You are on page 1of 3

ARTICLE 3

BILL OF RIGHTS

Section 2
“The right of the people to be secure in their persons, houses,
papers and effects against unreasonable searches and seizures of
whatever nature and for any purpose shall be inviolable and no
search warrant or warrant of arrest shall issue except upon
probable cause to be determined personally by the judge after
examination under oath or affirmation of the complainant and the
witnesses he may produce, particularly describing the place to be
searched and the person or things to be seized”

EXPLAINATION
Ang ARTICLE III – Section 2 ay isinabatas upang
maprotektahan ang pansarili, pribado at kabanalan ng isang tao,
kanyang bahay at ibang pagmamay-ari (papel, dokyumento at iba
pa) sa di makatwiran o di makatarungan na paghihimasok ng ibang
tao o ng mga awtoridad.

SEARCH WARRANT
Isang kautusan na nakasulat kung saan naglalaman ng
pangalan o lugar na may kaugnayan sa kaso, may pirma ng judge, at
ibinigay sa awtorisadong tao na naglalaman ng pagbibigay
pahintulot o karapatan na halughugin, pasukin o hanapan ang isang
lugar na naglalaman ng maaaring gamitin o dalhin sa korte upang
magamit sa paglilitis ng kaso.

WARRANT OF ARREST
Isang nakasulat na kautusan na nagbibigay pahintulot sa isang
awtoridad na hulihin o dalhin sa korte ang isang tao upang tanungin
o paaminin sa nagawang paglabag sa batas. Ito ay ibinibigay ng
judge na naniniwala o nakita na may sapat na dahilan upang isipin
na nasangkot o kasali ang isang tao sa isang gawain na labag sa
batas.

Mga bagay na kailangan upang ibigay ang search warrant or warrant


of arrest
1. May sapat na dahilan
2. Ang sapat na dahilan na ito ay dapat natukoy o napatunayan ng
judge.
3. Ang judge ay suriin sa ilalim ng panunumpa o paninindigan ang
nagrereklamo at ang kanyang testigo na totoo ang kanilang
sasabihin o gagawin upang mabigyang patunay ang dahilan ng
pagbibigay ng warrant.
4. Ang warrant ay dapat naglalaman ng eksaktong pangalan ng
tao, posibleng lugar o bagay na pwedeng gamitin o dalhin sa
korte.
May mga pagkakataon na di na kinakailangan ng warrant of arrest
upang arestuhin ang isang tao, tinatawag itong “CITIZEN ARREST”.
Pinayagan lang ng korte ito kung:
1. Flagrante Delicto (Caught in the act)
- Ang huhulihin ay naabutan sa akto na gumawa,
ginagawa o nagpla-plano na gawain ang isang krimen o
labag sa batas
2. Arrest of Fugative o Pag-aresto sa isang tumukas
- Kung ang huhulihin ay tumakas na isang preso na
nakakulong pansamantala habang nililitis o dinidinig
ang kanyang kaso, nabigyan nan g huling hatol na
pagkakabilanggo o preso na tumakas habang inililipat
ng ibang kulungan.

Klase na pwedeng gamiting patunay o ebidensya sa korte


Admissible Evidence – mga ebidensya na magpapatunay o
magpapatibay sa gagawing hatol ng korte.

Excluded Evidence – mga ebidensyang maaring gamitin sa korte


pero may posibilidad na hindi makaapekto sa gagawing hatol ng
korte.

Good Faith – Ang salaysay na makatwiran at katotoohanan na


walang balak iligaw ang usapin para sa gagawin na hatol.

You might also like