You are on page 1of 2

Materials: Charcoal(Medium), Staedtler graphite pencils(8B and 6B), Mongol 2, Flat brush, Round Brush,

Pen without ink, Kneaded eraser, Ruler, and 12x18 sketch pad.

Bukod sa dun sa "Fearless" this is my second challenge which is much difficult dahil sa details kaya
nagdecide ako na gumamit ng grid lines. Isa pang challenging, mas malaki yung papel 😆.

Share ko lang technique ko, so paalala: kung di ka interesado wag mo nalang basahin haha jk, sige
bahala ka lang😆.

Unang-una, kailangang maiprepare yung nga materials at yung SIPAG. Ayan all caps para damang-dama.
Kahit ba sobra o konting sipag, ok na yan, basta sure kang matatapos mo. Di na uso ang foreverrr...🧐🙄.
Forever Wip hehez😅.

Pagdating sa pagssketch na ng outline, kung gusto mong maging kalook-a-like yung drawing mo at
reference mo, mag-grid ka lang pero kung malupit ka magfreehand 😱, e di ikaw na! Jk,basta kung saan
ka comfortable, dun ka😊. Nyiew.

Ayan pagdating sa shading naman. Kahit saan pwede kang magsimula. Pero mas ok kung right hander
ka, magdraw ka from left-right. Pero kung left-hander ka, from right-left naman. Para maiwasan na rin
yung magdumi ang drawing mo at magkaroon ng pasa na parang binugbog. Sa drawing ko, since right
hander ako, left-right ginawa ko na pababa(combination ba). Nauna halos yung buhok. So sa buhok na
magulo na hindi napuyudan, gumagamit ako ng gtec na .3 na walang ink(opkors) para mas realistic. Mas
maraming strands, mas ok(depende sa reference). After nun, nagapply ako ng charcoal powder, sunod
ang mongol, then 6B, last ang 8B para sa dark na parts. Kung saan papunta ang buhok, dun ka narin
syempre. Wag kang lilihis sa iba.

Para sa skin tone naman. Mas trip kong gumamit ng round brush. Mas maganda kung maraming sizes
para sa details. Hindi ko minamadali ang pagaapply ng charcoal powder para soft lang, swabehh kung
baga, kaya sobrang daming layers nyan. Mga bente. Kapag nakuha mo na yung tone na gusto mo, dun ka
lang gagamit ng eraser para sa highlights. Kailangang careful ka lang para di masira drawing mo(lalo na
kung perfectionist ka haha, pero walang perfect mga zer).
Lastly, di mo kailangang iforce yung sarili mo na magdraw ka maghapon o tapusin ng mabilis yung
drawing mo. Magdrawing ka lang kapag nasa mood ka hehe. Lalo na kung masipag kang gumawa ng
gawaing bahay(katulad ko☺️) ay malamang mahahati oras mo. Pero wag mong kalilimutang tabunan
yung drawing mo kapag aalis ka. Baka kasi pagbalik mo, may jerbaks na ng kung ano dyan o anumang
trahedya ang dumating (sakit nyan sa hart 💔.) Ayun lang. Isang malaking SKL! Kung may iba pang
katanungan, ask lang kayo. Try kong sagutin huehue 😊.

Ps. Di pa po ako mamaw, share ko lang knowledge meron ako 😊.

You might also like