You are on page 1of 2

Cagnayo, Anthony John H.

April 30, 2020


BSBA-1 Rizal: Activity #3

El Filibusterismo

Sa mga huling sandali ng buhay ni Simoun ipinagtapat niya kay padre Florentino ang
sama ng loob na nadarama sa Diyos. Itinanong sa sarili kung bakit siya’y hinayaang maghirap ng
Panginoon kahit na ang kaniyang layunin ay kalayaan ng bayan at kaligtasan ng marami pang
sibilyang biktima ng baluktot na sistema ng pamahalaan. Bagamat makatarungan ang kagustuhan
ni Simoun, masasabi ko na may punto ang tugon sa kaniya ng pari, na ang Diyos ay
makatarungan. Sabi nga ng matatanda, ang buhay ay parang isang gulong ng palad kung saan
may mga pagkakataong lubos ang sayang darating ngunit may mga oras din na hahamunin tayo
ng iba’t ibang suliranin. Balik tanaw sa naging karanasan ni Simoun, siya naman talaga ay
hinamok ng masasalimuot na pangyayari na naging sanhi upang ang poot, pighati, at
paghihiganti ang mag hari sa kaniyang puso na kalaunan ay nag udyok upang maghimagsik.
Matapos mabigo isakatuparan ang mga plano, naging repleksyon ito na ang pagtatanim ng galit
ay makakapagpasiklab ng mas malalim na sugat na siyang maaring tumulak sa atin upang
makagawa ng masama sa kapwa. Sa mga pagkakataong dignidad ay maapakan, ipagpabuting
gawin itong aral at inspirasyon upang ilagay ang sarili sa mas maayos na posisyon. Kung may
mga pagkakataong mang paghihiganti ay naisin, wag mag dalawang isip dahil walang mabuting
kahihinatnan ito dahil lalasunin lamang nito ang isipan upang makasakit ng mas maraming tao at
makagawa pa ng mas madaming baluktot na aksyon. Bilang estudyante sa kasalukuyan hindi
maikakaila na malaki na ang pinagbago sistema ng edukasyon ngayon kumpara sa panahon ng
kastila. Noon, hindi lahat ng gustong mag-aral ay may oportunidad na makapasok at tanging ang
mga mayayaman lamang ang may kakayahan. Hindi kwalipikado ang mga nagtuturo at mas
binibigyang pansin ang doktrinang Kristyano kaysa sa ibang larangan. Dahil kulang ang
karanasan ng mga guro, nagiging makitid lamang ang isipan ng mga mag-aaral at sumusunod
lamang na parang bulag sa mga utos at hindi nakakapag-isip para sa kanilang sarili.
Cagnayo, Anthony John H. April 30, 2020
BSBA-1 Rizal: Activity #3

You might also like