You are on page 1of 4

SCENE 1:

RONNETH

(Binuksan ni Ronneth ang kaniyang Instagram at pumunta sa profile ni Arianna.)

Idol ko talaga si Arianna! Sobrang kinis ng mukha tapos ang tangkad tangkad tapos ang payat payat tapos
ang puti puti, tapos ang sexy sexy, tapos a--, tapos anoo pa ba, tapos uhhh--, ah basta, ang ganda ganda
niya! Hayyyyyyy, samantalang ako, puro pantal ang mukha at mataba pa. Sana maging katulad ko siya. Sana
ako na lang si Arianna.

(Nakita ni Ronneth ang recent post ni Arianna tungkol sa meet and greet with caption: “You don’t
need to change yourself to be loved. Accept and be proud of who you are.”)

Wowww! Sa wakas, magkakaroon na rin ako ng pagkakataon na makita si idol. Malapit lang din yun dito
kasooo weekday, eh may pasok akoo. Paano naaa? A-Absent na lang ako!! Once in a lifetime opportunity
naman, sayang kung palalagpasin ko pa. Excited na akooo!!!

SCENE 2:

RONNETH

(Sunod na sa pila si Ronneth. Ibinigay ni Ronneth ang album ni Arianna para sana papirmahan.)

Hello, Arianna! Sobrang ganda niyo po! Idol na po idol talaga kita! Gusto ko pong maging katulad mo!

(Inilahad niya ang kaniyang kamay para makipag-handshake ngunit hindi tinanggap ni Arianna.)

ARIANNA

Eww! Ayoko nga! Nakakadiri ka. Ang pangit, pangit mo and ayoko sa pangit. Gusto mong maging katulad ko?
Ha! Nagpapatawa ka ba? Dream on, because you’ll never be like me! Never! N-E-V-E-R! Masyado naman
yatang mataas yang pangarap mo? Alam mo, sumuko ka na lang kase ang pangit pangit mo, ang taba taba
mo pa. Omygosh, buti pinapasok ka nila rito kahit ganyan ang itsura mo. Wala ka bang salamin? Nakakaawa
ka naman. So ugly, so dirty, so disgusting, wala pang pambili ng salamin. Umalis ka na nga. Thanks, but no
thanks.

(Maluha-luhang umalis si Ronneth at patakbong nilisan ang lugar. Nakasalubong niya ang kaniyang
boyfriend na si Carlin.)

SCENE 3:

CARLIN

(Niyakap ni Ronneth si Carlin. Napansin niya na umiiyak si Ronneth.)

Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Bakit ang aga yatang natapos ng meet and greet ni Arianna?

RONNETH

Ayoko na! Pagod na akong masabihan ng pangit! Gusto kong magbago! Ayoko na ng itsura ko. Ayoko ng
katawan ko. Sana naging maganda na lang ako. Bakit ba ang pangit pangit ko? Bakit ganito lang ako?

CARLIN

(Hinawakan ni Carlin sa balikat si Ronneth.)

Ano bang sinasabi mo? Hindi ka pangit! Maganda ka!

RONNETH
(Inalis ni Ronneth ang kamay ni Carlin.)

Hindi naman iyan totoo! Alam kong pinagtitiisan mo lang ako dahil ganito ang itsura ko! Hindi ako magiging
sapat para sa’yo at alam mo iyon. Hindi mo sinasabi pero pakiramdam ko, I was never enough for you!
Nakakahiya ako! I’m ugly and you’re way better than me, you’re attractive, you’re so perfect and to have
somone like me, hindi ka ba napapagod?

CARLIN

Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo! Tanggap ko kung sino ka! Mahal kita! Minahal kita hindi dahil sa
pisikal mong anyo pero dahil maganda ang kalooban mo at iyon ang importante! Kaya sana tanggapin mo rin
ang sarili mo. Ilang beses ko pa bang uulitin sa’yo? Ilang beses pa?

(Umalis na si Carlin. Naiwan si Ronneth na umiiyak. Umuwi siya at nakita ang kaniyang ina na
naglilinis ng bahay.)

SCENE 4:

KYLA

O anak kamusta? Teka, umiiyak ka ba?

(Binitiwan ni Kyla ang walis at nilapitan si Ronneth.)

RONNETH

Ma, gusto ko pong baguhin ang sarili ko. Gusto ko pong magparetoke, ‘wag po kayong mag-alala, may ipon
naman po ako, ako na po ang bahala sa lahat. Please, Ma. Ayoko na po. Pagod na po akong maging pangit.
Bakit po ba ganito ang istura ko? Ayoko na po.

KYLA

Ano? Sinong nagsabi na pangit ka? Maganda ka, anak! Hindi mo kailangan ng retoke retoke na yan! Walang
taong pangit! Nilikha ka ng Diyos at sa mga mata niya, at sa mga mata namin, maganda ka. Wala naman
iyan sa pisikal na anyo. Blessing ka, anak. Blessing. Hindi mo kailangang magbago.

RONNETH

Hindi naman sa ganon, Ma. Hindi mo ako maintindihan kasi hindi ka naman nagkaroon ng pakialam sa akin.
Lagi ka na lang si Kuya! Kailan mo ba ako napansin?

KYLA

Hindi totoo ‘yan! Anak kita. Mahal ko kayong dalawa ng Kuya mo. Hindi pa ba sapat lahat ng sakripisyo na
ginagawa ko para sa inyo? Ginagawa ko ang lahat para mabigyan kayo ng magandang buhay kahit na wala
na ang inyong Ama!

(Biglang pumasok si Seth, pumagitna sa mag-ina.)

SETH

Anong nangyayari dito? Rinig sa labas ang sigawan ninyo. Bakit may naririnig ako na babaguhin mo ang sarili
mo, Ronneth? Ano na naman bang kadramahan ‘to?

(Ibinagsak ni Seth sa lapag ang kaniyang gamit.)

RONNETH

E kasi naman, Kuya tingnan mo ako! Ang pangit ko! Bobo na nga ako, pangit pa ako! May boyfriend ako pero
pakiramdam ko hindi ako enough para sa kaniya. Tuwing magkikita kami ng barkada niya parang minamaliit
nila ako. Naaawa na ako para kay Carlin at para sa sarili ko. Tapos, sasabihin mo kung anong problema?
Kuya, ako yung problema!
(Pause.)

Habang ikaw ay itong paborito anak! ‘Yung hindi bulakbol sa pag-aaral. ‘Yung masipag, matalino at
perpektong anak. Hindi tulad ko na wala nang ginawang tama kundi ipahiya lang kayo ni Mama sa iba.

(Tumingin si Ronneth kay Kyla.)

KYLA

Hindi iyan totoo, anak.

(Naiiyak si Kyla.)

SETH

Tama na! Tumigil ka na, Ronneth! Huwag mong sigawan si Ma. Wala ka bang respeto sa kanya?

RONNETH

Ikaw ang ‘wag sumabat diyan! Nakikisali ka pa rito, ewan ko sa’yo, Kuya. Hindi mo ako maiintindihan kasi lagi
ka namang wala dito sa bahay.

(Umalis si Ronneth. Pinuntahan niya ang kaniyang kaibigan na si Mama G.)

SCENE 5:

MAMA G

(Napansin ni Mama G si Ronneth pero nakatingin pa rin siya sa hawak na cellphone.)

Uy, ano na? Tuloy ba ang pagpapa-retoke mo?

RONNETH

Hindi ko alam, Mamag. Nag-away kasi kami ni Carlin at ng pamilya ko. Ano bang gagawin ko?

MAMA G

Hayaan mo na sila! Kaya mo namang magdesiyon para sa sarili mo. Kung tuloy man ang pagpapa-ayos mo
ng iyong mukha ay wala rin namang magbabago pero malay natin, magkaroon ng himala hahahaha. Mag-
decide ka na para matawagan ko na kakilala ko. Baka magawan niya pa ng paraan ang itsura mo. At huwag
mo na rin muna akong abalahin, I’m busy.

(Hindi pinansin ni Mama G si Ronneth hanggang sa siya ay makaalis.)

SCENE 6:

(Pumunta sa rooftop ng paaralan si Ronneth. Umiiyak siya at ‘di napansin ang kaniyang kaklase, si
Lyzza.)

RONNETH

Ano bang klaseng buhay ‘to! Puro problema! Wala akong kwentang anak, wala rin pakialam ang bestfriend
ko. Kaibigan ko ba talaga siya? Kung maganda at matalino lang sana ako edi hindi mangyayari ito. Masaya
sana ako.

(Sinasampal ni Ronneth ang kaniyang sarili tapos pwedeng magdagdag ng lines habang sinasampal
ang sarili.)

LYZZA
Hoyyy! Pwede mo bang hinaan ang boses mo? Matutulog kasi ako.

RONNETH

Paki mo ba? At bakit ka ba matutulog dito? Hindi naman ito tulugan. Umalis ka na nga dito.

(Hindi nagsalita si Lyzza at tumahimik ang paligid. Pinunasan ni Ronneth ang luha sa kaniyang pisngi
at pinilit na pinapakalma ang sarili.)

LYZZA

Unfair naman talaga ang mundo, pero nasa sa’yo na kung paano mo tingnan ang mabuti sa mga
masasamang nangyayari sa’yo. Happiness is a choice. Hindi mo kailangan ng approval ng ibang tao. You’re
beautiful in your own way.

(Binigyan ni Lyzza si Ronneth ng Fres at umalis. Ibinulsa ito ni Ronneth at umuwi na.)

SCENE 7:

(Iniintay ni Carlin si Ronneth sa labas ng kanilang bahay.)

CARLIN

Sorry. Dapat hindi kita iniwan kanina. Pasensiya na kung nasigawan kita.

RONNETH

Huwag kang mag-sorry. Dapat ako ang humihingi ng patawad kasi naging sarado ang utak at puso ko.
Maraming salamat kasi hindi mo pa rin ako sinukuan hanggang sa huli.

CARLIN

Oo naman. Hinding-hindi kita iiwan, Ronneth.

(Niyakap ni Carlin si Ronneth.)

Pumasok ka na sa inyo. Paniguradong hinihintay ka na ng Mama at Kuya mo. Makipagbati ka na sa kanila,


okay?

(Tumango si Ronneth at pumasok na sa bahay nila. Nakita niya ang kaniyang Mama at Kuya na nasa
sala.)

RONNETH

Ma, Kuya. Sorry po sa lahat. Hindi ko po sinasadya na sabihan kayo ng masasakit na salita. Pasensya na po
kung nasaktan ko kayo pero mahal na mahal ko po kayo. Sobrang proud ako dahil may Mama ako na
tanggap ako kung sino ako at hindi napapagod na intindihin ako. At maraming salamat dahil sobrang swerte
ko na magkaroon ng kapatid na tulad mo, Kuya.

(Nagyakapan silang pamilya. Naalala ni Ronneth ang ibinigay na candy ni Lyzza kanina at kinuha
ito mula sa kaniyang bulsa.)

“Be yourself”.

(Unfollowed-Arianna)

THE END

You might also like