You are on page 1of 3

AUTOBIOGRAPY

“No man is an island”, ito ang katagang nagpapaliwanag na walang taong


nabubuhay para sa sarili lamang. Ito rin ang nagbibigay diskripsyon sa aking
pagkatao. Hindi ako magiging masaya kung wala akong kasama o wala akong
kadamay sa lahat ng pagkakataon.
Ako nga pala si Midsy M. Dela Cruz , labing apat na taong gulang
ipinanganak noong Mayo 7,2002 at panganay sa tatlong magkakapatid. Siguro’y
nagtataka kayo kung bakit Midsy ang pangalan ko at kung saang lupalop ng mundo
ito kinuha ng mga magulang ko. Siguro pag narinig niyo ang aking pangalan baka
isipin niyo Midsy “middle of the sea”, pwes hindi diyan kinuha ang pangalan ko.
Samahan niyo akong ikwento kung saan nakuha ang pangalan ko.
Malapit na akong ipanganak noon ngunit wala parin silang naisip na
ipangalan sa akin. Isang araw nanonood ang aking ama sa isang “beauty pageant”
kung tawagin nila. Isa sa mga nanalong kalahok ang nagngangalang Midsy Dela
Cruz. Namangha ang aking ama sa kanyang pangalan dahil bukod dito ay pareho
pa kami ng apelyido kaya hindi na nagdalawang isip ang aking ama na itoy
ipangalan sa akin. Oh diba ang simple ngunit makahulugan. Ito ang kwento ng
aking pangalan.-
Ako yung tipong mahilig maki pagkaibigan, yung may pagmamahal sa
kapwa at marunong pahalagahan kung ano man ang meron siya. Hindi mahalaga
kung anong katayuan mo sa buhay, kung mahirap o mayaman ka man hindi ito
hadlang upang magtagumpay sa buhay. Ang pangarap ay parang “water falls” lang
yan, na patuloy na umaagos, ngunit hindi natin maiiwasan na may mga bato na
haharang upang itoy huminto sa pag-agos na kung minsan tayo’y nadadapa dahil
dito. Ngunit itoy hindi hadlang upang tayo’y tumayo at ipagpatuloy ang pag-agos
tungo sa ating tagumpay.
Reflection sa Araling
Panlipunan
Mula sa salitang Araling panlipunan ibig sabihin dito napag-
uusapan ang mga bagay hinggil sa ating lipuan at sa buong mundo. Dito
natin malalaman kung paano nakikipag kalakalan sa bawat bansa, kung
ano ang mga nangyari noong unang panahon at kung paano nakikipag
ugnayan ang mga bansa sa isa’t isa.
Sa taong ito, ang araling panlipunan ay hindi naging madali sa
akin. Marami akong nalaman na hindi ko pa alam dati. At sa
pamamagitan ng araling panlipuan, nalaman ko ang mga pasikot sikot sa
ating ekonomiya. Nalaman ko rin mga pwedeng makatulong sa ating
ekonomiya upang itoy patuloy na uunlad. Maaaring sa iba ang Araling
Panlipunan ay isang “boring” na asignatura dahil hindi nila nakikita o
nararamdaman ang tunay na kahulugan na Araling Panlipunan. Sa
pamamagitan ng araling panlipunan patuloy kong pinapalawigang aking
kaalaman tungkol ditto.
Kaya ngayong magtatapos na ang taon, gusto kong mag pasalamat
sa aming guro na si Gng. Josie Bernardo sa lahat ng kanyang itinuro sa
amin. Gagamitin ko ang lahat ng aking natutunan lalong lalo na sa
araling panlipunan upang maaabot ang aking pangarap sa buhay.
Portfolio
sa
Araling
Panlipunan
Midsy M. Dela Cruz
Grade 9- Staraple
Mrs. Josie Bernardo
Subject Teacher

You might also like