You are on page 1of 4

ABS-CBN walang utang na buwis sa BIR

Walang pagkakautang na buwis ang ABS-CBN ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang
reaksiyon sa reklamo na may malaki itong pagkakautang sa pamahalaan na isang dahilan para
hindi mai-renew ang  franchise nito na nakatakdang mapaso sa Marso.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, walang pending tax issue ang
kumpanya at nagbayad ito ng kabuuang halaga na P70.5 bilyon sa buwis sa nakalipas na 17 taon
kung saan itinuring ito na isa sa pinakamalaking magbayad ng buwis sa gobyerno.

Nag-issue ang BIR sa ABS-CBN ng Tax Clearance Certificate noong 2019 at kinilala ito bilang
isa sa top 200 Non-Individual Taxpayers sa ating bansa.
59 OFWs sa Diamond Princess positibo sa COVID-19

MANILA, Philippines — Umabot na sa 59 Pilipinong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus


disease 2019 (COVID-19) sa M/V Diamond Princess na Japan, balita ng Department of Health,
Lunes.

Tinatayang nasa 2,600 na ang namamatay sa sakit, matapos madagdagan ng 150 mula Tsina,
ayon sa ulat ng AFP.

"Sa ngayon, 59 sa 538 na [overseas Filipinos] mula sa cruise ship ay kumpirmadong may


COVID-19," sabi ni Maria Rosario Vergeire, assistant secretary ng DOH, sa Inggles.

Nasa 400 naman ang sinasabing nagnegatibo sa sakit, habang ang mga asymptomatic, o hindi
nagpapakita ng sintomas, ay papayagang makauwi ng Pilipinas bukas.

Sa mga nagpositibo, dalawa na ang gumaling at napalabas ng ospital. Gayunpaman, hindi


pa rin sila magiging bahagi ng repatriation bukas.
"Habang tumatakbo ang 14-araw na quarantine procedure sa New Clark City, 20 medical
teams mula sa DOH hospitals ang mamamahala sa pasilidad," dagdag pa ni Vergeire.

Sa ngayon, apat na bansa na ang may mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19, dahilan para
umabot na sa 63 ang tinamaan sa ibayong-dagat: 

 Japan (59)
 United Arab Emirates (2)
 Hong Kong (1)
 Singapore (1)

Sa Pilipinas naman, umabot na sa 132 ang naka-admit na patients under
investigation kaugnay ng sakit.

 Cordillera Administrative Region (1)


 Cagayan Valley (2)
 Ilocos (1) 
 Central Luzon (1)
 National Capital Region (105)
 CALABARZON (5)
 Bicol (5)
 Eastern Visayas (2)
 Central Visayas (2)
 Northern Mindanao (1)
 Soccsksargen (1)
Kanina, matatandaang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles
na sinisimulan na ng Singapore ang ilang pag-aaral kung epektibong panlaban sa virus ang virgin
coconut oil.

Sa mga nagpositibo, dalawa na ang gumaling at napalabas ng ospital. Gayunpaman, hindi


pa rin sila magiging bahagi ng repatriation bukas.
"Habang tumatakbo ang 14-araw na quarantine procedure sa New Clark City, 20 medical
teams mula sa DOH hospitals ang mamamahala sa pasilidad," dagdag pa ni Vergeire.

Sa ngayon, apat na bansa na ang may mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19, dahilan para
umabot na sa 63 ang tinamaan sa ibayong-dagat: 

 Japan (59)
 United Arab Emirates (2)
 Hong Kong (1)
 Singapore (1)

Sa Pilipinas naman, umabot na sa 132 ang naka-admit na patients under
investigation kaugnay ng sakit.

 Cordillera Administrative Region (1)


 Cagayan Valley (2)
 Ilocos (1) 
 Central Luzon (1)
 National Capital Region (105)
 CALABARZON (5)
 Bicol (5)
 Eastern Visayas (2)
 Central Visayas (2)
 Northern Mindanao (1)
 Soccsksargen (1)

Kanina, matatandaang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles


na sinisimulan na ng Singapore ang ilang pag-aaral kung epektibong panlaban sa virus ang virgin
coconut oil.
COVID-19 sa Pinas, 33 na

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 33 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na, dalawa sa mga pasyente ang nasa kritikal na
kondisyon, isang Amerikano na may iba nang mga karamdaman bago pa nabatid na positibo ito
sa virus, at ang 62-anyos na Pilipino na una nang na-diagnose na may pneumonia, diabetes at alta
presyon.

Samantala stable naman aniya ang kondisyon ng 4th, 5th, 9th at 10th case sa bansa.

Isa raw sa mga posibleng dahilan kung bakit sa Metro Manila naitatala ang karamihan sa
COVID-19 cases sa bansa ay dahil nasa NCR aniya ang karamihan sa mga port of entry sa bansa.

Samantala, kabilang sa bagong nagpositibo ay isang seaman na taga-Imus City, Cavite na kauna-
unahang kaso sa lalawigan.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, dumaan ito sa Narita Airport sa Japan at kasalukuyang
naka-confine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Kabilang din sa nadagdag na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay tatlo sa Quezon City na ang
isa ay bumiyahe sa Switzerland habang ang isa ay walang travel history sa labas ng bansa pero
may mga nakasalamuhang mga bisita mula sa labas ng bansa noong Disyembre.

Samantala, may tig-isa na ring kaso sa West Crame, San Juan at Sta. Maria, Bulacan.

You might also like