You are on page 1of 1

Napakalaki ng impak ng COVID 19 sa ekonomiya

Marami sa atin ang hindi nakapaghanda sa paparating na krisis na kakaharapin ng ating


bansa, hindi maikakaila na lubha tayong nahihirapan sa ating sitwasyon dahil sa pagdating ng
COVID 19. Ang sakit na ito ay lubhang nakakahawa kung kaya’t kinakailangan mag-ingat ng
bawat isa sa atin. Ito ay malaking suliranin sa ating mga Pilipino sapagkat alam naman natin ang
napakarami ng bilang ng populasyon sa ating bansa. Dikit dikit ang mga tao, bahay,
establisyimento at ang sakit na ito ay napakadaling makuha kung ang nagdadala nito ay malapit
sa’yo. Malaki na ang naging epekto neto sa ating lahat hindi lang sa ating sarili kundi pati narin
sa ating mga pamilya hanggang sa ekonomiya ng ating bansa.

Tayo ay kabilang sa tinatawag na “3rd world countries” kung saan napakaraming pamilya
ang isang kahig isang tuka at hindi kayang mamuhay ng pang araw araw kung hindi
makakapaghanapbuhay, bagay na ipinagbawal ng gobyerno upang maprotektahan hindi lang sila
kundi ang buong bansa kung kaya’t napakahirap labanan ng sakit na ito lalo na at hindi ito
nakikita. Sa kabila ng lahat ng ito, naglabas ang ating gobyerno ng pondo na Php275 billion na
budget mula sa koleksyon ng 2nd, 3rd, at 4th quarter ng nakaraang taon ngunit hindi kasama dito
ang budget para sa krisis na ating kinahaharapan sapagkat hindi naman natin ito inaasahan. Eto
ay inaprubahan ng kongreso para suporatahan ang 18million low-income households sa kabila ng
ating Enhanced Community Quarantine. Dahil sa COVID 19 crisis, tumagos ang epekto ng sakit
na ito sa mga manggagawa na pawang nawalan ng trabaho maging sa budget deficit ng bansa.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na mula sa gross domestic product (GDP) growth
nasa 1.2-million din aniya ang temporary unemployment ng Pilipinas dahil sa nararanasang
krisis na ani Dominguez ay kanilang ikinumpara sa lowest unemployment rate na naitala ng
bansa. Tiyak din aniyang lalaki ang budget deficit na mula sa 3.2 percent ay maaaring pumalo sa
5.3 percent na kasingkahulugan na mas maraming palabas na pondo kaysa sa malilikom na kita
ang gobyerno.

Makikita natin sa mga nakalahad na impormasyon na lubhang naapektuhan ang ating


ekonomiya ngunit lahat ng tao ay kailangan magsakripisyo at magtulungan para malampasan
lahat ng ito. Kailangan lang magdasal ng bawat isa sa atin upang maging maayos na ulit ang
lahat at matuto tayong sumunod sa batas para mas mapadali ang pagpapatigil at pagpatay sa
microbyo na umaatake sa ating ekonomiya lalo na sa ating bansa.

You might also like