You are on page 1of 4

ANGELES UNIVERISTY FOUNDATION

McArthur Highway, Angeles City


College of Education

Detalyadong– Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Ika-7 Baitang
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang yamang-tao sa pagpapaunlad ng kabuhayan
at lipunan sa kasalukuyang panahon.
 Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa
Asya.
 Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog
ng kultura ng mga Asyano.
I. Paksang Aralin
Paksa: Yamang tao at Kaunlaran
Sanggunian: Araling Panlipunan: Asya Lupang Biyaya pp, 6-18
kagamitan: PowerPoint Presentation, Laptop
II. Pamamaraan
a. Balik Aral
Bago simulan ang aralin, tatanungin ang mga estudyante ukol sa
likas na yaman kung ano-ano ang mga likas na yaman sa asya.
Inaatasan ang mga estudyante na ilahad ang kanilang mga
nalalaman ukol dito.
b. Pagganyak
1. Hihingkayatin ng guro ang mga estudyante sa paraang paglalaro
ng “crossword puzzle”.
M M I N E R O H D Y
A N I R V A N A H Q
N A N J P M L Z B K
A M E T A R D N A I
N E K A G T A Q S B
A D P A T R I C I U
H N O H B O M I Y M
I Y P R O D U K T B
X D K A L I D A D E
R N G U R O E Q O R
H A N J P A T Z H O
E M E T A R D N A I
Q E K A G T A Q S T
P A N A D E R O K A
T N O H B K M L Y L
P Y P R O D U K T O

2. Itatanong sa mag aaral kung anong salita ang kanilang nahanap


na maaring iugnay sa yamang tao at alamin kung ang mga
nahanap na salita.
c. Paglalahad
Ang tatalakayin ay ukol sa konsepto ng yamang tao at
kaunalaran.
Ang yamang tao ay tumutukoy ito sa bilang o pangkat ng tao na
may kakayahang maghanapbuhay upang mapa-unlad ang sarili at
ang lugar na kinabibilangan. Ang yamang tao ay gumagamit ng
talino, kakayahan, kasanayan, ablidad at lakas sa paglikha ng
produkto at lakas. Sa tao nakasalalay ang maayas na paggamit ng
likas na yaman upang makamit ang tunay na kaunlaran. Ang mga
halimbawa ng mga yamang tao ay guro, minero, bumbero,
panadero at mananahi.
Ang mga Asyano ay katangi-tangi. May sarili silang awit, tula,
pangarap at adhikaing hangaan. Sila ay mga taong may
maningning na kinabukasan sa lahat ng larangan. Marahil sila ay
marami ng pinagdaan na mga digmaan at mga mabibigat na
suliranin. Subalit ang mga Asyano ay tumatayo, taas-noo, at
humahanap ng solusyon.
Ang Asya ang may pinakamataong kontinente, dito
matatagpuaan ang lahat ng lahi. Pinagpala ng Diyos ang Asya
bilang siyang lunas ng sangkatauhan, sibilisasyon, at relihiyon.
Sa Asya matatagpuan ang lahat ng mga lahi ng tao. Ang lahing
kayumanggi ay kinakatawan ng mga Pilipino, Malaysian at
Indonesian. Ang lahing dilaw ay makikita sa Tsina at Hapon. Ang
sangang Aryan, o Indo-European, ang lahing puti ang kinakatawan
ng mga afghan, Iranian at Indian. Ang sangay Semitiko ng lahing
puti ang kinakatawan naman ng mga Arabo, Hudyo, Iraqi at Syrian.
Ang Asya ang pinakamataong kontinente sa mundo. Mahigit sa
kalahati ang nakatira sa Asya. Ayon sa pinakahuling estadistikang
demograpiko, mula sa kabuuang pandaigdig na populasyon na 5.85
bilyon, 3.5 bilyon ang nakatira sa Asya. Isa pang kawili-wiling
katotohanan ay kalahati ng 3.5 bilyon na Asyano ay nakatira sa
dalawang bansa lamang sa Tsian at India.
Sa pangkalahatan, ang natatanging mga ugaling Asyano ay ang
pagiging espirituwalidad, matadhanain, istoisimo o pagkamatiisin,
mabuting pagtanggap o kagandahang loob sa mga bisita,
masaklaw na mga relasyong pampamilya, diwa ng pagpapatuloy at
di tuwirang pagpapaliwanag o pangangatuwiran.
Ang mga literatura’t wika sa Asya ay kumakalat mulab sa apat
na dakilang sibilisasyon ng Mesopotamia, Persiya, India at Tsina.
Ang islam at ang Buddhismo ay nagdala ng digri ng pagbubuklod sa
magkakaiba-ibang mga literature ng sari-sariling bansa.
d. Panlinang na Gawain
Ang guro ay magbibigay ng aktibidad at aalamin kung mayroong
natatandaan ang mga mag-aaral ukol sa kaniyang tinakalay tungkol
sa mga iba’t ibang lahi ng Asya. Pagtapat-tapatin sa pamamagitan
ng paglalagay ng guhit na magkatugmang bilang at titik sa Hanay A
at Hanay B.
e. Panglahat
Ang guro ay babalikan ang mga pinag aralan at itatanong sa mga
mag aaral kung ano ang yamang tao at kaunlaran, populasyon at
ang mga natatanging mga ugaling Asyano.
III. Pagtataya
Test I. Multiple choice
Panuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.

1. Sino ang umaapula sa mga nasusunog na bahay at iligtas ang


nasusunugan upang maiwasan ang kaguluhan?
a. Inhinyero c. Guwardiya
b. Pulis d. Bumbero

2. Sino ang gumagawa sa ating mga kasuotan?


a. Estudyante c. Guro
b. Mananahi d. Doktor

3. Sino ang gumagawa ng mga tinapay?


a. Panadero c. Piloto
b. Minero d. Nars

4. Sino ang nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral?


a. Librarian c. Punong Guro
b. Guro d. Pangulo

5. Ang kanyang pangunahing hanapbuahy ay maghanap ng mga


ginto, pilak, at iba pang mahahalagang bato upang ibenta.
a. Minero c. Inhinyero
b. Panadero d. doctor

Test II. Sanaysay


Panuto: Ano ang mga komposisyong pangkat etniko? Bakit sila
itinuturing yamang tao ng isang bansa? Palawakin ito. LIMANG
PUNTOS.

Test III. Tama o Mali


Panuto: Isulat ang “Tama” kung ang pahayag ay angkop, at kung
ang pahayag naman ay hindi angkop isulat ang “Mali”.
__________1. Ang mga literatura’t wika sa Asya ay kumakalat sa
anim na dakilang sibilisasyon.
__________2. Ang mga Sumerian ang nag-imbento ng cuneiform na
pagsulat at nagsagawa ng nasusulat sa mga reord mula pa noong
ikatlong siglo.
__________3. Buddhismo at Hinduism ang nagdala ng digri ng
pagbubuklod sa magkakaiba-ibang mga literature ng sari-sariling
bansa.
__________4. Kuneiporme ay isa sa mga pinakamaagang sistema
ng pagsulat. Ito ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian.
__________5. Ang literature ng Babylonia at Assyria ay binubuo ng
mga elehiya, himno, awit ng papuri sa mga hari at epiko.
IV. Takdang Aralin
Ang guro ay magbibigay ng takdang aralin sa mag-aaral upang
maihanda ang mga ito sa susunod na aralin.
Hanapin ang Kahulugan ng konsepto ng kabihasnan sa Asya at
ang katangian nito.

You might also like