You are on page 1of 2

PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay isasagawa ayon sa disenyong Descriptive Survey Reseach Design na


pag-aaral, kung saan sila ay gagamit ng Talatanungan o survey questionnaire na sasagutan ng
mga respondente para makalikom ng mga datos. Ito ang napiling uri na disenyo ng mga
mananaliksik para sa pag aaral na ito sapagkat naniniwala sila na makakatulong ito upang
mapadali ang pangangalap ng mga kinakailangan nilang datos mula sa maraming bilang ng mga
respondente. Ang disenyong deskriptibo pananaliksik ay imbestigasyon na naglalarawan at
nagbibigay kahulugan sa isang paksa o bagay na naglalayong makakuha ng mga bagay na
relatibo o opinyon mula sa iba’t ibang tao.

PINAGMULAN NG MGA DATOS

Napagdesisyunan ng mga mananaliksik na ang mga magiging respondente nila ay mga


Estudyante ng Senior HIgh School. Pinili nila ang mga estudyante ng AMA University Cavite -
Campus mula sa baitang na 11 at 12 na may Strand na ABM, STEM, HUMSS, GAS at TVL.
Pinili nila ang mga estudyante bilang respondente dahil sila ang isa sa mga nahihilig makinig sa
mga kanta na may salitang balbal at upang malaman ang iba’t ibang opinyon nila tungkol sa mga
salitang balbal.
Gagamit ang mga mananaliksik ng Stratified Random Sampling na pamamaraan upang
magkaroon ng pantay na representasyon na datos mula sa mga napiling resepondente. Kung saan
kinuha nila ang 10 porsyento ng mga mag aaral ng senior high sa kabuuang populasyon nito.
Ang bilang ng lahat ng mga respondente ay 100, tig 10 na mag aaral mula sa baitang 11 sa ABM,
STEM, HUMSS, GAS AT TVL. At gayun din sa baitang 12.
KAGAMITAN SA PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng “social media” gaya ng Google upang makakalap
ng mga reliable na impormasyon para sa pananaliksik. Gumamit din sila ng sarbey kwestyuner
upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pagaaral. Ang mga talatanungan ay
ipinasagot sa 10% na populasyon ng mga mag-aaral ng Senior high sa AMA University- Cavite
Campus. Ang sarbey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung paano
nakaka epekto ang mga kanta na gumagamit ng salitang kalye sa kanila.

PROSIDYUR SA PANGANGALAP NG MGA DATOS.

Matapos pagtibayin ang paksang napili, ito ay naging batayan ng mga mananaliksik
upang humanap ng talatanungan sa reliable na sanggunian na may kaugnay sa napiling paksa.
Pagkatapos mabuo at pagtibayin ang talatanungan, ang mga mananaliksik ay ginawa ang sarbey
sa AMA University- Cavite Campus, kung saan tinungo ng mga mananaliksik ang mga silid ng
mga mag-aaral na senior high upang ipamahagi ang mga talatanungan sa piling mag-aaral ng
pangkat na iyon. Ang mga respondente ay agad sinagutan ang mga talatanungan at ang mga
mananaliksik ay kinuha din ang mga sagot sa araw na iyon. Para sa resulta, ito ay tinabyula ng
mga mananaliksik upang masuri at sa pagpapakahulugan ng mga datos.

KAGAMITANG ESTADISTIKA

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Descriptive Statistics upang ipresenta ang mga
datos na makakalap ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng graphs, tsarts at
talahanayan upang ipakita ang mga nakalap na datos. Susukatin din ang central tendency
sapagkat ang pag-aaral na ito ay kakalap ng mga datos sa maraming tao upang madaling
maintindihan ang magiging resulta ng pag-aaral.

Ang gagamitin na pormula ng mga mananaliksik upang makuha ang mean:

x́=
∑x
n
Kung saan:
x́ = mean
∑ x = summation of x o kabuuang datos
n = bilang ng mga datos

You might also like