G K A R A N I W A N S A A T I N G PA M I LYA

Gabay Sa
Pagsalaysay sa
Kalusugan ng Pamilya

L ANAI C O MMU NIT Y HEA LTH CENTER


Talaan ng Nilalaman
Ang nilalaman nitong libreta ay gabay sa pagkolekta, pagbuo, at
pag-unawa sa kasaysayang pangkalusugan ng pamilya. Sa unang
libreta: “Gabay sa Pagsalaysay sa Kalusugan Ng Pamilya,” bawat
parte ay may mga pagpipiliang gawain. Piliin ang aktibidades na
puede mong gawin.
Panimula 1

Pagkolekta
Mga impormasyon na kokolektahin 6
Paano kokolektahin 8
Mga halimbawa sa mga katanungan 12
Mga halimbawa sa itatanong 14

Pagbuo
Paano bubuohin 16
Pangkalusugang Larawan ng Pamilya 18

Pag-unawa
Ano ngayon 20
Mga mapagkukunan 21
Basahin “Libreta 2: Gabay Para Genetiko
At Kalusugan” sa karagdagang kaalaman:
1. Bakit importante and genetiko para
sa akin at sa aking pamilya?
2. Anong sakit ang pangkaraniwan
sa aking pamilya?
Kasaysayan ng kalusugan
ng pamilya, ano ito?
?
Ang kasaysayan ng kalusugan ng pamilya (family history)
ay impormasyon tungkol sa mga karamdaman na
nararanasan ng bawat miyembro, kasama na rin dito
ang nakagawiang pagkain, mga nakasanayang gawain,
at kinagagalawang kapaligiran na pinamamahagian ng
iyongpamilya. Kung kayo ay may nalalaman tungkol sa
mga pangkaraniwang karamdaman na nararanasan ng
iyong pamilya, ito ay makakatulong sa pagdesisyon kung
paano kayo puedeng mananatiling malusog.

Ang kalusugan ng iyong pamilya ay isang bahagi ng iyong


family history. Habang sinasaliksik mo ang iyong “family
history”, bigyan ng pansin ang mga pangyayari, kwento,
karanasan na iyong naririnig. Habang kinokolekta ninyo
ang inyong family history, nababanggit at naipamamahagi
ninyo ang mga kwento ng bawat pamilya at
impormasyon tungkol sa kalusugan ng ibang kapamilya
– anak, apo, mga kapatid, pamangkin, tiya at tiyohin.

“Ang family history ay matatagpuan


sa mga desisyon mo, mga kwento
na pinamamahagi ng miembro
ng pamilya at ang kultura ng
komunidad ninyo. TUKLASIN MO
ANG MGA ITO UPANG MAPABUTI
ANG IYONG KALUSUGAN!”
–S
 haron F. Terry
President & CEO
Genetic Alliance

G A B AY S A PA G S A L AY S AY S A K A L U S U G A N N G PA M I LYA 1
Paano ang kasaysayan ng
kalusugan ng aking pamilya
nakakaapekto sa kalusugan ko?
Marami kang namamana galing sa magulang mo at lolo’t

loala mo. Napapasa ang kultura, kaugali-an at pagpapahalaga

sa pamamagitan ng mga litrato, kwento, espirituwal na mga

nakasanayan o pananampalataya at mga awitin. Namamana

mo rin ang iyong hitsura – halimbawa, kung gaano ka

katangkad at kung ano ang kulay ng iyong mata. Maliliit na

estraktura na nasa mga “cells” ng iyong katawan na tinatawag

na “genes” ang nagdadala ng mga impormasyon na nauukol

sa iyong katangia-an at kung paano gumagana ang iyong

katawan. Sa pamamagitan ng iyong mga magulang naipapasa

ang mga genes na ito sa iyo.

* Kuwento ni Mapuana
Sa parte ng aking ina na laging naging aktibo at isinaalang-alang lagi ang
kalusugan, ay nasa mga mabuting kondisyon, kasama na dito ang aking lolo’t
lola na walumpong taon gulang na. Hangad ko rin sana na ganon din sa parte
ng aking ama. Subalit, karamihan sa kanila ay mayroong mga talamak na sakit
(chronic diseases) na kalimitan nakakaapekto sa lahi ng Hawayano (tulad halim-
bawa sa pagiging mahilig sa mga pagkaing nakapagkakasakit, hindi pagiging
aktibo o hindi nag-eehersisyo, hilig sa alkohol at paggamit ng bawal na gamot
at iba pa). Dahil sa ang aking ina ang unang nagpalaki sa akin, mapalad kong
nakuha ang karamihang malusog na pag-uugali o makakalusugang estilo ng
pamumuhay niya (healthy lifestyle).

2 I T O B A AY PA N G K A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
Ang ibang genes ay puedeng magdala ng ilang sakit sa

iyo. Kung may nalalaman kang mga sakit na nararamdaman

ng miyembro ng iyong pamilya, puede ka ring magkaroon

ng sakit na iyon sa hinaharap. Ito ay sa dahilang, kayo ay

maaaring may kaparehas na genes, pamumuhay, nakakagawi-

an at kapaligiran. Gayun pa man, puede mo itong maiwasan

kung batid mo ang kasaysayan tungkol sa kalusugan ng

buong pamilya at malapit na kamag-anak. Itong mga sakit

na sinasabi nila, ay maiiwasan mo rin sa pag-iingat at kung

pananatiliing pipiliin mo ang kung ano ang makakabuti sa

kalusugan mo (by making healthy choices).

Naiintindihan ko kung gaano kamapangyari-


han ito sa pagpabago ng sarili nating kalu-
sugan, at kalusugan din ng ating pamilya at
komunidad. Kung naiintindihan natin kung
gaano kahalaga ang pamumuhay na malusog
para maiwasan and mga sakit na maaring
dumapo sa atin, malaki ang pagkakataon na
ito ay maging bahagi na rin ating pag-uugali
at pamumuhay na malusog sa hinaharap.

G A B AY S A PA G S A L AY S AY S A K A L U S U G A N N G PA M I LYA 3
Paano ang mga pinipili o
hilig mo ay nakakaapekto
sa kalusugan mo?
Maraming bagay ang bumubuo sa kalusugan mo. May mga

bagay - tulad ng kinakain mo, kung ikaw ay naninigarilyo o

nag-iinsayo, kung ano ang hanapbuhay mo – nakadepende

sa mga desisyon, kagustuhan o sa mga pinipili mo. Para

makagawa ng maka-kalusugang pagpipili, kailangang

maintindihan mo ang kasalukuyang kalusugan mo, mga sakit

na malaki ang pagkakataon na makuha mo, pati na rin ang

iyong kapaligiran at kinagagawi-an.

* Kuwento ni Rose Jane


Hindi ko akalain na ang alta presyon ay
karaniwang sakit pala sa magkabilaang pamilya
ng mga magulang ko. Kung hindi pa dahil
dita sa aking pagkainteres sa kasaysayan ng
kalusugan ng aking pamilya (Family health
history) di ko pa nalalaman na dalawa na pala
ang namatay sa aking mga kamag-anak at ang
aking lolo ay napakabata pa niya nang namatay.
Di d yo u kn ow t his amaz ing fact about
Ang kinatatakutan ko pa ay sa lahi ng nanay
ko karaniwan sa kanila ang sakit na dayabetes.
6
4 I T O B A AY PA N G K A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
 ng kaalaman sa
A
kasaysayan ng
kalusugan ng pamilya
ay ang unang hakbang
tungo sa mas mahusay
na kalusugan.

Nagpapasalamat ako’t natutuwa, na binigyan ko ng panahon alamin ang tungkol


sa kasaysayan ng kalusugan ng aming pamilya. Dahil dito nabuksan lalo ang
aking mga mata na kailangang magplano para mabago ang kahinanatnan ng
kalusugan ko. Dahan-dahan at unti-unting nababawasan ang timbang ko. Ito ang
isang paraan na bumaba ang pagkakataon na magkaroon ng dayabetes at atake
sa puso at strok upang sa ganon matamasa ko ang bunga ng maka-kalusugang
pamumuhay.

Tayo naman ay maliit lang na komunidad, maaari nating suportahan ang bawat
isa at lumikha ng - malawakang kultura ng pagkain ng tama - malawakang kultura
ng aktibong pamumuhay - at pinalakas na maka-kalusugang pagpili - simula sa
colle c t i n g in fo mat ion ? Now you do!
ating mga kapamilya. Ito ang pinakamabuting mangyayari sa Lanai – kasi tayong
lahat naman ay gustong mabuhay ng malusog, maligaya at nasisiyahan.

G A B AY S A PA G S A L AY S AY S A K A L U S U G A N N G PA M I LYA 5
Anong impormasyon ang
dapat kong kolektahin?
Mula kanino mangongolekta ng impormasyon?
• Sarili
• Mga magulang
• Mga kapatid
• Mga anak
Pagkatapos isama na rin ang iyong
mga tiya at tiyohin, pinsan, mga lola
at lolo sa magkabila-ang mga magulang.

Anong mga impormasyon ang kokolektahin?


•P
 angalan at kung ano ang relasyon ninyo(sarili, nanay, tatay,
anak atb.)
• Lahi, etniko, at/o pinagmulan ng pamilya
• Taon na pinanganak (o yong pinakamalapit mong tantiya o hula)
• Lugar na pinanganakan
• Kung patay na, idad nang pagkamatay at sanhi ng pagkamatay

Mangolekta ng mga kuwento tungkol sa


iyong lipi at kultura. Ito ay
magandang pagkakataon para
panatilihin ang mga alaala ng buong
pamilya.

Hindi mo kailangan na kolektahin and lahat!


6 I T O B A AY PA N G K A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
Siguraduhin
Who to collectna infoitala
from ang idad age
If deceased, noong
and cause of
death
unang
Collect naramdaman
the medical and ang sakit
health information on:
Kasaysayan
Yourself ng kalusugan • Mga operasyon
ng pamilya:
Your brothers and sisters • Pagbabakuna
Your children
• Alzheimer na sakit o sakit ng •P  angkaisipang sakit (tulad ng
Your parents
pagkalimot sobrang pagkalungkot o lugang,
• Asma
Theno alerge
go back a generation at skisoprenya)
a time and
• Deperensiya include:sa
magmula • Labis na katabaan
Grandparents
kapanganakan (bungi, sakit sa • Sa panganganak (bilang ng
Aunts
puso, andbifida”)
“spina Uncles anak, bilang ng aborsiyon o di
Cousins
• Pagkabulag/o unti-unting natuloy na pagbubuntis, mga
Nieces
pagkabulag and nephews komplikasyon)
•K
 anser (sa suso, obari, kolon, • Atake sa puso
prosteyt) •P  agkalulang sa pinagbabawal na
Basic info to collect
• Ini-inom na medisina gamot (tulad ng alkohol o alak,
Name and relationship to you
mga druga)
• Pagkabingi/ o pagkawala
(myself, parent, ng
child, etc.)
pandinig sa simula pa sa
ethnicity and/or origins Pamumuhay:
Race,idad
batang
of family • Pag-iinsayo o ehersisyo
• Mahinang pagtubo o
pagka-antala
Date of birthng (or
kaisipan
if the • Kinagawi-an (tulad ng
• Dayabetes/sakit
information is sanhi sa
unavailable, paninigarilyo, pag-inom, regular
mahina
write oyour
hindi pagproseso
best guess—for ng na pagpatingin sa doctor o
katawan
example ng “1940’s”)
tamis o asukal dentist)

• Sakit sa puso • L ibangan at mga gawain o


Place of birth aktibidades
• Alta presyon
• Nutrisyon at diyeta
• Mataas na kolesterol
• Hanapbuhay

Importante may nalalaman ka.


G A B AY S A PA G S A L AY S AY S A K A L U S U G A N N G PA M I LYA 77
Paano kokolektahin ang
kasaysasayan ng kalusugan
ng aming pamilya?
Makipag-usap sa iyong mga kapamilya
Ang iyong mga kamag-anak ay ang magandang pagkakuhaan
ng mga kuwento tungkol sa kasaysayan ng iyong pamilya. Ito
ay kalimitan pinamamahagi habang nagkukuwentuhan sa mga
handaan tuwing kaarawan, kasal, reyunyon, pangsimbahan na
pagtitipon, bakasyon, at sa lamay.

8 I T O B A AY PA N G K A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
collect organize understand

Gamitin kong ano man ang mayroon na kayo


Alamin kong mayroon na kayong “family tree,” “charts” o listahan
ng miyembro ng pamilya. Ito ay maaring nasa mga ginawang
libro sa bawa’t pinapanganak na bata, litrato, album, listahan ng
mga petsa ng bawat birthday ng miyembro ng pamilya, bibliya
ng pamilya, o ibang mga talaan na pangsimbahan. Alamin
at baybayin mo rin ang ang kasaysayan ng pansarili mong
kalusugan na kasama ang iyong doktor upang masiguro na wala
kang nakakalimutan.

Magplano kung sino at paano kakausapin


Pagkatapos mong banggitin ang plano mong pagkolekta ng
kasaysayang pangkalusugan ng pamilya, malamang na may
gusto kang kausapin para makakuha ng mas kompletong
kuwento o impormasyon. Kung maari gumamit ng “tape
recorder”, upang mabalikan muli ang p ag-uusap. Kasama sa
babasahin na ito ay ang listahan ng mga posibleng tanong.

Magpadala ng palatanungan o “questionnaire”


Puede ka ring magpadala ng palatanungan o “questionnaire.”
Ang paglikha ng “newsletter” o pahayagang palihan ay isang
mabilis at madaling paraan ng pagkolekta nang ganitong
uri ng imposmasyon. Hindi lahat ay sang-ayon sumagot sa
“questionnaire”. Siguruhin na naipaliwanag mo kung bakit
kailangan ang mga katanungang iyon.

G A B AY S A PA G S A L AY S AY S A K A L U S U G A N N G PA M I LYA 9
Mga tips sa pagkolekta
sa kasaysayan ng
kalusugan ng pamilya
•M
 agsimula sa iyong mga magulang kung sila ay buhay
pa. Kalimitan ang mga nakakatandang kamag-anak ay
magandang pagkukunan ng mga impormasyon at sila
ay puedeng magsilbi na tigasalaysay ng kasaysayan ng
iyong pamilya o “family historian.”

•K
 ung ikaw ay anak-anakan o “adopted child,” puede
mong malaman ang iyong kasaysayan pang pamilya
sa mga tunay mong magulang. Puede ka ring humingi
ng mga impormasyon o rekords sa ahensiya na
pinanggalingan mo.

Kuwento ni Anne
Ako ay may maliit na pamilya. Kahit na kung ano-anong mga sakit ang naririnig ko
sa kanila, alta presyon pa lang ang naging karaniwang sakit sa aking mga magulang
at mga kapatid na babae. Sa aming paguusap tungkol sa mga miyembro ng aming
pamilya, nakakatuwang gunita-in ang mga alaala ng tiyo at mga lolo at lola kasama
na rin ang aking tatay na pumanaw na. Nagtataka ako kung bakit ang “pagkamataba-
in” ay hindi kasama doon sa mga kondisyon ng katawan na pinagpipilian sa pag
lalarawan sa kasaysayan ng kalusugan ng pamilya (family health portrait). Alam ko
na puede rin naman itong isama- p-e-r-o mahirap pa rin kung ano ang tiyak na
ilalagay dahil karamihan sa mga kamag-anak ko ay malimit mag-sisiso ang kanilang
mga timbang: bumibigat – gumagaan, gumagaan – bumibigat ang kanilang mga
timbang. Ang tambang timbay ay unang hakbang panlaban sa sakit na dumadapo
sa katawan.

10 I T O B A AY PA N G K A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
collect organize understand

•M
 ahalaga ang paggalang sa iba. Ang ibang kamag-anak
ay puedeng hindi nila gusto na isalin sa iba ang kanilang
kasaysayan ng kalusugan. Ang iba naman ay talagang
wala silang alam anomang salaysayin.

•P
 uedeng nakakatakot malaman ang tungkol sa problemang
pangkalusugan o karamdaman ng mga kapamilya. Kung
sasabihin mo ito sa iyong doktor malalaman mo kong ikaw
ay nanganganib na magkasakit din nito.

•M
 aaring hindi malinaw na maitukoy ng mga kapamilya mo
ang mga karamdaman nila. Halimbawa, ang isang nakaranas
ng di pagkibo o sobrang pagkamatahimikin ay puedeng
nagkaroon ng “depression” o sobrang pagkamalungkutin at
wala na sa sarili. Tanungin ang kamag-anak mo kung paano
siya kumilos.

Ang isang bagay na gusto kong gawin ay


magbawas ng timbang. Nitong nakaraang
tag-init, naku! ako ay nagdagdag ng timbang.
Biglang tumaas ang BMI ko sobra sa 25, kung
kaya’t pag-iigihan ko na hindi lumiban sa
aking mga “exercise classes”. Mayroon akong
4 na klase sa isang lingo – 2 ehersisyo sa
tubig (water aerobics), 1 na gamit ay bola
(pilates) at isang sayaw (zumba) . Bukas
pagkatapos ng aking “exercise” didiretso ako
sa aking mga estudyante na pinagpapawisan,
pero naman, ito ay magandang halimbawa sa
kanila. Ika nga sa ingles “you walk the talk”.
Kung sa atin pa – lalakarin mo ang salita mo.
Ay mali! GAGAWIN MO ANG SINASABI MO.
G A B AY S A PA G S A L AY S AY S A K A L U S U -
G A N N G PA M I LYA 1 1
Paano ko tatanungin ang aking
mga kamag-anak tungkol sa
pangkalusugang kasaysayan ng
aming pamilya?
Sa sunod na pahina ay listahan ng mga tanong na puedeng
makatulong sa pakikipag-usap ninyo sa miyembro ng iyong
pamilya. Ang mga katanungang ito ay makakatulong para
malaman mo ang mga kuwento ng pamilya, karaniwang
kondisyon at ano mang naging epekto ng kapaligiran,
pamumuhay, at ano mang kasaysayan ng kalusugan sa
miyembro ng pamilya ninyo. Dagdagan mo ng ibang tanong
na makahulugan sa iyong pamilya.

Paghandaan ang nakatakdang pag-uusap


• Isulat ang lahat ng nalalaman ninyo – mga pangalan
ng miyembro ng pamilya, saan sila isinilang, o ilan
ang kanilang mga anak.
•P
 iliin ang mga itatanong mo bago mangyari ang
pakikipanayam.
•I-record and pakikipanayam sa “tape recorder” o
“video camera.”

*
Kuwento ni Wilma
Maalala ko pa noong akoy nakarating ng Lanai noong 1985. Lahat ng tao dito
ay halos tumigil na sa pagtratrabaho sa plantasyon ng pina. Isa sa kanila ay
ang aking Ama. May 9 taon siyang nagtrabaho sa plantasyon bilang tiga pitas
sa mga pinya. Sa katagalang paglanghap niya ng kemikal na binubomba sa
plantasyon nahirapan na siyang huminga hanggang namatay na rin siya ng
kanser sa baga. Namatay siya sa idad na 65.

Hindi ko ipinagwalang bahala ang mga simptomas ng mahirap na paghinga


lalo na ang paglagay sa mapayapa at ligtas na kapaligiran sa ano mang

12 I T O B A AY PA N G K A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
collect organize understand

Sa kasalukuyang nag-uusap kayo


• Isulat ang mga nababanggit na impormasyon na
nauukol sa kalusugan.
•H
 angga’t maaari dapat maiksi lang ang mga tanong.
Iwasan ang mga tanong na masasagot ng oo o hindi.
•S
 undan ang mga tanong ng “bakit” “paano” at “puede
ka ba magbigay ng halimbawa.”
•H
 uwag mong asahan na alam nila lahat ng sagot sa
iyong mga tanong.
• I-respeto ang kahilingan ng kausap mo kong may ayaw
siyang banggitin o pag-usapan.
•Hilingin mo ang kamag-anak mo kung mayroon siyang
mga larawan, resipe, sulat at iba pang naitatago niya na
galing sa inyong pamilya sa matagal nang panahon. Ito
ay makakatulong sa kanya sa pag-aalala ng mg detalya
at kuwento tungkol sa inyong pamilya.


Hangga’t maari hayaan mo lang
siyang magkuwento – huwag siyang
gambalain habang nagsasalaysay!

panggagalingan ng lason o kemikal na


makakasira sa katawan. Lahat kami
ngayon, ang aking pamilya, aking
ina, mga kapatid at mga pamangkin
ay nagpapasalamat na ligtas na ang
palibot naming at kapaligiran sa
puedeng panggalingan ulit ng kanser
sa baga. Naging leksiyon sa amin
ang parteng ito ng kasaysayan ng
kalusugan ng aming pamilya.
G A B AY S A PA G S A L AY S AY S A K A L U S U G A N N G PA M I LYA 13
Mga halimbawa sa itatanong
Itong mga tanong ay halimbawa lang. Kung kinakailangan pali-
tan niyo ito para mai-angkop sa iyong pinag-uusapan.

Mga tanong tungkol sa pagkabata


• Saan kayo pinanganak?
• Saan kayo lumaki?
•N
 akaranas ba kayo ng problema sa kalusugan (katulad ng
alerge) noong bata pa kayo?
•M
 ayroon ba kayong mga kapatid? Buhay pa ba sila? Ilang
taon na sila?

Mga tanong tungkol sa karapatang gulang (adult)


• Ano ang mga naging trabaho mo? Ilarawan mo ang araw-
araw na nangyayari sa trabaho mo?
• Ano ang masasabi mo tungkol sa kapaligiran ng
pinagtratrabahoan mo?
•M
 ay mga anak ka ba? Ano ang pangalan nila? Kailan sila
ipinanganak? Nagkaroon ba sila ng problema pangkalusugan?
• Ano ang kanilang mga hilig (pagpaaraw, pag-ehersisyo,
panigarilyo atbp.) na posibleng nakaapekto sa kalusugan nila?
•N
 agkaroon ka ban ng problema sa kalusugan nang ikaw ay
lumaki na? Sa anong gulang? Paano ito ginamot (medisina,
inopera atbp.)?

14 DOES
16 I T O BITARUN
AY IN
PATHE
NGKFAMILY?
A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
collect organize understand

Mga tanong tungkol sa mga magulang


at mga lolo at lola
•K
 ailan at saan isinilang ang mga magulang mo? Ano
ang nalalaman mo tungkol sa kanila? (hanapbuhay, mga
libangan)?
•K
 ailan at saan pinanganak ang mga lolo at lola mo? Ano ang
mga naaalala mo tungkol sa kanila?
•N
 agkaroon ban ng problema sa kalusugan ang iyong mga
lolo at lola?
• Alam mo ba kung umiinom sila ng medisina lagi? Kung oo,
para saan? Sa kanilang tahanan may ginagawa ba silang
panggagamot? Anong paraan at para saan man?

Mga tanong tungkol sa pamumuhay ng pamilya


•T
 umira ba ang pamilya ninyo sa isang lugar na siyang
naging sanhi sa pagkasakit ng ilang miyembro (hlb,
dinaanan ng lakamidad, basurahan)?
• Anong klase ng pagkain ang laging kinakain ng pamilya
ninyo? Ilarawan ang isang karaniwang almusal at hapunan?
Kayo ba ay kumakain ng espesyal na pagkain kung may mga
okasyon? Anong klase ang mga ito? May mga pagkain ba
kayo noon na iniiwasan o nililimitahan?
•M
 ayroon ba sa inyo nagkaroon ng problema sa panganganak
o pagkabata Mayroon bang mga sakit na karaniwan o
komon sa ating pamilya?
•M
 ayron ka pa bang iba na gustong banggitin sa akin tungkol
sa kalusugan ng ating pamilya?

G A B AY S A PA G S GABAY
A L AY SSA
AYPAGSALAYSAY
S A K A L U S USA
G AKALUSUGAN
N N G PA MNG 15
PAMILYA
I LYA
17
Paano ko bubuohin ang
kasaysayan ng kalusugan
ng aking pamilya
Ang mga impormasyon na iyong nakolekta ay puedeng isulat
o i-tayp sa kompyoter sa paraan na may kahulugan sa iyo, sa
iyong pamilya at sa iyong doktor. Ang susunod ay mga ideya
kung paano mo gagamitin o bubuohin ang mga nakuha mong
impormasyon.

Pangkalusugang Larawan ng Pamilya


Ang pangkalusugang larawan ng pampamilya ay halintulad
sa punong-pampamilya o “family tree” pinapakita ang bawat
miyembro ng pamilya at ang kanilang kalusugan. Dahil sa ito
ay simpleng paglarawan ng kalusugan ng iyong pamilya madali
itong ibahagi sa iyong doktor. Puntahan ang pahina 18 para sa
karagdadang impormasyon.

* Kuwento ni Diana
Nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na makausap ang Nanay ko
upang malaman ang lahat tungkol sa kalusugan ng aming pamilya bago
man mahuli ang lahat! Natuklasan ko na lang na galiit lang talaga ang
nalalaman ko tungkol sa aking lolo at lola, mga tiyo at tiya. Nagulat na lang
din ako na ang alta presyon at atake sa puso ay karaniwang sakit pala sa
aming lahi – pagtumatanda mga 60 taong gulang. Kung iisipin malapit na
ako sa idad na ito kaya kailangang magdahandahan na ako.

Ngayon, pinagtibay ko ang aking pangako sa sarili na laging nag-ehersisyo


Di d yo, laging
araw-araw u kn owngttama,
kumain hisat amaz
tamasahin ing fact
ang buhay about
na kasama
ang pamilya at mga kaibigan. Naisipan ko ring bigyan ang aking kapatid
6
16 DOES
18 I T O BITARUN
AY IN
PATHE
N G KFAMILY?
A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
collect organize understand

Kard Para sa Manggagamot


Sa internet (www.geneticalliance.
org/ccfhh), may makikita kang kard
para sulatan ng mga impormasyon
nadadalhin sa iyong manggagamot.
Ang kard nakapokus tungkonl sa
kasaysayan ng kalusugan ng iyong
pamilya. Ito ay makapagbibigay sa
iyong manggamot ng maraming
kaalaman kung paano magagamit ng
husto ang iyong “family health history”
na matukoy ang pagkakataon na ikaw
ay magkaroon ng takdang sakit.

ng kopya nitong kasaysayan ng kalusugan


ng aming pamilya at ituloy nila ang pagbakas
nito sa panig naman ng kanyang asawa at
mga anak.

Nagpapasalamat ako na binigyan ko ng panahon


na malaman at pag-aralan ang kalusugan ng
aming pamilya. Ang mga Hawayano at tama
nga: TAYO ANG TALAANGKANAN AT TAYO DIN
ANG KASAYSAYAN NG ATING PAMILYA. Kung
colle c t i n g in fo mat ion ? Now you do!
baga sa ingles: we are our genealogy and
family history.
7
G A B AY S A PA G SGABAY
A L AY SA PAGSALAYSAY
S AY a guide
SA K A L Uto
SSA
Ufamily
GKALUSUGAN
A N health
N G PANG
history 17
PAMILYA
M I LYA 19
19
Ang pagsasalarawan sa kasaysayan
ng kalusugan ng pamilya?
Ang isang madaling paraan sa pagbuo ng pangkalusugang
larawan ng pamilya ay ang paggamit ng internet at hanapin
ang U.S. Surgeon General’s My Family Health Portrait sa
www.familyhistory.hhs.gov para lumikha ng pangkasulugang
kasaysayan ng pamilya.

Puede mo ring iguhit ang pangkalusugang larawan ng iyong


pamilya. Tingnan ang isang ehemplo sa susunod na pahina.
Tagubilin sa pagguhit ng pangkalusugang larawan ng pamilya.
Paano ko isasalarawan o i-drodrowing ang kalusugan ng
aming pamilya?
• Isulat ang iyong pangalan sa itaas ng malapad na papel.
• G
 uhitin mo ang sarili sa sentro gamitin ang parisukat kung
ikaw ay lalaki at bilog kung ikaw ay lalaki.
• Iguhit mo ang mga magulang mo sa itaas mo at tatakan
mo ang parisukat at bilog ng kanilang mga pangalan at
kaarawan (o tantiyang idad).
• G
 umuhit ng linya na maghihiwalay sa kanila at isang linya
din na maghihiwalay sa kanila at sa iyo.
• K
 ung mayroon kang mga kapatid iguhit mo rin sila
at ang mga kapatid ng mga magulang mo magmula
sa pinakamatanda hanggang bunso, simula sa kaliwa
papuntang kanan sa malaking papel.
• Idagdag ang mga impormasyong pangkalusugan na
nakolekta mo tungkol sa kanila.
• Idagdag ang lipi at iba pang mga impormasyon na iyong
nalalaman.

Mga simbolo sa pagsasalarawan


ng kalusugan ng pamilya: lalaki babae patay na

18 does
18 ITO BitArun
AYinPA
the
N Gfamily?
K A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
collect organize understand

Ang Kuwento ni Kim

1 Sinimulan ko ang pankalusugang


larawan ng aking pamilya sa pama-
magitan ng pagguhit ko sa aking sarili.
me (Kim)
b. 1975
Lahat ng babae sa larawan ay bilog.
Sa ilalim ng pangalan ko, inilagay ko
ang aking kaarawan.

2 Sumunod, ginuhit ko ang aking nanay


at tatay. Sino mang lalaki ay pinan-
gangatawan ng parisukat. Kinonekta
Mark
b. 1950
Helen
b. 1952

ko ang mga magulang ko ng isang me (Kim)


b. 1975
linya at gumuhit ako ng isa pang linya
konektado sa akin.

3 Pagkatapos, idinagdag ko ang mga


kapatid ko at saka ang kanilang
mga kaarawan. Kinonekta ko bawat
Mark
b. 1950
Helen
b. 1952

isa sa kanila sa linya ng aming mga


magulang. Jon me (Kim) Rebecca
b. 1974 b. 1975 b. 1979

mexico

4 Para sa magulang ng tatay ko,


nilagay ko ang mga pangalan
nila sa ibabaw ng aking tatay
Ana
b. 1930
Luis
b. 1929
heart attack,
germany
at pagkatapos, gumuhit ako ng age 42
linya para konektado silang lahat
Mark Helen
sa tatay ko. Idinagdag ko rin ang b. 1950 b. 1952
lipi nila. Sa huli, ginuhitan ko
ng dayagol na linya ang bilog
na kumakatawan sa lola ko para Jon me (Kim) Rebecca
b. 1974 b. 1975 b. 1979
makita na siya ay namatay na. alta presyon

G A B AY S A PA G S A L AY S AY S aA guide
K A L Uto
S Ufamily
G A N health M I LYA 19
N G PA history 21
?
Ano ngayon?
• Panatilihin ang kasaysayang pangkalusugan ng iyong
pamilya at magdagdag ng mga bagong impormasyon na
nalalaman mo tungkol sa iyong pamilya.

• Alamin o magsaliksik tungkol sa mga sakit na


karaniwan o komon sa iyong pamilya.

• Ibahagi ang mga impormasyon sa iyong pamilya.

• Dalhin ang kasaysayang pangkalusugan ng iyong pamilya


sa doctor ninyo.

• Basahin ang Pangalawang Libreta:


“Mga Gabay sa Genetika at Kalusugan.”

20 I T O B A AY PA N G K A R A N I W A N S A AT I N G PA M I LYA ?
collect organize understand

Mga Kasangkapan
Genetic Alliance Family Health History Resources
www.geneticalliance.org/familyhealthhistory

The Smithsonian Folklife and Oral History Interviewing Guide


www.familyoralhistory.us/news/view/the_smithsonian_folklife_and_
oral_history_interviewing_guide/
and visit the American Folklife Center website:
www.loc.gov/folklife/fieldwork

Lanai Community Health Center


www.lanaicommunityhealthcenter.org

G A B AY S A PA G S A L AY S AY S A K A L U S U G A N N G PA M I LYA 21
WWW.LANAICOMMUNITYHEALTHCENTER.ORG

478 Lauhala Place


Lanai City, HI USA 96763 – 0142
Phone: 808-565-6919 Fax: 808-565-9111
info@geneticalliance.org

Ang Lanai Community Health Center (LCHC) ay


binibigyan ng pundo ng gobyernong pederal ng
Estados Unidos na tumatanggap ng pasyente -
mayroon o wala man siyang insyurans. Ang LCHC
ay nagbibigay ng malawakang saklaw sa pag-
bibigay ng iyong lunas, maingat sa iyong
praybasi, mataas na paggalang at respeto sa
iyong mga paniniwala at kultura at pangunahing
pag-aalaga para sa buong pamilya.

ORAS NA BUKAS
Lunes/Miyerkules/Biyernes:
9:00 ng UMAGA – 7:00 ng GABI
Martes/Huebes: 8:00 ng UMAGA – 5:00 ng HAPON
Sabado: 8:00 ng UMAGA – 3:00 ng HAPON

WWW.GENETICALLIANCE.ORG

4301 Connecticut Ave. NW, Suite 404


Washington, D.C. 20008-2369
Phone: 202-966-5557 Fax: 202-966-8553
info@geneticalliance.org

You might also like