You are on page 1of 1

SANCHEZ, Henrico Gustav Mikhail P. Dr. Fanny A.

Garcia
GEFILI1 C32 Marso 21, 2019

Vote for Scenarios, not candidates


Tesis
Ang pagboto sa nalalapit na eleksyon sa Mayo ay napakaimportante sapagkat ito ang
magbibigay-linaw sa magiging hinahaharap ng bansa sa susunod pang tatlong taon ng
administrasyong Duterte.
Abstrak
Ang kolumnista ay nagbigay ng apat na maaaring senaryo ng ating bansa sa
kinabukasan: ang kuyakoy, tiklop, bangon, at laban. Ang senaryong kuyakoy ay magaganap
kung hindi magpapatuloy sa pagiging awtoritaryan ng administrasyon at walang solidong
koalisyon laban dito. Magiging isang ordinaryong pangulo lamang si Duterte at stabilisado ang
maiiwan nitong gobyerno at ekonomiya. Ang tiklop naman ay mangyayari kapag natuloy ang
pagiging pro-Duterte ng administrasyon at may mahinang oposisyon. Dito, lalakas ang
impluwensya ng Tsina sa bansa at siyang magiging hudyat ng unti-unting pag-agnas ng
demokrasya sa bansa. Samantala, ang bangon ay may administrasyong hindi awtoritaryan at
may malakas na oposisyon. Magkakaroon ng paghina ng korapsyon, kawalan ng traksyon ng
maka-Tsinang mga programa, at matatapos ni Duterte ang kaniyang termino nang hindi
nakapagbibigay-sira sa estado ng bansa. Panghuli at ang pinakamatindi sa lahat ay ang laban
senaryo kung saan magkakaroon ng awtoritaryan na gobyerno at malakas na oposisyon laban
dito. Dito, ang patuloy na paglabag sa karapatang pantao ang siyang gigising sa tulog na diwa ng
pagkaPilipino ng mga tao. Lalalaban ito ng pamahalaan, ngunit siya ring magninitsa sa pagtapos
nito nang mas maaga sa 2022. Ang apat na senaryo na ito, ayon sa awtor, ang siyang dapat
isipin ng bawat botante sa Mayo at hindi lamang dapat magpokus sa mismong mga kandidato.
Reaksyon
Ang kolum na ito ay napaka-relevant sa kasalukuyang panahon kung saan nag mga
botante ay bumoboto lamang upang iboto ang mga tipo nilang pulitiko ayon sa itsura at
pangalan nito. Bukod pa rito, lantaran din sa ating sistema ang pagbili ng boto. Hindi naman
natin masisisi ang mga tumatangkilik dito dahil sa kahirapan ng buhay, ngunit dapat hindi ito
kinukunsinte ng pamahalaan.
Dapat ang eleksyon ay hindi lamang para maihalal ang mga taong sa tingin natin ay
nakapagduloy ng kukurampot na pagbabago (yung mga tipong at least may nagawa) at dapat
nating bigyang-pokus ang mga siyang may tunay na hangaring mabago ang estado ng mga
Pilipino sa bansa at hindi ang pansariling interes ang nasa puso.

You might also like