You are on page 1of 1

MARSO 2, 1995 – PAGDIRIWWANG NG IKA – 243 TAONG PAGKAKATATAG NG SAN JOSE DEL MONTE

Ang Pagkakatatag ng San Jose del Monte bilang Pueblo

Isang malaking pagkakamali ukol sa kasaysayan ng San Jose ang naitama noong taong 1995 nang
pagtibayin ng Konseho ng bayan ng San Jose del Monte, ang Kapasiyahan Blg. 13-02-95 na nagbabago sa
taon ng pagkakatatag ng bayan mula sa 1918 tungo sa 1752. Kasabay nito ay ang pagbabago rin ng taon
sa opisyal na sagisag ng bayan noon (bago maging lunsod).

Sapagkat mula 1903 hanggang 1918, ang bayan ng San Jose del Monte ay naging bahagi ng bayan ng Sta.
Maria ayon sa Act No. 932 (Oct. 8, 1903. Philippine Commission, pamahalaang Amerikano sa Pilipinas
noong mga panahong iyon) na nagsasaad na ang 25 munisipalidad ng Bulacan ay gagawin na lamang 13.
Nang muling magsarili ang San Jose del Monte noong 1918, ito na ang ginawang foundation date ng San
Jose del Monte at sa paglipas ng panahon ay nalimutan na na ang bayang San Jose ay nag-eexist na
talaga panahon pa lang ng mga Kastila.

Sa tulong ng ilang mga nagmamalasakit na mamamayan ng San Jose del Monte ay natuklasan sa
bandang huli ang tunay na taon ng pagkakatatag ng bayan kung kaya't nagkaroon nga ng mosyon na
itama ito. May mga ebidensiyang natagpuan sa Pambansang Sinupan (National Archives), partikular na
ang "Erreccion de Pueblo, Bulacan" na magpapatunay dito.

Ang San Jose del Monte ay ang ika-apat sa matandang bayan na itinatag ng mga Paring Fransiskano sa
lalawigan ng Bulacan: Meycauayan (1578), Bocaue (1606), Polo (1623), San Jose del Monte (1751),
Obando (1753), Sta. Maria (1792), Marilao (1796).

http://sanjosedelmonte.blogspot.com/2012/04/ang-pagkakatatag-ng-san-jose-del-monte.html

MARSO 3, 1575 – ANG PAGIGING TIRAHAN NG CALUMPIT NG MGA PARING AGUSTINO

Ayon sa kasaysayan ay Calumpit ang pinakaunang bayan ng Bulacan at pinagsimulan ng kristiyanismo,


idineklara bilang parokya sa ilalim ng Tondo noong Mayo 3, 1572.

Noong Marso 3, 1575 ay nabuo ang kumbento ng Calumpit at isinanib ang mga bayan ng Candaba at
Macabebe na naunang tinawag na San Nicolas de Tolentino at noong Disyembre 31, 1576 ay tinawag
nang La Casa de San Juan Bautista ang naturang kumbento.

https://lakadpamana.wordpress.com/tag/simbahan/

You might also like