You are on page 1of 1

SANCHEZ, Henrico Gustav Mikhail P. Dr. Fanny A.

Garcia
GEFILI1 C32 Marso 28, 2019

PUNYAL NA PUROL
SIPI NG REAKSYON
“Kung ako ang tatanungin, sa tingin ko ang arsobispo ay tila tinatali ang kaniyang sarili sa
pagtugon sa ginawa ng pangulo.”
REAKSYON
Ang nasabing bidyo ay tumatalakay sa tugon ni Socrates Villegas, ang arsobispo ng
Lingayen-Dagupan, sa mga pagmumura at panghihimutok ni Pangulong Duterte sa mga obispo
ng simbahang Katolika. Kung ako ang tatanungin, sa tingin ko ang arsobispo ay tila tinatali ang
kaniyang sarili sa pagtugon sa ginawa ng pangulo. Naiintindihan ko namang siya ay isang pari at
nararapat lamang na siya ay kalmado at mahinahon sa bawat kilos, ngunit kung gagawa ka ng
ganitong uri ng protesta ay parang niloloko mo lamang ang iyong sarili. Sa bidyo ay gumamit
lamang siya ng mga parte mula sa bibliya at sinusunod ang mga clips ni Duterte na nagmumura.
Para sa akin ay walang kuwenta o sense ang mga ito sapagkat bakit hindi niya pa direktang
tugunan ang ginawa ng pangulo?
Kung ako nasa paa ni Villegas ay mas mararapatin kong sapulin mismo ang ginagawa ni
Duterte at sabihin ng tapat ang aking mga hinaing. Kung ito ang gagawin, mas magiging
kongkreto ang sarili kong pananaw at naipabatid ko ng buong-buo ang nais kong sabihin sa
aking mga taga-sunod at iba pang mga Pilipino.
BIBLIOGRAPHY
Layug, M. C. (2019). Palace responds to Church leaders' criticisms by using Bible quotes. Kinuha
noong Marso 26, 2019 mula sa
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/687016/palace-to-archbishop-
villegas-thou-shall-not-judge-those-without-sin-should-cast-first-stone/story/?trending
Latest Bytes YT. (2019). 'Are you going to betray God again?' By Archbishop Villegas [Bidyo].
Kinuha noong Marso 26, 2019 mula sa https://www.youtube.com/watch?
v=69nlq1x4fCM

You might also like