You are on page 1of 2

SANCHEZ, Henrico Gustav Mikhail P. Dr. Fanny A.

Garcia
GEFILI1 C32 Marso 14, 2019

THAT ‘SHAM GOLDEN AGE’


Tesis
Ang mga numerong pang-ekonomiya nung rehimeng Marcos ay direktang kumokontra
sa pananalig ng mga maka-Marcos na ang panahon ng diktadurya ay ang golden age ng
ekonomiya ng bansa.
Abstrak
Simula nang mapatalsik si Marcos sa pagkapangulo nung 1986, nahati na ang bansa sa
dalawa: ang mga loyalists at mga anti-Marcos. Ito ang nagbunga ng patuloy na dibisyon sa
paniniwala kung ano ba talaga ang nangyari nung panahon ng diktadurya. Kung bibigyang-
pokus ang mga numerong nailathala sa panahong ito, makikitang walang dulot na maganda ang
pamumuno ni Marcos. Kahit na siya ang nagtala ng pinakamataas na gross domestic product
(GDP) growth rate, siya rin ang nagkamit ng pinakamatinding pagbaba rin nito. Ganito rin ang
nangyari sa inflation kung saan nagsimula sa single-digit inflation rate ang Pilipinas, ngunit nang
matapos ang kaniyang termino naging double-digit na ito, at minsang umabot ng limampung
bahagdan. Inilatag din niya ang kaniyang mga programa at pinondohan ito gamit ang utang sa
ibang bansa, na siyang naging dahilan ng paglobo ng utang ng bansa mula sa pagiging $600
milyon nito noong 1965 sa pagiging $26 bilyon noong 1986. Naging sanhi ito ng iba’t ibang
masasamang epekto sa ating ekonomiya, ngunit, importante ring sabihin na ang mga
nakatataas lamang ang siyang nag-iisang nagbenepisyo sa halos dalawampung taong
panunungkulan ng diktador.
Reaksyon
Aaminin kong isa ako sa mga masasabing loyalist, ngunit ito lamang ay sa kadahilanang
ito ang nasabi sa akin ng pamilya ko ukol sa kaniyang pamumuno. Ito raw ang panahong kung
saan napakatahimik ng daan, napakamumura ng mga bilihin, at higit sa lahat, panahon raw na
tayo ay isa sa pinakamauunlad na bansa sa Asya. Kung kaya’t nakumbinse akong ang panahong
ito ay talagang napakaganda sa ating ekonomiya at siya naring nagdikta na isang pagkakamali
ang EDSA.
Ngunit, matapos kong basahin ang artikulong ito, at bilang isang taong talagang
naniniwala sa mga kapangyarihan ng mga numero, ‘tila hindi yata tama ang mga sinasabi sa
akin. Napalaki ng pinagbago ng estado ng ekonomiya bago siya umupo at matapos ito – at hindi
ito sa positibong punto. Sa tingin ko ay minana ng administrasyong Marcos ang isang
napakagandang ekonomiya mula kay Macapagal, ngunit siya rin itong winasak ng isang
gobyernong hindi nag-iisip ng bawat hakbangin nito.

1
Kung kaya’t napakaimportanteng isipin ng bawat gobyerno ang mga ginagawang
program at serbisyo nito, at kung paanong metodolohiya ang gagamitin upang pondohan ito.
Dapat ring tandaan na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang social class at siyang dahilan
dapat ng mas mabusising pagsasaliksik ng gobyerno sapagkat iba ang epekto ng isang
regulasyon sa isang class A sa isang class E. Dahil kung hindi ganito ang gagawin, maaaring
mareplika ng administrasyong ito ang nangyaring kamalian ng nakaraang rehimen.

You might also like