You are on page 1of 2

SANCHEZ, Henrico Gustav Mikhail P. Dr. Fanny A.

Garcia
GEFILI1 C32 Marso 28, 2019

PAG-UTANG NG BANSA SA TSINA


ISYU
Pinili ng administrasyong ito na umutang sa Tsina para sa mga proyektong pang-
imprastraktura nito kaysa sa mas makabubuting mga opsyon.
BAKIT KONTROBESYAL
Base sa mga datos, masasabing lamang ang makukuha ng Tsina sa bawat kasunduang
nilalagdaan ng bansa at kung gayon ay, masasabing nagpapaalipin tayo sa nasabing
superpower.
POSISYON
Base sa mga nailahad na mga datos at impormasyon ukol dito, masasabing mas pabor
lagi sa Tsina ang mga kasunduang nagaganap. Kung kaya, ako ay lubusang hindi sumasang-ayon
sa malalim na ugnayan na masasalat sa pagitan ng Tsina at Pilipinas partikular sa tila
pagpapaalipin ni Duterte sa presidente nito.
KOMENTO AT REAKSIYON
Isa sa mga nag-iisang dahilan ng administrasyong ito upang ipagpatuloy ang pakikipag-
relasyon nito sa Tsina ay dahil sa proyektong build, build, build. Ito raw ang solusyon sa
kakulangan ng pagpopondo sa proyektong ito. Hindi naman talaga masama na mangutang mula
sa ibang bansa upang masimulan na talaga ang pag-unlad ng kasalukuyang kalagayan ng
imprastraktura sa bansa. Ngunit, nakababahala na sa Tsina pa talaga nangutang ang bansa.
Pintakan tayo ng Tsina ng interes na 2%-3%, na napakalaki kumpara sa ibinibigay ng Japan na
umaabot lamang ng 0.25%-0.75%. Bukod pa rito, kasama rin daw dapat sa bawat proyekto na
mayroong mga manggagawang Tsino sa manpower nito at ang mga materyales na gagamitin ay
dapat mula sa isang kompanyang Tsino.
Itong galaw ng Tsina na ito ay hindi luma sapagkat ito ang kanilang ginawa sa Sri Lanka
kung saan nabaon ang nasabing bansa sa utang nito sa Tsina kung kaya nagbigay ito ng paupa
sa Hambantota Port nito para sa 99 na taon. Kung nasa interes naman talaga ng pamahalaan na
paunlarin lamang ang kalagayan ng bansa, hindi hamak namang mas maganda ang sitwasyon
kung sa Japan mangungutang, hindi ba? Pero, nakapagtataka na kinakailangan nating
mangutang sa isang bansang halatang may iba pang gustong makuha bukod sa interes na
makukuha nito.
BIBLIOGRAPHY

1
ABS-CBN News. (2018). Pagdami ng mga manggagawang Chinese sa bansa, iimbestigahan sa
Senado. Kinuha noong Marso 9, 2019 mula sa https://news.abs-
cbn.com/news/11/25/18/pagdami-ng-mga-manggagawang-chinese-sa-bansa-
iimbestigahan-sa-senado
Aurelio, J. (2018). Duterte: PH enjoying relationship with China. Kinuha noong Marso 9, 2019
mula sa https://globalnation.inquirer.net/170681/duterte-ph-enjoying-relationship-
with-china?utm_expid=.XqNwTug2W6nwDVUSgFJXed.1
Bigornia, D. (2019). Ilang senador binatikos ang pahayag ni Duterte ukol sa Chinese workers.
Kinuha noong Marso 9, 2019 Mula sa https://news.abs-cbn.com/news/02/25/19/ilang-
senador-binatikos-ang-pahayag-ni-duterte-ukol-sa-chinese-workers
Cigaral, I. (2018). China calms ‘debt trap’ fears: Natural sources won’t be used as collaterals.
Kinuha noong Marso 9, 2019 mula sa
https://www.philstar.com/headlines/2018/03/10/1795434/china-calms-debt-trap-
fears-natural-resources-wont-be-used-collaterals?
fbclid=IwAR1ERGxUR7MMjwS6fCLJ0ygBw3zVVDPREmXBI-Ke50e7mVTciAP8TDUg84g
Heydarian, R. (2019). Duterte’s pivot to China less than meets the eye. East Asia Forum, p. 4-8.
Ibarra, E. J. (2017). The Philippines’ “Pivot” to China: A review of perspectives. Center for
International Relations and Relates Studies, Vol 6 (9).
Lorenciana, C. (2018). Economist: Phl falling into China’s debt trap. Kinuha noong Marso 9, 2019
mula sa https://www.philstar.com/the-freeman/cebu-
business/2018/06/29/1828823/economist-phl-falling-chinas-debt-trap?
fbclid=IwAR1jyODBhPhzr48zU84stFiHNwqV6UIRvm6YS3uMl8L2bTjN04nEJteRA5A
Manabat, J. (2018). Pagdami ng mga manggagawang Tsino sa bansa, dapat bang ikabahala?
Kinuha noong Marso 9, 2019 mula sa https://news.abs-
cbn.com/business/11/20/18/pagdami-ng-mga-manggagawang-tsino-sa-bansa-dapat-
bang-ikabahala
Ranada, P. (2018). Duterte: 'I need China'. Kinuha noong Marso 8, 2019 mula sa
https://www.rappler.com/nation/199873-philippines-duterte-need-china-xi-jinping
Roberto, F. (2018). TIMELINE: Philippines-China relations under Duterte. Kinuha noong Marso 8,
2019 mula sa https://www.rappler.com/newsbreak/iq/209026-timeline-philippines-
china-relationship-duterte-administration

You might also like