Pag Asa WPS Office

You might also like

You are on page 1of 3

Bayang Limot ang Sandaling Kasiyahan

Orihinal na panulat ni Ginoong Marvin Daus Tabilin

Isang Mundong di alintana ang problema

Mga tao'y nagsasaya di batid ang twina

Tanging namumutawi ang interes sa kapwa

Pansariling pangangailangan nalimutan nalng bigla

Isang balita ang yumanig sa bansa

Kakaibang uri ng sakit ay naitala

Iba ibang kasipan ang nabuo

Sa isip ng tao itoy gumulo

Ano? Sino? Saan ? Ang sambit ng mga tao

Wariy nais maunawaan ang pinagmulan nito

Pangalan na nais malaman ng sinuman

Si Covid na pala ang manlulupig na tinala

Kasiyahan ng bawat isa ay nawala

Trabaho, establishimento, komersyo naisakripisyo,

Ating puksain si Covid na magaling

Pero kailangan batas ay sundin

Simpleng utos hirap talimahin

Sakit na kumakalat ikay aatakihin

Katawang lupa moy uupusin

Hanggang sa pagkamatay moy hirap ka parin


K kakaramput lang na hiling ng pamahalaan

Ikay sumunod sa patakaran

Isang sakripisyo para sa lahat

Sumpang sakit na itoy mawawakasan

Iyong repasuhin paghihirap ng unang hanay

May pamilya din kailangan ng alalay

Pagmamahal sa bayan kanilang pinamalas

Walang katapusang pasasalamat aking ipabubulalas.

Malaking pagbubunyi para sa lahat

Di nakikitang kalaban ay nasalat

Ating ideklara ang ating kalayaan sa kadenang ito

Bayang Pilipino ay siyang magtatagumpay

You might also like