You are on page 1of 8

Narrator: Dear Papi Piper, Ako si Ivy.

Isa akong gimikira, mahilig pumorma at


balewala lang saken ang pera. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal ay
mahahanap ko lang sa kasiyahan. Maraming nagkakagusto sa akin . Sino ba naman
ang hindi mahuhulog sa mala-porselana kong kutis at balingkinitang katawan. Sabi
nga nila kahulma ko daw si Emma Watson. Chourz. Sa dami-dami ng nakalandian ko
wala akong sineryoso. Dahil takot din akong maiwan, katulad ng ginawa ng tatay ko
mula ng bata pa ako. Anyways, tuloy pa din ang buhay, rampa parin ng rampa
meron naman akong guardian bestfriend na makaasta na parang santo. Bestfriend
nalang inaasahan ko kasi ultimo nanay ko wala akong mapapala. Although
binibigyan ako Ng pera pero hindi sapat. Hindi sapat para sa mga luho ko. Kaya mej
hindi ako makasakay sa mga gimik ng tropa ko. Hays buhay nga naman.
(Sound effects: open door)
Nanay: Wow madam goodmorning , nakahanda na po ang breakfast mo. Mukhang
pagod na pagod ka na naman. Kasi
Nanay and Ivy: gumimik ka na naman! Para Kang hindi studyante ah. Anong oras
na! Sinasayang mo lang ang pinapaaral ko sayo. Ang mahal mahal ng matrikula ng
eskwelahan mo.
Nanay: At talagang bastos kang bata ka no. Wag mo kong sabayan! At ano yang
suot mo kitang kita na yung kuyukot mo . Siguro di ka na virgin no.
Ivy: Wowww. Palapakpakan ang putang ins mo. Sayo ko pa tlaga nanggaling yan
MOMMY. Hindi ka sana online seller at call center agent kung hindi ka maagang
nagpabuntis sa tatay kong hilaw.
Mommy: Walang hiya ka (sampal)
Ivy: wow wow! putang ina mo ulit. Makasampal ka ah kala mo nabibigay mo lahat
ng gusto ko! Eh sa lahat ng nanay sa mundo ikaw yung walang kwenta e. Kung
pwede lang pumili ng nanay ikaw yung una kong tatanggihan!!
Mommy: (sampal 3×) Kung alam ko lang na magiging ganyan ka, sana pinalaglag
na lang kita!! Manang mana ka sa ama mong walang kwenta walang hiya ka!!
Ivy: tumigil ka na aalis na ko
M: wag ka ng babalik, dalin mo na yung mga gamit mo hinayupak ka

Scene 2 Punta sa bahay ni bestie at kakatok


Ivy: bes andyan ka ba? Bes buksan mo naman oh pls
A: oh ano na naman? Ano bang meron ang aga aga andito ka na naman
I: BES KAILANGAN KO NG YAKAAAPP A: oh ano ba nangyare sayo? Bat ganyan
itsura mo? Gumimik ka na naman no? Alam mo tara punta tayo sa simabahan,
kailangan mong pagnilayan mga kasalanang ginawa mo. Masyado ka nalululong sa
pinaggagagawa mo.
I: ano??? Simbahan na naman?? Ano bang napapala niyo sa Diyos niyo??
A: huy maghulos dili ka nga sa mga pinagsasabi mo. Kung di mo rerespetuhin
DIYOS NATEN, umalis ka na lang.
I: sige na nga tara na.

Narrator: kumalma ako sa mga panahon na lagi kong kasama si angelo. Para bang
nakahanap ako ng pamilya sa kanya. Lagi siyang nandiyan sa bawat iyak at saya ng
buhay ko. Akala nga ng iba magjowa kami eh pero hindi ah! Mabait si angelo pero
mag bestfriends lang kami. Ewan ko ba dun! Sobrang relihiyoso. Di kasi ganun type
ko e. Pero sabagay di ko masisisi ganyan pamilya niya eh.

Scene 3 Ivy: alam mo ba nung gumimik kami kagabi may nakita akong lalake. ANG
CUTE CUTE NIYA. Ang cool niya tignan saka swabe gumalaw. Di ko lang siya
malapitan parang sobrang yaman eh. Wala lang i feel something about him na di ko
nakikita sa iba. Feel ko nga nainlove ako eh. I think ivy's type yung guy na yun.
A: nako yan ka na naman. Pang ilan mo na yan? Una meron kang joshua sabi mo
cool din. Meron ding daniel sabi mo swabe. May yghann sabi mo maginoo pero
medyo bastos. Meron ding sandi may kaliitan pero may laban.
Ivy: ano ka ba? Iba nga to. Like, total package siya hehe. Suportahan mo na lang
kasi ako parang di bestfriend amp. Palibhasa puro ka aral simba bahay. Daig mo pa
babae eh. Alam mo sama ka sakin minsan para naman ma experience mo
makisalamuha sa ibang tao.
A: ay nako, kuntento na ko sa buhay kong ganito. Masaya naman ako sa
pinagggagawa ko sa buhay. I: haynako, di ka na nagbago. Mula bata ganyan ka na.
Diyan ka na nga!
(Phone ringing)
I: sino kaya to?
Stacy: huy girl!! G ka ba later? May bagong dj daw na magseset mamaya sa urbn
eh. Pogi sis at macho. Tara na girl alam ko namang di ka tatanggi e.
I: uy stacy ikaw pala yan. Eh ano e may klase kasi ako tomorrow 7am. Pero pwede
naman natin gawan ng paraan like dati, party before class (sabay)
S: okay sige see you there ah, aasahan kita. Dress with no risk ah, g na mamaya.
Byers!! Mwa (Party party)
I: uy sissy andito na naman tayo, asan ba yung dj na poging sinasabi mo?
S: uy sissy andito ka na pala, buti naman at hindi mo kami inindian. Ayon pala yung
dj pero ekis bes kase nilalandi na ni alexa. Bitch talaga yun.
I: hay nako sayang naman. Hayaan mo na let's party na lang. Pero wait! Sino yung
guy na yun? Ang cute parang nakita ko na siya before. OMG siya yun! Siya yung
crush ko, I'm so kiligggg.
S: huy gaga kilala ko yan, tara pakilala kita. Sobrang yaman niyan pero chill yang
kasama tara tara. I:Enebe ba. Hehe weg keng genyen kenekebehen ako eh.ahhha
S: hi tristan! Remember me? We met last time. Uhm sa party ni james.
T: y y yeah i remember you. What up? S: wait eto nga pala si ivy, this is my girl.
She wanted to meet you eh, you're so cool daw kasi.
Ivy: hi tristan! I'm ivy, you're future wifey. Chour!
T: palabiro pala tong kasama mo. Cool. I like her.

Narrator: so yun na nga. Nagkita na nga kami ni tristan. Sobrang cool niya talaga. Di
ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Nakatulala lang ako sakanya para ko
siyang tinutunaw. He made my night. Ugh! Nung gabing yon, hindi ko naramdaman
ang paglipas ng oras. Lumalim ang gabi at kami lang ang magkasama. Naalala ko
may pasok ako pero hindi ko na yun inisip. I'm with him na eh sasayangin ko pa ba?
Fast forward papi piper, naging kami that night haha. sobrang saya ko, like feel ko
eto na yung hinahanap kong pag mamahal. Sana nga eto na.

Scene 4 (car rev)


I: babe sobrang ganda naman ng car mo, sobrang sarap mag roadtrip pag ganto
yung gamit no? Saan tayo pupunta ngayon?
T: ay well, marami pa kong car actually, gusto mo bang makita? Nasa bahay kasi,
alam ko na, punta na lang tayo sa condo deretso movie marathon na lang din. Kung
magugutom ka magpapagrab na lang tayo kahit anong gusto mo.
I: huy gusto ko yun!! Let's go na babe.
(Condo)
T: andito na pala tayo babe, tara akyat na tayo.
I: wow ganda naman ng condo niyo, ikaw lang ba nakatira dito?
T: oo ako lang. Busy kasi parents ko sa business namin. Lagi silang may business
trip. Last time sa canada ngayon nasa singapore. Tas ewan madami pa, gusto mo
ba babe dito ka muna tumira.
I: sige babe, i want that!! para always tayo magkasama. Uhm babe, malapit na
birthday mo diba? T: oh pano mo nalaman?
I: you know, i stalked you so many times. Kaya alam ko na buhay mo hihihihi.
T: uhm oo malapit na kaso di ko alam kung magcecelebrate ako. Kasi kakausapin
daw ako nila mommy that day. Ang gulo ng schedule ko. Bahala na
I: wag ka na mag alala maghahanda ako ng party para sating dalawa. para naman
kahit papaano macelebrate mo yung birthday mo. I love you babe! Advance hbd.
Narrator: habang papalapit ang kaarawan ni tristan, hindi ako mapakali kasi hindi
ko alam ang gagawin ko. Naisip ko, gamitin ko na labg yung pang tuition ko for next
sem para ipang regalo kay tristan. Gusto ko sana siya bilan ng leather bag, airforce
one ng nike at saka mamahalin at branded na relo at damit. Kaso di ko alam kung
paano ko siya isusurprise kaya tinawagan ko si angelo.
(Ringing)
I: hello angelo, busy ka ba? Hmm may gusto kasi ako ipagawa sayo.
A: oh buti naman nagparamdam ka. Akala ko nakalimutan mo na ko. Baka meron
ka ng ibang bestie diyan.
I: guess what,hindi siya bestfriend, but he is my BOYFRIEND. Siya yung kinkwento
ko sayo dibaaa. I'm so happy that i finally found him.
A: nako ayan ka na naman baka mamay pumunta ka na naman sakin tapos umiiyak
ka. I: nako hindi ah, kaya ko this boy i promise.
A: ah sigesige, btw yayayain sana kita kakain lang sa labas tayo nila mommy.
January 31 birthday ni daddy yun diba? Alam kong hindi ka naman hihindi. Aasahan
ka nila.
I: nako angelo oo nga pala. Uhm sorry kasi kaya kita tinawagan yun sana itatanong
ko sayo. January 31 din kasi bday ng boyfriend ko. Kailangan niya ko kasi malayo
pamilya niya. Ano kaya magandang surprise?
A: Surprise?? Mukhang seryoso ka talaga jan ahhh. Pero pano naman yung birthday
ni Papa walang year na hindi ka umabsent dun ah.
I: Ano ba ? Intindihan mo naman ako. ngayon lang ako nagkaroon ng boyfriend
nang seryoso. Siguro maiintindihan naman nila tito kung di ako makapunta.
A: ivy sa pgkakatanda ko hindi lang naman ito ung pagkakataon na humindi ka sa
mga invitations ko. parang kinakalimutan mo na talaga ako ah.
I: isipin mo na lahat ng gusto mong isipin s aakin, Angelo. kailangan kong gawin
to.Sige na ibababa ko na kung wala ka namang maitutulong
Sfx End of scene Scene Sfx
I: Hala ano kayang bibilhin ko? Bwiset naman kasi tong Angelo na to, ayaw akong
tulungan! Hay, bahala na nga!

Narrator: Nung january 31 Papa Piper, super excited ako dahil birthday na ng
boyfriend ko at sabay naming icecelebrate ang okasyong ito. Hindi ko maipinta ang
mga ngiti sa aking mga labi. ni hindi na nga ako nakatulog dahil sa paghahanda sa
espesyal niyang kaarawan. Maaga akong nag-ayos ng aking sarili upang makarating
ako ng maaga sa kanyang condo, upang masiguradong perfect ang mga
dekorasyon at mga paghahanda para sa kaniyang birthday.
Scene 5 ( suprise birthday )
I: lalala lalala~ hays ang tagal niya naman. Pano ko kaya siya sasalabungin. Ano
kaya ang una kong sasabihin " HAPPY BIRTHDAY TRISTAN?? ANO KAMUSTA KA??
SAN MO GUSTO KUMAIN??"ayy ang pngit naman magiging totoo napang siguro ako
para akong pabebe e hayyy naiimagine ko na matutuwa yun sa ginawa ko!! Tama
ba itong suot ko? Ayyy!!! Dapat maayos ako sa paningin ni tristan ngayon!! Dapat
ako ang pinaka mganda sa mata nya para maakit syang husto
Kring kringgg kringg sfx -answer s phone-
I: ano bayan nakakasira nmn ng momentum to. Hello sino bato??
Stacey: hello gurll sorry ang ingay wait chappy lalayo lang ako ng kaunti wailang I:
ano ka ba? Asan ka ba?? Bat ang ingay jan?? S: asa party kase akooo kaya maingay
I: o so ano bayon kamusta masaya ba jn?
S: ikaw nga dapat tatanungin ko nyan e kamusta ka
I: my god sis eto kabado remember birthday ni tristan? Isusurprise ko sya diba
S: yun nga e speaking of tristan
I: Ano yon sis??
S: asa part ako diba!?
I: o tapos ano babyun!!??
S: kase yung party dito engagement party
I: wow nicee!!
Good to hear kamusta sinong ikakasal??
S: yun nga e bes kasi yung pinsan ko
I: o e anong meron sa pinsan mo??
S: ikakasal yung pinsan ko kay Tristan
I: ano ka ha naman stacey?? Tangina kung mag bibiro ka wag ngayon please??
S: bes ano ka ba!? Sa tingin mo ba? Good joke to para gawin ko sayo?? Just come
over here , and check it up for yourself di yung ako pa pinag mumukha mong
sinungaling. -call ended-

Narrator: sobrang nawiwindang ako sa mga nangyayare pappy piper kailngan kong
malaman ang totoo ako pang dapt ang mahl ni tristan ako lng!! Kaya naman agad
ko tong pinuntahan si tristan sa party at agad syang nilapitan
-scene engagement party-
Ivy: hi babe andito ka pala we're about to celebrate your birthday a bat ang tagal
mong dumting?? Tristan: a a a ahmmm
Tiffany: honnnnn ive been looking for you, where have you been owww who's this is
she one of your friends?? Hi Tiffany, Tristan's fiance.
Ivy: whut??? Fiancee!? Tristan ano to? Joke joke ba to?? Huh well nakakatuwa ha!
Youre so funny talga!! Itsurang to ha, pinatos mo
Tiff: excuse me do you even know who iam? Tristan: uh Tiffany? Can you excuse us
for a while
Tristan: halika nga dito mag usaps tayo
Ivy: anong mag usap?, bitawan moko! Ivy: so ano? Tangina anoyon?
Tristan: let me explain okay? Tama yung narinig mo. Yes fiance ko n si Tiffany
Ivy: so kung sya?? Ano ako? Pampalimpas oras mo? Matapos mokong ikama iiwan
moko? Matamos mong iparamdam na mahal moko at ako lang? Gagawin mo to
tristan? Laro lang ba ang lhat sayo.
Tristan: im sorry ivy. Iloved you pero ms matimbang sya pede bang hayaan mo
nalang akong sumaya?
Ivy: sumaya?? Tangina tristan walang sasaya. Hindi k pedwng sumya sa piling ng
iba akin ka lng tristan akin.
Tiff: whats happening here? Anong guloto youre ruining our night, sino ka ba bakit
mo ginugolo ang party namen??
Ivy: hoy hoygusto ko lang namang malaman mo na ako ang girlfriend ni tristan at
hindi ikaw ha at wag kang ambisyosa
tiffany: what the fuck nag papatawa ka ba? anong pinag sasabi nito tristan?? in the
first place amost tw years na kaming engaged
tristan: dont mind her hon she's just someone from my past. please ivy leave us
alone hayaan mo naang kami maging masaya. halika na tiffany pumasok na tayo sa
loob lets not keep ur guests waiting guard na bahala jan.
ivy: nooooo... tristan please wag mong gawin sakin to mahal na mahal ko yan.
bitawan nyo ko!!. nag mamahalan kami nyan e tristan please tristannnnnnn!!
-end- background music (sad)

narrator: nakakalungkot lang isipin Papa piper na kahit anong gawin kong
pagpupumilit kay tristan na piliin nyako at iwanan nya ang babae ay wala paring
nangyare. Wala eh ang hirap lang sa part ko na binigay ko lahat at nagsakripisyo
ako, inuna ko sya kesa sa sarili ko pero wala niloko parin nyako. Parang bumalik
lang ung feeling na iniwan ulet ako sa pangalwang pagkakataon gaya ng tatay ko.
Sa panahong yun di ko alam kung san ako pupunta o kung may kakampi pa ba ako.
Biglang sumagi sa isip ko si angelo. Naisip ko na parang kelangan ko sya sa
panahong ganito. At napagtanto ko rin na sya ang kelangan ko sa buong buhay ko
dahil sya lang ang nakakaintindi sakin. Kinakain man ako ng pride ko pero wala,
kinausap ko sya para ipagtapat ang nararamdaman ko sa kanya.
Phone ringing
Angelo:hello, oh napatawag ka? may kelangan ka na naman ba?
Ivy: unang una sa lahat gusto ko munang humingi ng sorry dahil di ako nakaattend
sa bday ng daddy mo. Pwede bang magkita at magusap tayo sa personal?
Angelo: ahm sge merong kinabubusyhan lang pero sge punta ka dito sa simbahan
dito tayo magkita may importante din akong sasabihin sayo. Ivy: ay andyan kana
agad?? sge sge pupunta nako.
background music(simbahan)
Ivy: Angelo? ikaw ba yan? bat ganyan ang suot mo?
Angelo: Oo ivy tama ang iniisip mo. Pumasok nako ng semeneryo, ngayon nga eh
masyadong nabubusy ako dahil susuotan nako ng Krus bilang simbolo ng pagiging
opisyal na pagpasok ko sa semenaryo. Simula ng hindi na tayo nag kikita o kahit
magusap man lang simbahan lang ung naging puntahan ko para magpalipas ng
oras. Ayun grasya ng Diyos, tinawag nyako.
Ivy: Ah ganun ba angelo (Maluha luha)
Angelo: Oh bakit ka nga pala pumunta dito?
Ivy: Ganito kasi un angelo. Niloko ako ni tristan, pinagpalit nya ako dun sa
mayaman na babae na kasosyo ng pamilya nya sa negosyo.
Angelo: sabi ko na nga ba eh. Iba ang kutob ko sa lalakeng yan. Di naman kita
masisisi kasi mahal mo ung tao. Gusto man kitang pigilan pero wala naman akong
magagawa.
Phone ringing
Ivy: teka lang angelo ah. Hello po?? sino po ito?
unknown: Hello eto po ba si Ma'am Ivy? ivy: ahm opo ako po ito. Bakit po kayo
napatawag? at sino po kayo? unknown: Kasi po ma'am ung nanay nyo sinugod po
dito sa hospital. Punta po kayo agad Ma'am para makausap nyo po ang doctor pati
na rin po ang nanay nyo.
Ivy: Haa?! bakit??? anong nangyare kay mama?
Unknown: Dito na lang po sa hospital ipapaliwanag ng doctor ang nangyare sa
nanay nyo.
Ivy:Ah sge po salamat. Pupunta na po kami agad.
Angelo: Oh ano nangyare?? bat ka umiiyak?
Ivy: Si mama kasi sinugod daw sa hospital. Masasamahan mo ba ako? angelo:oh
sge sge tara na puntahan na natin. Ung kotse ko na lang gamitin.
bg:car sound bg: pintuan
Ivy: Pwede po ba magtanong?San po nakaadmit dito si Josephine Santa Maria?
unknown: Ah kayo po ba ung anak ni ms santa maria. Punta na lang po kayo sa
room 406 ma'am iniintay na din po kayo ng doctor.
Ivy: ah sge salamat po pinto
ivy: Nayy? anong nangyare sayo?? bakit wala kayong sinasabi na may
nararamdaman kana palang ganyan?
doctor: ah ms ivy wag po kayo magugulat pero may lupus po ang nanay nyo. Sobra
na syang nanghihina at mukhang di nya na kakayanin ang sakit.
ivy: bat naman po ganun doc?? eh akala ko naman po healthy po ang nanay ko.
doctor: Ma'am ivy na trigger po kasi ang sakit nya sa sobrang pagpupuyat at
pagtratrabaho. Un po ang nagjng ugat ng sakit nya.
Ivy: nayy bat naman po ganun?? Bat hindi man lang kayo nagsasabi na may
nararamdaman pala kayo? edi sana di aabot ng ganito.
Nanay: ivy wag mo nako alalahanin. Alam kong hindi maganda ang pagsasama
natin pero lagi mong tatandaan na lahat ng ginagawa ko ay para sayo.
Pinagtataasan man kita ng boses hindi ibig sabihin nun ay tinatakwil kita oh ano
man un ay bunga lamang ng pagaalaga ko sayo dahil ayaw kitang magaya sakin
kasi sobrang mahal kita. Lahat ng paghihirap at pagod ko ay ginawa ko para sa
ikabubuti mo, para mapunan ko ang pangengelangan mo at masabi mo na sapat
nako para sayo bilang nanay at tatay mo kaya wag mong sisihin ang sarili mo kasi
hindi ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko para sayo.

Narrator: Papa piper ang mga huling linya ng nanay ko ang sobrang dumurog sa
puso ko. sa panahong yun di ko na alam kung anong gagawin ko kasi sobra nakong
nakonsensya sa lahat ng ginagawa ko sa aking buhay. Sobra akong nagpakabulag
sa akala kong totoong magpapasaya sakin. Hindi ko inisip ang mga sakripisyo ng
nanay ko at kung gaano nyako kamahal. Noong namatay ang nanay ko papa piper
doon ko narealize na ang totoong pagmamahal na hinahanap ko sa ibang tao ay sa
kanya ko lamang pala matatagpuan. Sa ngayon po papa piper ay inaayos ko ang
buhay ko, pinagpatuloy ko na rin po ang online business ng nanay ko at magtatapos
nako ng aking kolehiyo sa kursong business administration. Mahirap lang sa part ko
na kelangan ko pang danasin ang mga mapapait na pangyayare para magising ako
sa katutuhanan na ang kasiyahan at pagmamahal ay makikita sa pamilya at nakita
ko un sa nanay ko. Ito po ang inyong loyal kabarkada sa tuwina ivy. Maraming
salamat po.

You might also like