You are on page 1of 4

Pangalan: _________________________________________ Petsa: ________________

Teacher Ronalyn A. Amador Baitang at Pangkat:__________________

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag – unlad ng
bansa?
A. Manuod ng telebisyon hanggang hatinggabi
B. Mag ehersisyo at kumain ng masustansiyang pagkain
C. Gumamit ng ipinagbabawal na gamut
2. Inutusan ka ng iyong kapatid na bumili ng pagkain sa tindahan na nasa kanto malapit sa inyo.
Ano ang iyong gagawin?
A. Iuutos uli ito sa isang kapatid
B. Sundin ang inuutos ng kapatid
C. Sumakay sa jeep dahil mainit maglakad
3. Bakit mahalaga ang muling paggamit ng bagay na patapon na?
A. Mas mahusay ang mga bagay na biniling bago
B. Higit na matibay ang mga ni-recycle na kagamitan
C. Nakababawas ito sa basura at napapakinabangan muli ang ibang gamit.
4. Binigyan ka ng proyekto ng inyong guro, hindi mo maintindihan ang paliwanag kung paano
ito gagawin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipauulit sa guro ang paliwanag upang maintindihan ito
B. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang
C. Hindi na gagawin ang proyekto.
5. Sino sa mga sumusunod ang makatutulong sa pag unlad?
A. Pinagbubuti ni Helen ang kanyang trabaho sa opisina kahit walang nakakakita
B. Laging huli kung pumasok sa trabaho si Pepe
C. Laging binibilang ni Pedro ang bilang ng kaniyang ipinagtatrabaho.

You might also like