You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

SY: 2019 – 2020


MTB

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat: __________


Paaralan: Daet Elementary School Iskor: _____________

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang mga katanungan.


Tuwing Sabado at Linggo, sina Buboy at Baby ay tumutulong sa gawaing bahay. Si Buboy
ay nagdidilig ng mga halaman, samantalang si Baby ay nagwawalis sa bakuran. Pagkatapos, sila
ay sabay na nagpapakain ng kanilang mga alagang manok, bibe, at gansa. Tuwang-tuwa silang
ginagampanan ang kanilang mga gawain sa bahay.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
a. Buboy at Ana b. Buboy at Baby c. Buboy at Nene

2. Saan naganap ang kuwento?


a. Sa bahay b. Sa paaralan c. Sa palengke

3. Alin ang totoong nangyari sa kuwento?


a. Tumutulong sila sa kanilang tindahan
b. Tuwang-tuwa nilang ginagampanan ang kanilang gawain sa bahay
c. Sabay silang nagpapakain sa mga alagang baboy, aso, at kambing

4. Ano ang katangian ng dalawang bata?


a. Matapat at masipag
b. Mabait at palakaibigan
c. Masipag at matulungin

5. Ano ang mararamdaman ng kanilang mga magulang kung palaging ganito ang
kanilang ginagawa?
a. Malungkot b. Matutuwa c. Magagalit

6. Alin sa mga gawain nina Buboy at Baby ang huling nangyari?


a. Nagdidilig ng mga halaman
b. Nagwawalis sa bakuran
c. Nagpapakain ng mga hayop
Basahin ang liham at sagutin ang mga katanungan
Enero 2, 2020
Mahal kong Ninong at Ninang,
Maraming-maraming salamat po sa ibinigay ninyong regalo sa akin noong
nakaraang Pasko. Iingatan ko po ang manikang ito.
Mahal na mahal ko po kayo.
Nagmamahal,
Abby
Page 1 of 4
7. Anong uri ng liham ang nasa itaas?
a. Liham pasasalamat b. Liham paumanhin c. Liham paanyaya

8. Kalian ginawa ang sulat ?


a. Enero 2, 2000 b. Enero 2, 2019 c. Enero 2, 2020
Isulat ang simula, gitna, at wakas.
9. Dahil sa katuwaan sa paghanga ng mga tao ibinuka ni pagong ang kanyang bibig at
siya ay nahulog.
10.Matagal nang pangarap ni pagong ang makalipad at makarating sa kalangitan
kapantay ng mga ulap.
11.Humingi ng tulong si pagong sa mga ibon kaya inilipad siya gamit ang isang patpat.

Ayon kay Gng. Diaz ang kanyang anak ay na-dengue.


12.
Alin ang pang-ukol sa pangungusap?
a. Ayon kay b. Gng. Diaz c. na-dengue

13.Ang gamot na ito ay para kay Nicole Diaz. Ang katagang “para kay” ay tinatawag na
a. Pangngalan b. pandiwa c. pang-ukol

14. Nakagat ng lamok si Nicole Diaz kaya siya ay na-dengue.


Alin ang bunga sa pangungusap?
a. Nakagat ng lamok si Nicole Diaz
b. Siya ang na-dengue
c. Siya ay nakagat kaya na-dengue

Nagsilikas ang mga tao lalo na ang mga nasa mababang


15. lugar dahil malakas ang bagyong darating.
Ang may salungguhit ay
a. Sanhi b. Bunga c. Pang-ukol

16.Isinugod sa hospital si Nicole ng kanyang mga magulang at binigyan siya ng


pangunahing lunas. Ano ang maaaring maging wakas nito?
a. Gagaling na si Nicole sa kanyang sakit
b. Lalala ang kanyang sakit
c. Hindi na lalabas ng hospital si Nicole

Patalastas
PAMBAYANG PALIGSAHAN SA PAGBASA NG KUWENTO
Ipinagbibigay alam na magkakaroon ng pambayang palligsahan ng pagbasa sa
Filipino na gaganapin sa Enero 26, 2020 sa ganap na 1:00 ng hapon sa Covered
Court ng Daet Elementary School

Page 2 of 4
17.Ano ang paksa ng patalastas?
a. Pambayang paligsahan sa pagtula
b. Pambayang paligsahan sa pagbasa
c. Pambayang paligsahan sa pag-awit

18.Kalian at saan ito gaganapin?


a. Enero 26, 2020 sa ganap na 2:00 ng hapon
b. Enero 26, 2019 sa ganap na 1:00 ng hapon
c. Enero 26, 2020 sa ganap na 1:00 ng hapon

19.Sino ang maaaring sumali?


a. Mga kabataan b. Mga matatanda c. Lahat ng interesadong sumali

20.Ano ang ibig sabihin ng patalastas?


a. Programa b. Anunsyo c. Pinagmulan ng
kuwento

21.Alin sa mga larawan ang may kambal katinig?

a. b. c.

22.Mabaho ang basahang trapo. Ang may kahon ay


a. Kambal katinig . b. Pang-uri c. Pandiwa

23.Tumunog ang telepono isang umaga, sa pagsagot nito, ano ang iyong sasabihin?
a. “Magandang umaga po. Maaari po bang malaman kung sino sila?”
b. “Magandang umaga. Sino sila?”
c. “Sino sila?”

24.Nais mong malaman ang mensahe ng tumatawag para sa iyong kapatid. Ano ang
iyong itatanong?
a. “Ano ang gusto ninyong sabihin?”
b. “Bakit ka tumatawag?”
c. “Maaari ko po bang malaman ang mensahe para sa aking kapatid?”

25. Nasaan ang lapis?


a. Nasa loob ng pencil case
b. Nasa tabi ng pencil case
c. Nasa ilalim ng pencil case

Page 3 of 4
26. Alin ang wastong paglalarawan dito?
a. Ang puno ay nasa ibabaw ng bahay
b. Ang puno ay nasa ilalim ng bahay
c. Ang puno ay nasa tabi ng bahay

27.Isang hapon, inutusan ng nanay si Tino na bantayan ang kanyang sinaing. Maya-maya
tinawag siya ng kalaro subalit hindi siya sumunod sa kanila dahil hindi pa luto ang
sinaing. Ano ang wakas ng talata?
a. Natuwa ang nanay kay Tino at pinasalamatan siya nito
b. Nasunog ang sinaing at napagalitan si Tino
c. Hindi nila makain ang kanin dahil sunog ito
Alin ang salitang ugat ng mga sumusunnod
28.Pagkaubos= a. kaubos b. pag-ubos c. ubos
29.Tumatakbo= a. takbo b. tatakbo c. takbuhin

30.Sipiin sa paraang kabit-kabit


Masaya ang Pasko sa Pilipinas.
___________________________
___________________________

Inihanda ni:
Leny P. Cagalpin
Teacher III
Daet Elementary School
Pinagtibay ni:
Melicia A. Ibasco

Page 4 of 4

You might also like