You are on page 1of 4

Saint James High School

Buenavista, Agusan del Norte


ARALING PANLIPUNAN IX
Huling Markahang Pagsusulit
(Grade IX - St. Augustine, Grade IX - St. Francis & Grade IX - St. Ignatius)

Pangalan:_______________________________________ Taon at Pangkat:________________________

Guro: G. Jayson Castillo _________ Petsa: __________ Puntos: _______________

KABUUANG PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong at sagutin ng mabuti.

Para sa bilang 1-5, suriin ang Production Possibilities Frontier. Tukuyin kung aling punto ang inilalarawan sa ibaba.
Isulat ang titik lamang.
A
B F 1. Episyenteng produksyon pabor lamang sa bigas. ___
2. Episyenteng produksyon pabor lamang sa mais. ______
3. Episyenteng produksyon pabor sa bigas at mais. ______
bigas

C 4. Produksyong nagsayang ng mga resources. ______


5. Produksyong hindi posible dahil magdudulot ng kasiraan. ______
E D
mais
6. Lahat ay halimbawa ng pangangailangan maliban sa isa.
a. pagkain c. malinis na tubig
b. damit d. wala sa pagpipilian
7. Isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na uri ng pangangailangan ayon sa
teorya ni A. Maslow.
1. Pangangailangan sa karangalan 4. Pisyolohikal at biyolohikal
2. Pangangailangan sa seguridad 5. Pangangailangan sa sariling
3. Responsibilidad sa lipunan kaganapan.
a. 12345 b. 4 2 3 1 5 c. 4 2 1 3 5 d. 4 2 5 1 3
8. Natatanging salik ng produksyon na fixed o takda angbilang.
a. lupa b. capital c. entrepreneur d. paggawa
9. Kabayaran sa paggawa.
a. sahod b. interes c. kita d. upa
10. Sistemang pang-ekonomiya kung saan pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari ngunit nanghihimasok
din ang pamahalaan sa pagdedesisyon sa produksyon ng ilang mahahalagang produkto at serbisyo.
a. Traditional b. Market c. Command d. Mixed

Para sa Bilang 11-15, tukuyin kung anong salik ng pagkonsumo ang maaaring makaimpluwensya sa mga
sumusunod na pahayag. Isulat ang titik lamang. A. Presyo; B.Kita; C.Mga Inaasahan; D.Demonstration Effect;
E. Panlasa; F. Edad; G. Panahon; H. Okasyon

11. Inanunsyo sa radio na maraming napagagaling na pasyente ang Osaka Iridology.


12. Umabot sa P60.00 ang kada kilo ng bigas, ngunit P100.00 lang ang sahod ni Ruben
13. Binalita sa TV na may paparating na malakas na bagyo sa bansa sa mga susunod na araw
14. Mahilig si Noy sa mga damit na polka dotted.
15. May panukala na magbibigay ng 50% discount sa lahat ng aytem ang SM sa susunod na buwan.
Para sa Bilang 16-20, tukuyin kung anong katangian ng mamimili ang inilalarawan sa mga pahayag. Isulat
ang titik lamang.
A. Mapanuri B. May Alternatibo C. Hindi Nagpapadaya
D. Hindi Nagpapanic-buying E. Hindi Nagpapadala sa Anunsyo

16. Duda si RJ kung mawawala ang pimples nya sa loob ng isang araw tulad ng napanood niya sa TV.
17. Sinisiguro ni Alice na tama ang timbang ng kanyang binibiling bigas.
18. Maagang bumili ng panregalo si Jerry para sa kaarawan ng anak.
19. Inobserbahan muna ni Malcom ang paligid at kusina ng isang karinderya bago siya nagdesisyong kumain ditto.
20. Ikinumpara ni Diana ang presyo ng isda sa lahat nagtitinda nito sa palengke.
Para sa bilang 21-25, Tukuyin ang uri ng organisasyong pang-negosyo na inilalarawan. Isulat ang SP
kung sole proprietorship, P kung partnership, KN kung korporasyon at KB kung kooperatiba.
21. Isang orhanisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na naghahati sa kita o pagkalugi ng negosyo.
22. Ang isang uri nito ay pantay-pantay na pinangangasiwaan ang negosyo kung saan panta-pantay
din ang pananagutan.
23. Pag-aari at pinamamahalaang iisang tao.
24. Sa negosyong ito, pag-aari ng iisang tao ang lahat ng mga bagay na nauukol sa negosyo at lahat ng
capital ay nanggagaling sakanya.
25. Binubuo ng hindi bababa sa 15 katao na pinagtipon-tipon ang kanilang pondo upang makapagsimula ng negosyo.
26. Kapag Malaki ang ___________, lumalaki ang kakayahan ng mga konsyumer na bumili ng nais nilang produkto.
a. Capital b. Kita c. Lupa d. Gastos
27. Kapag ang demand ay mas mababa kaysa sa suplay, nagkakaroon ng ____________________ at nagsasaya ang
mga ______________________.
a. Shortage, konsyumer c. Surplus, konsyumer
b. Shortage, prodyuser d. Surplus, prodyuser

Para sa bilang 28-47, Isulat ang T kung TAMA ang pangungusap at M kung MALI.

28. Kapag may pagtaas sa kita ng mga mangagawa, may pagtaas din sa kanilang demand ng mga produkto.
29. Kapag may pagtaas sa kita ng mga negosyante, lumalaki ang kanilang pagkakataon na itaas pa ang dami ng
kanilang suplay sa mabenta nilang produkto.
30. Kapag tumaas ang presyo ng produktong pamalit, mananatili o tataas ang demand ng konsyumer sa
produktong normal.
31. Kapag tumaas ang presyo ng produktong komplimentaryo ng produkto A, malamang na tataas din ang
demand ng isang mamimili sa produkto A.
32. Kapag lumipas na sa uso ang isang produkto, bumababa ang demand para ditto.
33. Kapag nasa uso ang isang produkto, ang mga prodyuser ay hindi nahihikayat na magbenta nito.
34. Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
35. Mayroong panguahing actor sa pamilihan: konsyumer, prodyuser, at produkto.
36. Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may ganap na kompetisyon.
37. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, sinumang negosyante ay malayang pumasok at maging bahagi ng
industriya.
38. Sa monosopnyo, iisang konsyumer ang bumibili ng maraming uri ng produkto at/o serbisyo.
39. Sa monopsonyong kompetisyon, nagaganap ang tinatawag na product differentiation sa pamamagitan ng
packaging, advertisement at flavor ng mga produkto.
40. Sa oligopolyong kompetisyon, may iisang uri ng produkto ang ginagawa’t binibenta subalit magkakaiba ang tatak.
41. Upang mahadlangan ang pagpasok ng kalaban sa industriya ng monopolyo, sinasagawa ang patent at
copyrights sa mga produkto.
42. Ang price floor ay tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
43. Ipinapanukula ang price floor upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng mga produkto.
44. Kapag ang price ceiling ng isang produkto ay mas mababa kaysa sa Equilibrium price, maaari itong
humantong sa pagbaba ng suplay ng nasabing produkto.
45. Kung masyadong mababa ang equilibrium price ng mga produktong palay sa pamilihan, ang pamahalaan ay
maaaring magpanukala ng price ceiling upang mahikayat ang mga magsasaka na patuloy na magtanim.
46. Kapag ang price floor ay mas mataas kaysa sa equilibrium price, ito ay magdudulot sa kalabisan.
47. Kapag ang price ceiling ay mas mababa kaysa sa equilibrium price, ito naman ay magdudulot sa kakapusan.
48. Ito ay tumutukoy sa entidad na bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya na tagalikha ng mga kalakal at paglilinkod.
a. Sambahayan c. Pamilihang pinansiyal
b. Bahay-kalakal d. Pamahalaan
49. Alin ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng sector ng agrikultura at industriya?
a. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang
industriya ay sa mga bahay-kalakal.
b. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman
ang kapitan ng industriya.
c. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang
sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
d. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa
tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.

50. Ano ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?


a. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
b. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa dahil sa dami ng nabubuksang trabaho.
c. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang satulong ng pamahalaan.
d. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino para mabuhay.
51. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang
naapektuhan ng globalisasyon?
a. ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
b. ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihang lokal
c. ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga developing countries
d. ang pagbabago sa kabuuhang antas ng pamumuhay ng mamamayan

Para sa Bilang 52-56, gawing batayan ang sumusunod na dayagram sa pagsagot sa mga tanong.

52-56. Alin ang nagbibigay ng tamang pahayag patungkol sa nilalaman ng dayagram? Pumili ng apat, bilugan
lamang ang titik ng tamang sago. HINDI MAAARING BUMILOG NG HIGIT SA APAT NA TITIK.
a. Kapag nagbabayad ng buwis ang bahay-kalakal sa pamahalaan, ang huli ay nagkakaroon ng pondo para
makapagbigay ng pampublikong serbisyo sa sambahayan na tinatawag din na transfer.
b. Ang paggasta ng sambahayan ay nagbibigay daan sa pagkita ng bahay-kalakal.
c. Kapag nag-eeksport ang sambahayan, kumikita ang panlabas na sector.
d. Kapag nag-iimpok ng pera ang sambahayan sa pamilihang pinansiyal, ang perang ito ay napakikinabangan
ng mga bahay-kalakal bilang puhunan kapag sila ay umuutang.
e. Ang mga produktong ini-import ng sambahayan ay siya ring produktong ineeksport ng panlabas na sector sa
bahay-kalakal.
f. Kapag nagbabayad ng buwis ang sambahayan sa pamahalaan, nagkakaroon ang huli ng pondo pambili ng
mga kalakal at paglilingkod mula sa bahay-kalakal.
g. Kapag bumibili ng produktibong resources ang bahay-kalakal, ito ay tumatanggap o nagkakaroon ng
kaukulang kita.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
End of Exam
Cheating will never make you smart. It will make your life worse.
-Sir Jaysie

You might also like