You are on page 1of 75

4

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Patnubay ng Guro

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Patnubay ng Guro
Unang Edisyon, 2015
ISBN: _____________

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng
isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan
ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro

Consultant: Fe A. Hidalgo, PhD


Mga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at
Joselita B. Gulapa
Mga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera,
Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan,
Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales,
Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at
Portia R. Soriano
Mga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. Mendoza
Mga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara
Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-Urbano
Punong Tagapangasiwa: Joselita B. Gulapa
Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. Pandiño

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 5th Floor,Mabini Bldg, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

ii
Para sa Iyo, Guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao

Inihanda ang patnubay na ito upang magabayan ka sa iyong


pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa Ikaapat na Baitang.
Layunin ng asignaturang ito na magabayan ang mga mag-aaral na makilala
ang kaniyang sarili, ang bahaging ginagampanan sa kaniyang pamilya,
pamayanang ginagalawan bilang isang Pilipino upang makibahagi sila sa
pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan,
at pagmamahal.

Isinaalang-alang sa paghahanda ng patnubay ang sumusunod:

A. Batayan

• Patnubay ng kurikulum ng K to 12 pokus ang EsP


• Kagamitan ng Mag-aaral sa EsP Baitang 4
• Balangkas ng DepEd sa Pagpapahalaga
• Napapanahong paksa at thrust gaya ng pakikiangkop sa panahon
ng pangangailangan, kaligtasan, likas kayang pag-unlad,
paggalang sa sarili, pagiging positibo at iba pang pagpapahalaga
na makatutulong sa mabuting pagkatao

B. Prosesong Ginamit

Bahagi ng magiging pag-aaral ng mga mag-aaral sa ikaapat na


baitang ang mga proseso ng pag-unawa (Alamin), pagninilay (Isagawa),
pagsangguni (Isapuso), pagpapasiya (Isabuhay), at pagkilos (Subukin)
upang higit nilang maunawaan ang mensahe ng anumang leksiyon,
maisabuhay at maisakatuparan ang tamang desisyon na may tamang
pagkilos. Narito ang sumusunod na proseso na dapat gamitin:

• Alamin Natin. Sa prosesong ito, ang mga mag-aaral ay


binibigyan ng pagkakataong maalala o maipakita ang anumang
dating kaalaman na may kinalaman sa leksiyon. Dito rin maaaring
malaman o matandaan ng mga mag-aaral at maiproseso sa
sarili ang anumang maling kilos o gawa at tuluyan itong itama sa
patnubay ng guro.

iii
• Isagawa Natin. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral
ang bawat aralin, sila ay magsasagawa ng iba’t ibang gawaing
batay sa anumang layunin. May mga gawaing indibidwal at
pangkatan.

• Isapuso Natin. Ang prosesong ito ay naglalaman ng mga


kaisipang dapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral. Ang
pagbibigay ng iba’t ibang gawaing higit na magpapatibay sa
anumang natutuhan ay dapat ding isaalang-alang.

• Isabuhay Natin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaing


magpapalalim ng pag-unawa sa bawat pagpapahalagang
tinalakay sa bawat aralin at kung paano ito isasabuhay.

• Subukin Natin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagtataya


ng mga natutuhan ng bawat mag-aaral tungkol sa mga aralin
batay sa mga layunin na nasa EsP Curriculum Guide.

Naglaan ng tatlumpung minuto kada araw upang malinang ang mga


pagpapahalaga sa bawat aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang bawat
aralin ay maaaring umabot nang limang araw. Nilalayon nito na tumimo sa
isipan ng mga mag-aaral ang mga kasanayan at pagpapahalaga.

C. Mga Teorya at Estratehiyang Ginamit

1. Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni


Albert Bandura

Ayon sa paliwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto


o Social Learning Theory ni Albert Bandura na isang Canadian
Psychologist, ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng
mabuting ugali at bagong impormasyon ay maaaring makuha sa
pagmamasid sa ibang tao. Sa teoryang ito, naniniwala na ang
kapaligirang kinamulatan o kinalakhan ng isang mag-aaral ang
siyang humuhubog sa pagkatuto at sa pag-uugali niya. Higit din
silang natututo sa pagbibigay ng direksiyon at mga paulit-ulit na

iv
mga gawain. Pinaniniwalaan din sa ilalim ng teoryang ito na ang
anumang marahas o malupit na pag-uugali o gawi ay natutuhan
ng mag-aaral ayon sa kaniyang nakita at hindi likas sa kaniya. Ang
mga gagawin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng EsP ay dapat
magmula sa guro.

2. Teorya ng Constructivism

Layunin sa pagtuturo ng Constructivism na pagnilayan


o magbalik-tanaw ang mga mag-aaral sa kanilang mga naging
karanasan. Maaaring dito makabuo ng kongkretong ideya,
kasagutan, tamang kilos, at pag-uugali ang mga mag-aaral. Sa
ganitong pagkakataon din maaaring maituwid ang anumang maling
kaalaman, konsepto, kilos, at pag-uugali sa pamatnubay ng guro.

3. Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan (Experiential


Learning) ni David Kolb

Ayon sa Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan, ang mga


karanasan ang pinagkukunan ng mga pagkatuto na sinusuportahan
ng Teorya ng Constructivism. Ayon sa isang artikulo, ang teoryang
ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makabuo
ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pag-aaral sa silid-aralan.
Ito rin ay isang paraan na humuhubog sa kanilang kakayahang
mamuno at mamahala. Sa paraang ito, ang mga mag-aaral ay
maaaring makagawa ng positibong pagbabago sa kanilang buhay
bilang mag-aaral.

Ang tatlong hakbang sa modelong ito:

a. Pagpaplano. Kaagapay ng guro ang mga mag-aaral sa


pagbibigay ng kaniyang ideya o saloobin tungkol sa anumang
pinag-usapan. Magpasiya kung ano ang dapat pang pag-
aralan, gawin, at tandaan.

b. Paggawa. Mahalagang isaalang-alang ng guro sa kaniyang


paggabay ang kakayahan ng mag-aaral upang maunawaan
ang pakikialam kung hindi kailangan.

v
c. Pagsusuri. Pagkatapos ng gawain, pabalikan ang mga
proseso at karanasang pinagdaanan mula sa simula hanggang
sa sila ay matapos. Sa ganito, matutulungan ang mga mag-
aaral na makabuo ng mas malinaw na mensahe, kaisipan o
ideya, at katotohanan na may kinalaman sa kanilang buhay.

4. Panlipunan-Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional


Learning)

Ito ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa


pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit
sa kapuwa, paggawa ng mapanagutang pagpapasiya, pakikipag-
ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong
sitwasyon. Ito ay paraan ng paglinang ng mga kakayahan ng mag-
aaral upang magtagumpay sa mga pang-araw-araw na gawain
sa buhay. Ang limang batayang panlipunan–pandamdaming
pagkatuto (SEL) ay binubuo ng sumusunod:

Kamalayang Pansarili (Self-Awareness). Sa kakayahang ito ay


nakikilala at nasusuri ng mga mag-aaral ang sariling damdamin,
interes, at gusto. Natutukoy rin ng mga mag-aaral ang kanilang
kalakasan at kayang panindigan, gayundin ang hindi pa nila kayang
magawa o maipakita.

Pamamahala ng Sarili (Self-Management). Naipakikita ng mga


mag-aaral ang kanilang pamamahala sa sarili sa pagtatakda
ng tunguhin o hangarin sa pamamagitan ng pagkilala sa mga
pamaraang maaaring makatulong gayundin ang paghanap ng
magagamit (resources) upang mapamahalaan ang anumang
problema o pangamba, pagkontrol sa udyok ng damdamin, at
masigasig na mapagtagumpayan ang anumang balakid. Ang mga
mag-aaral ay nakapagtatakda at nasusubaybayan ang kanilang
sariling pag-unlad bilang mag-aaral upang makamtam ang
akademikong mithiin. Ang mga mag-aaral ay nagpapakita rin ng
tamang damdamin o emosyon sa iba’t ibang pagkakataon.

vi
Kamalayang Panlipunan (Social Awareness). Naipakikita ng
mga mag-aaral ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng
ibang tao o grupo, sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahiwatig
o senyas na maaaring pasalita o nakikita sa aksiyon o sitwasyon.
Nahihinuha rin ang nadarama ng ibang tao sa iba’t ibang kalagayan
kaya madali siyang makiramay.

Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan (Relationship


Management). Naipakikita ng mga mag-aaral ang pagpapanatili
ng katatagan, malusog, at maayos na pakikipag-ugnayan sa
kapuwa nang may pagtutulungan. Madali silang maging kabahagi
ng isang team o grupo. Napaglalabanan ang anumang panggigipit
at naiiwasan, napamamahalaan, at kayang lutasin ang anumang
kasalungat na saloobin. Sila rin ay humihingi ng tulong kung
kinakailangan.

Mapananagutang Pagpapasiya (Responsible Decision Making).


Dito, ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang desisyon na
naaayon sa etikal na pamantayan na may pagsasaalang-alang sa
kaligtasan. Ang anumang desisyon ay naaangkop sa panlipunang
kaugalian, na may paggalang sa kapuwa, at inaasahan ang
anumang kahihinatnan ng iba’t ibang pagkilos.

vii
Talaan ng Nilalaman

Yunit II Pakikipagkapuwa-tao ..............………………………..…..43

Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko……..........................…….….46


Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko …..........…........……...51
Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko…………….......…..…………….56
Aralin 4 Damdamin Mo, Nauunawaan Ko………………………........63
Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako!……… ….……..……..........…….67
Aralin 6 Igagalang Ko, Oras ng Pahinga Mo……….……...….…..…74
Aralin 7 Mga Gawain Mo, Igagalang Ko…………………............…. 78
Aralin 8 Ingatan Natin, Pasilidad na Gagamitin……..........…….…..82
Aralin 9 Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa….... ....…. 88
Mungkahing Pangwakas na Gawain Para sa Yunit II………......….....93

Appendix A Unang Markahang Pagsusulit…………....……..............212

Yunit I………….......………………………….…..……………...............212
Yunit II...............………....…………………..…………..……………....217
Yunit III....…………………….…………………………………..............221
Yunit IV……………………………………………..……………............ 230

Appendix B ……………………….....…………..…………………….......236
B.1 Mapa ng Pilipinas …………………..……………...............236
B.2 Si Jacob Maentz ng Katutubo Project at ang kaniyang
mga kuhang larawan ng iba’t ibang pangkat etniko .……237
B.3 Republic Act 9003 – The Ecological Solid Waste
Management Act of 2003 ……...........……..……………...244
B.3 Sunog Basura Fact Sheet ….……………..…………….... 245

Talasalitaan ………………..………………..………………….……..........253

viii
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
DepEd Complex, Meralco Avenue
Lungsod ng Pasig

K to12 Gabay Pangkurikulum

xi
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Disyembre 2013
Baitang 4
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ang tunguhin o ”outcome” ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag–unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang siglo. Taglay ito ng
isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang pangkaalaman, pandamdamin at pangkaasalan na magbibigay sa kanya ng kakayahan upang:
1. mamuhay at magtrabaho
2. malinang ang kanyang mga potensiyal
3. magpasiya nang mapanuri at batay sa impormasyon
4. makakilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang mapabuti ang uri ng kanyang pamumuhay at ng kanyang lipunan (Literacy
Coordinating Council, Setyembre 1997).

Ibinatay ang kahulugan at ang limang palatandaan nito sa Apat na Batayan (Pillar) ng Edukasyon at sa konsepto ng UNESCO tungkol sa mga panghabambuhay na kakayahan
(life skills) na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang sumusunod ang limang palatandaan nito: (a) may kakayahang makipagtalastasan,
(b) nag-iisip nang mapanuri at may kakayahang lumutas ng suliranin, (c) ginagamit ang mga likas na yaman nang mapanagutan para sa susunod na salinlahi at (d)
produktibo, napauunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa, at (e) may malawak na pananaw sa daigdig.

Sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), ang palatandaan o batayang kakayahan ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang
panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EsP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Ang EsP ay naglalayong gabayan ang mag-aaral na mahanap /
matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan,
katarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan (macro skills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni,

xii
pagpapasiya at pagkilos.

1. Pag-unawa. Mahalagang maipamalas niya ang kakayahang mahinuha ang mga konsepto at prinsipyong nagbibigay-paLiwanag sa sariling karanasan, mga sitwasyong
namasid, sinuri at pinagnilayan gamit ang obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.

2. Pagninilay. Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon at ingay ng kapaligiran, kailangang mag-ukol ng panahon ang mag-aaral sa maingat at malalim na pag-iisip
sa mga sitwasyong naobserbahan at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay.

3. Pagsangguni. Kailangang humingi siya ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala (weigh) ng
mga impormasyong mula sa iba’t ibang uri ng media batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.

4. Pagpapasiya. Kailangang matuto siyang bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa batay sa obhektibong pamantayan ng moral na
pamumuhay.

5. Pagkilos. Mahalagang mailapat niya ang konsepto o prinsipyong nahinuha mula sa mga konkretong sitwasyon ng buhay at maipakita ang kahandaang isabuhay ang
mga mabuting ugali (virtues) na natutuhan batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

Ang mga pangunahing kakayahang ito ay nililinang sa apat na tema sa bawat taon sa paraang “expanding spiral” mula Kindergarten hanggang Grade 12. Ang sumusunod
ang apat na tema: (a) Pananagutang Pansariliat Pagiging Kasapi ng Pamilya , (b) Pakikipagkapwa at Katatagan ng Pamilya, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at
Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan. Pitong pangunahing pagpapahalaga (core values) ang nililinang sa mga
temang ito: Kalusugan at Pakikiisa sa Kalikasan, Katotohanan at Paggalang, Pagmamahal at Kabutihan, Ispiritwalidad, Kapayapaan at Katarungan, Likas-kayang Pag-unlad,
Pagkamaka-Pilipino at Pakikibahagi sa Pambansang Pagkakaisa (Values Education for the Filipino: 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, ph. 10-11).

Ang Pilosopiya at mga Batayang Teorya ng Pagtuturo-Pagkatuto

Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay batay sa pilosopiyang Personalismo tungkol sa pagkatao ng tao at sa Etika ng Kabutihang Asal (Virtue Ethics).
Ayon sa pilosopiya ng Personalismo, nakaugat lagi sa pagpapakatao ang ating mga ugnayan. Nililikha natin ang ating pagpapakatao sa ating pakikipagkapwa. Sa Virtue
Ethics naman, sinasabing ang isang mabuting tao ay nagsasabuhay ng mga virtue o mabuting gawi (habits) at umiiwas sa mga bisyo o masamang gawi. Samakatwid, ang
nagpapabuti sa tao ay ang pagtataglay at ang pagsasabuhay ng mga mabuting gawi.

Sa murang edad na 6 hanggang 12 taon, maaaring hindi pa lubos na maunawaan ng isang bata ang kanyang pagkatao bilang tao ayon sa paLiwanag ng pilosopiyang

xiii
Personalismo. Ngunit maaari siyang sanayin sa mga virtue at pagpapahalaga upang lumaki siyang isang mabuting tao. Sa mga edad na ito, mauunawaan niya na dapat
siyang magpakabuti hindi lamang sapagkat ito ang inaasahan sa kanya ng lipunan kundi dahil tao siya - may dignidad at likas ang pagiging mabuti. May dignidad ang tao
dahil siya ay bukod-tangi at may ugnayan sa kanyang kapwa, sa Diyos, at kalikasan.

Ang Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, Pagkatutong Pangkaranasan (Experiential Learning) ni David Kolb, Konstruktibismo
(Constructivism) at Teorya ng Pamimili ng Kurso (Theory of Career Development) ni Ginzberg, et. al. at Super ang iba pang teorya na nagpapaLiwanag kung paano natututo
ang mag-aaral sa EsP.

Ayon sa paLiwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao ang mga pagkatuto
tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon. Ayon pa rin sa teoryang ito, mahalaga ang mga iniisip ng tao sa kanyang pagkatuto ngunit hindi
nangangahulugang magbubunga ito ng pagbabago sa kilos.

Ang mga karanasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto ayon kay David Kolb at sa Teorya ng Pagkatuto ng Konstruktibismo. Ayon saTeorya ng Pagkatutong
Pangkaranasan ni Kolb, ang mga nasa edad (adults) ay natututo sa pamamagitan ng kanilang pagninilay sa kanilang mga karanasan, pagbuo ng mga konklusyon o insight
mula sa mga ito, at paglalapat ng mga ito sa angkop na mga sitwasyon ng buhay. Sinusuportahan ang pananaw ni Kolb ng Teorya ng Konstruktibismo. Sinasabi ng
teoryang ito nanagkakaroon ng pagkatuto ang tao at gumagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa kanyang mga karanasan. Naipamamalas ito sa pagtuturo sa
pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa mag-aaral. Nagkakaroon siya ng mga bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

Nailalapat ang mga pagkatutong ito sa paggawa ng mga pasiya tulad ng kukuning kurso o propesyon. Ayon sa Teorya ng Career Development nina Ginzberg, et. al. at Super,
dumadaan sa iba’t ibang yugto ang pagpapasya ng bata ukol sa kurso o propesyon batay sa kanyang pagtingin sa sarili (self-concept), saloobin (attitude) at mga
pagpapahalaga. Tinatanggap o tinatanggihan niya ang isang kurso o trabaho batay sa obserbasyon niya (halimbawa, mga kilos ng kanyang magulang ayon sa propesyon
nito) at sa tinuturing niyang mahalaga (halimbawa, malaking sweldo o paglilingkod sa lipunan).

Mga Disiplina ng Edukasyon sa Pagpapakatao

Ang nilalaman at istraktura ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay nakaankla sa dalawang disiplina: Ethics at Career Guidance. Ang Etika ay ang siyensya ng moralidad ng kilos
ng tao. Samantalang Career Guidance naman ang paggabay sa mag-aaral na magpasiya ng kursong akademiko, sining at isports o teknikal-bokasyonal na tugma sa kanyang
mga talento, kakayahan at aptitude at mga trabahong kailangan ng industriya.

Mga Dulog sa Pagtuturo

Ang mga pangunahing dulog na gagamitin sa pagtuturo ng mga konsepto ay ang pagpapasyang etikal ( ethical decision making) sa pamamagitan ng pagsusuri ng suliranin o
isyu), ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning), at pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal.

xiv
Ang paggawa ng pagpapasyang etikal o moral ay ang pagbuo ng pasiya na may preperensya sa kabutihan at magpapatingkad o maglilinang ng pagkatao ng tao. Proseso ito
na kinapapalooban ng (a) pag-alam sa mga detalye ng sitwasyon at (b) maingat na pagsasaalang-alang ng mga moral na pagpapahalaga na mahalaga sa isang sitwasyon.
Mahalaga rin dito ang pagiging sensitibo sa mga aspetong moral ng mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay at ang kamalayan sa mga tao o pangkat na maaapektuhan
ng pasiya.

Ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang
ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapanagutang pasiya, pakikipag-ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong sitwasyon. Paraan ito ng
paglinang ng mga kakayahan ng mag-aaral upang magtagumpay sa mga gawain sa buhay. Nahahati sa limang uri ang mga kakayahang ito: Kamalayang Pansarili,
Pamamahala ng Sarili, Kamalayang Panlipunan, Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan at Mapanagutang Pagpapasiya.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

xv
Pilosopiya ng Personalismo

Figure 1. Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao


K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

Deskripsyon ng Asignatura

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga
kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at
pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan ( macro skills): pag-unawa,
pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.

Nililinang sa apat na tema sa bawat antas mula Kindergarten hanggang Baitang 10 ang mga pangunahing kakayahang ito: (a) Pananagutang Pansarili at Mabuting
Kasapi ng Pamilya, (b) Pakikipagkapwa-tao, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pananalig at Pagmamahal sa
Diyos at Paninindigan sa Kabutihan.

MGA PAMANTAYAN SA PROGRAMA (LEARNING AREASTANDARDS)

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya, kapwa, bansa/daigdig at Diyos; nakapagpapasiya at nakakikilos
nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang maayos at maligaya.

PANGUNAHING PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (KEYSTAGE STANDARDS)

xvi
K – Baitang 3 Baitang 4 – 6 Baitang 7 – 10

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
konsepto sa pananagutang pansarili, pagkatao ng tao,
konsepto at gawaing nagpapakita ng pananagutang konsepto at gawaing nagpapakita ng pananagutang
pamilya at pakikipagkapwa, lipunan, paggawa at mga
pansarili, pampamilya, pagmamahal sa kapwa/ pansarili, pampamilya, pagmamahal sa kapwa, sa pagpapahalagang moral at nagpapasiya at kumikilos
pamayanan, sa bansa at sa Diyos tungo sa maayos at bansa/ daigdig at sa Diyos tungo sa kabutihang nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat
masayang pamumuhay. panlahat. upang mamuhay nang may kaayusan at kaligayahan.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Grade Level Standards (Pamantayan sa Bawat Baitang/Antas)

BAITANG PAMANTAYAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakaroon ng kamalayan sa paggalang at pagmamahal sa sarili, kapwa at Diyos
K bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga paraan ng paggalang sa sarili, kapwa, bansa at Diyos bilang gabay tungo sa
1
maayos at masayang tahanan at paaralan.

xvii
Naipamamalasng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapakikita ng mga kilos na nagpapahalaga sa sarili, kapwa, bansa, Diyos at sa
2 Kanyang mga nilikha bilang patnubay sa maayos at masayang paaralan at pamayanan.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga tungo sa maayos at masayang
3 pamumuhay na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya para sa sarili, kapwa, pamayanan, bansa at Diyos .

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto,
4 maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa masusing pagsusuri sa pagpapahayag, pagganap ng tungkulin na may
5 pananagutan at pagsasabuhay ng mga ito tungo sa masaya, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa sarili/ mag-anak,
kapwa/ pamayanan, bansa/ daigdig at Diyos.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

BAITANG PAMANTAYAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na tumutulong sa pag-angat ng sariling dignidad, pagmamahalsa
6 kapwa na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya tungo sa maayos, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa
kabutihang panlahat.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
7 pagbibinata, kakayahan at talento, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/
daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa layunin at kahalagahan ng pamilya at pakikipagkapwa upang maging mapanagutan sa
8
pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang buhay sa lipunan.

9 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa
tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan.

xviii
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkatao ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang moral
10
at mga isyung moral at nagpapasya at kumikilos nang may preperensya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung
moral at impluwensya ng kapaligiran.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

BAITANG 4

Pamantayan Para sa Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos,
Baitang 4 masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos.

BATAYANG
PAMANTAYANG PAMANTAYAN
PAGPAPAHALAGA/ PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PANGNILALAMAN SA PAGGANAP CODE
MGA KAUGNAY NA ( Learning Competencies)
(Content Standard) (Performance Standard)
PAGPAPAHALAGA
I. Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya – Unang Markahan
1. Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang
EsP4PKP-
1. Katatagan ng loob Naipamamalas ang pag- Naisasagawa nang may maging bunga nito
Ia-b – 23
(Fortitude) unawa sa kahalagahan mapanuring pag-iisip ang
ng pagkakaroon ng tamang pamamaraan/ 2. Nakapagsusuri ng katotohanan bago
2. Pagkamatiyaga katatagan ng loob, pamantayan sa pagtuklas gumawa ng anumang hakbangin: EsP4PKP-
(Perseverance) mapanuring pag-iisip, ng katotohanan. 2.1. pagsangguni sa taong kinauukulan Ic-d – 24

xix
pagkamatiyaga,
3. Pagkamapagtiis pagkamapagtiis, 3. Nakapagninilay ng katotohanan mula sa
(Patience) pagkabukas-isip, mga:
pagkamahinahon at 3.1. balitang napakinggan
EsP4PKP-
4. Mapanuring pag-iisip pagmamahal sa 3.2. patalastas na nabasa/narinig
Ie-g - 25
(Critical thinking) katotohanan na 3.3. napanood na programang pantelebisyon
magpapalaya sa 3.4. nababasa sa internet at mga social
5. Pagkakaroon ng anumang alalahanin sa networking sites
bukas na isipan buhay ng tao bilang
(Open-mindedness) kasapi ng pamilya

6. Pagmamahal sa
katotohanan (Love of
truth) 4. Nakapagsasagawa nang may mapanuring
pag-iisip ng tamang pamamaraan/ EsP4PKP-
7. Mapagpasensiya pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan. Ih-i - 26
(Patience/Self-
Control)

8. Pagkamahinahon
(Calmness)
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

BATAYANG
PAMANTAYANG PAMANTAYAN
PAGPAPAHALAGA/ PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PANGNILALAMAN SA PAGGANAP CODE
MGA KAUGNAY NA ( Learning Competencies)
(Content Standard) (Performance Standard)
PAGPAPAHALAGA
II. Pakikipagkapwa-tao -Ikalawang Markahan
5. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa
1. Pagdama at pag- Naipamamalas ang pag- Naisasagawa nang damdamin at kilos ng kapwa tulad ng:
unawa sa damdamin unawa na hindi mapanuri ang tunay na 5.1. pagtanggap ng sariling pagkakamali at
ng iba (Empathy) naghihintay ng kahulugan ng pagtutuwid nang bukal sa loob EsP4P- IIa-
anumang kapalit ang pakikipagkapwa 5.2. pagtanggap ng puna ng kapwa nang c–18
2. Pagkabukas-palad paggawa ng mabuti maluwag sa kalooban
(Generosity) 5.3. pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng
damdamin sa pagbibiro
3. Pagkamatapat/Pagigi 6. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o
ng Totoo makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng EsP4P-
(Sincerity/Honesty) pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan IId–19
ng kapwa
7. Naisasabuhay ang pagiging bukas-palad sa
7.1. mga nangangailangan EsP4P-
7.2. panahon ng kalamidad IIe– 20

xx
8. Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa
4. Paggalang (Respect) Naisasagawa ang mga sumusunod na sitwasyon:
paggalang sa karapatan 8.1. oras ng pamamahinga
5. Kabutihan (Kindness) ng kapwa 8.2. kapag may nag-aaral
8.3. kapag mayroong maysakit
8.4. pakikinig kapag may nagsasalita/
nagpapaLiwanag
8.5. paggamit ng pasilidad ng paaralan nang
may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
EsP4P-IIf-
8.5.1. palikuran
i– 21
8.5.2. silid-aklatan
8.5.3. palaruan
8.6. pagpapanatili ng tahimik, malinis at
kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng
pakikipagkapwa-tao
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

BATAYANG
PAMANTAYANG PAMANTAYAN
PAGPAPAHALAGA/ PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PANGNILALAMAN SA PAGGANAP CODE
MGA KAUGNAY NA ( Learning Competencies)
(Content Standard) (Performance Standard)
PAGPAPAHALAGA
III. Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa – Ikatlong Markahan

1. Pagmamahal sa Naipamamalas ang pag- Naisasabuhay ang mga 9. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o
Bansa unawa sa pagmamahal gawaing nagpapakita ng pagbabasa ng mga pamanang kulturang
sa bansa sa pagpapahalaga sa kultura materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, EsP4PPP-
1.1. Pagpapahalaga pamamagitan ng mga epiko) at di-materyal (hal. mga IIIa-b–19
sa Kultura pagpapahalaga sa magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa
(Appreciation of kultura nakatatanda at iba pa)
One’s Culture)
10. Naipagmamalaki/napahahalagahan ang
nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat
EsP4PPP-
etniko tulad ng kuwentong-bayan,
IIIc-d–20
katutubong sayaw, awit, laro at iba pa

xxi
2. Likas-kayang Pag- Naipamamalas ang pag- Naisasabuhay ang patuloy 11. Nakasusunod sa mga batas/panuntunang
unlad unawa sa kahalagahan na pagninilay para EsP4PPP-
pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng
2.1. Pagkakaroon ng ng pagkakaroon ng makapagpasya nang IIIe-f–21
kapaligiran kahit walang nakakakita
Disiplina sariling disiplina para sa wasto tungkol sa epekto
(Discipline) bansa tungo sa ng tulong-tulong na 12. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan
pandaigdigang pangangalaga ng at kaayusan ng kapaligiran saanman sa
3. Pandaigdigang pagkakaisa kapaligiran para sa pamamagitan ng:
Pagkakaisa kaligtasan ng bansa at 12.4. segregasyon o pagtapon ng mga
(Globalism) daigdig basurang nabubulok at di-nabubulok
3.1. Kalinisan at sa tamang lagayan
Kaayusan 12.5. pag-iwas sa pagsunog ng anumang
bagay EsP4PPP-
12.6. pagsasagawa ng muling paggamit ng IIIg-i–22
mga patapong bagay (Recycling)
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

BATAYANG
PAMANTAYANG PAMANTAYAN
PAGPAPAHALAGA/ PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PANGNILALAMAN SA PAGGANAP CODE
MGA KAUGNAY NA ( Learning Competencies)
(Content Standard) (Performance Standard)
PAGPAPAHALAGA
IV. Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan – Ikaapat na Markahan
13. Napahahalagahan ang lahat ng mga likha:
1. Ispiritwalidad Nauunawaan at Naisasabuhay ang may buhay at mga materyal na bagay
(Spirituality) naipakikita ang pananalig sa Diyos sa 13.1. Sarili at kapwa-tao: EsP4PD-
pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng 13.1.1. pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit IVa-c–10
2. Pagmamahal sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at 13.1.2. paggalang sa kapwa-tao
Diyos (Love of God) paggalang, pagtanggap pagmamahal sa mga likha
at pagmamahal sa mga 13.2. Hayop:
EsP4PD-
3. Pag-asa (Hope) likha 13.2.1. pagkalinga sa mga hayop na ligaw
IVd–11
at endangered
4. Pagkakawanggawa
(Charity) 13.3. Halaman :
pangangalaga sa mga halaman gaya
ng :
13.3.1. pag-aayos ng mga nabuwal EsP4PD-
halaman IVe-g–12
13.3.2. paglalagay ng mga lupa sa paso
13.3.3. pagbubungkal ng tanim na

xxii
halaman sa paligid

13.4. Mga Materyal na Kagamitan:


EsP4PD-
13.4.1. pangangalaga sa mga materyal na
IVh-i –13
kagamitang likas o gawa ng tao
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM

CODE BOOK LEGEND

Sample: EsP10PB-IIIg-12.1

LEGEND SAMPLE DOMAIN/ COMPONENT CODE

Learning Area and Tungkulin Ko Sa Aking Sarili at Pamilya PKP


Edukasyon sa
Strand/ Subject or
Pagpapakatao Mahal Ko, Kapwa Ko P
Specialization
EsP
First Entry
10 Para Sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo PPP
Grade Level Baitang 10
Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos PD
Pagkilala at Pamamahala sa mga Pagbabago sa
PS
Domain/Content/ Ang Pagpapahalaga at Sarili
Uppercase Letter/s PB
Component/ Topic Birtud
Ang Pagkatao ng Tao PT

xxiii
- Ang Pagpapahalaga at Birtud PB
Roman Numeral Ang Pakikipagkapwa P
Quarter Ikatlong Markahan III
*Zero if no specific quarter
Lowercase Letter/s Mga Isyu sa Pakikipagkapwa IP
*Put a hyphen (-) in between
Week Ikapitong linggo g Ang Papel ng Lipunan sa Tao PL
letters to indicate more than a
specific week
Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan TT
-
Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa KP
NakapagpapaLiwanag ng
kahalagahan ng Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong
Arabic Number Competency 12.1 Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at PK
pangangalaga sa
kalikasan Isports, Negosyo o Hanapbuhay
Ang Moral na Pagkatao MP

Ang Makataong Kilos MK

Ang Aking Posisyon sa mga Isyung Moral PI


Yunit II
Pakikipagkapuwa-tao

43
Ang kasabihang “Those who are happiest are those who do the
most for others” ay sumusuporta sa konsepto ng pakikipagkapuwa-tao.
Walang taong maaaring mabuhay na nag-iisa. Ang pakikipagkapuwa-tao
ay kinakailangang maisaisip, maisapuso, at maisabuhay ng bawat isa mula
sa kaniyang pagkabata upang umunlad tayo bilang isang indibidwal, isang
pamayanan, at isang bansa. Ang katatagan ng mga yunit ng lipunan ay
naka-ugat sa makabuluhang pakikipagkapuwa-tao ng mga kasapi nito.
Nais ipahatid ng kasabihan na nakapagbibigay ng kaligayahan sa isang
tao ang pag-unawa sa damdamin at pagtulong sa kapuwa.

Ang yunit na ito ay gagabay sa iyo bilang guro, upang maikintal


sa isip at puso ng bawat mag-aaral ang mga pagpapahalaga sa bawat
kakayahan. Ang mga pagpapahalaga tulad ng pagdama at pag-unawa sa
damdamin ng iba, pagkabukas-palad, at kabutihan ay ipoproseso bilang
bahagi ng pagbuo sa pagkatao ng bawat batang Pilipino.

Pinahahalagahan ng yunit na ito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga


aralin, at ang mga gawain na tumutugon sa pangangailangan ng isang
indibidwal patungo sa isang ganap na pagpapakatao. Tatalakayin din dito
ang iba’t ibang paraan ng pakikipagkapuwa-tao at mapagninilayan ang mga
pagkakataon na kumikilos ang tao para sa sarili at sa kaniyang kapuwa ng
hindi naghihintay ng anumang kapalit sa paggawa ng mabuti. Binibigyang-
pansin din ang paggalang sa karapatan ng kapuwa.

Nahahati sa siyam (9) na aralin ang Ikalawang Yunit na


magsasakatuparan ng mga pagpapahalaga at kaisipang pangnilalaman:

Aralin 1: Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko


Aralin 2: Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko
Aralin 3: Mga Biro Ko, Iniingatan Ko
Aralin 4: Damdamin Mo, Nauunawaan Ko
Aralin 5: Kapuwa Ko, Nandito Ako!
Aralin 6: Igagalang Ko, Oras ng Pahinga Mo
Aralin 7: Mga Gawain Mo, Igagalang Ko
Aralin 8: Ingatan Natin, Pasilidad na Gagamitin
Aralin 9: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa

44
Sa pagtatapos ng mga aralin sa yunit na ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

1. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng


kapuwa.

2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang


pangyayaring nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan/
pangangailangan ng kapuwa.

3. Naisabubuhay ang pagiging bukas-palad.

4. Nakapagpapakita ng paggalang sa kapuwa sa iba’t ibang


sitwasyon.

Iminumungkahing talakayin ang mga aralin sa Yunit II sa loob ng


siyam (9) na linggo sa Ikalawang Markahan ng taong panuruan.

45
Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

Layunin: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na


kahulugan ng pakikipag-kapuwa

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba


(Empathy)

Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga


larawang nagpapakita ng iba’t ibang emosyon.

Integrasyon: Filipino

Pamamaraan:

Alamin Natin

1. Magpaskil ng mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang emosyon


(masayang mukha, malungkot na mukha, galit at iba pa). Maaaring
gumamit ng laptop o tunay na larawan.

2. Itanong: “Kailan ka nagiging masaya?“


“Kailan ka naman nagiging malungkot?”
‘Kailan ka rin nagagalit?”

3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagproseso ng kanilang mga


emosyon. Halimbawa: nagiging masaya ang isang tao kapag
nakagawa siya ng kabutihan sa kapuwa, nalulungkot o kaya ay
nagagalit kapag may nagawang pagkakamali o kaya ay nakasakit
ng kapuwa.

4. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang kuwentong “Parol ni


Carla” at talakayin pagkatapos ang mga katanungan. Tanggapin at
talakayin ang iba’t ibang sagot ng mga mag-aaral.

5. Sikaping makapagpaliwanag ang mga mag-aaral kung bakit tama o


mali ang paghingi ng paumanhin kapag nakagagawa ng pagkakamali
sa kapuwa. Gamitin ang iyong kaalaman sa Art of Questioning

46
upang makuha ang nais na sagot mula sa mga mag-aaral. Itanong
sa mag-aaral kung ano ang nararamdaman nila tuwing nakakakita
sila ng mga taong kinukutya o kaya ay pinagtatawanan. Ipaliwanag
na kapag nararamdaman nila o nauunawaan ang damdamin ng
kapuwa, ang tawag dito ay empathy.

6. Bilang karagdagang gawain sa Alamin Natin, (optional) payuhan


ang mga mag-aaral na ipikit ang kanilang mga mata at iparinig ang
kantang “Bulag, Pipi, at Bingi”.

Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali


Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi

Madilim ang ‘yong paligid, hatinggabing walang hanggan


Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan
H’wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan.

Chorus
Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo
Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal.

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin


Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman.

[Repeat Chorus]
Ano sa ‘yo ang musika, sa ‘yo ba’y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

[Repeat Chorus]

Di makita, di madinig, minsa’y nauutal


Patungo sa hinahangad na buhay na banal
47
Matapos pakinggan ang awit ay ipadilat ang kanilang mga mata at
sabayan ang awitin. Maaari ding itanong ang sumusunod:

a. Itala ang mga taong binanggit sa awit. Ano ang kanilang mga
kapansanan?

b. Ano ang iyong naramdaman para sa kanila habang nakikinig ka


sa awit?

c. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng mga taong may


kapansanan kapag sila ay nililibak at pinagtatawanan ng mga
taong nakapaligid sa kanila?

d. Ano ang maaari mong gawin kapag nakita mong ang isang taong
may kapansanan ay sinasaktan ng iba?

e. Kung ikaw naman ang nakagawa ng pagkakamali sa iyong


kapuwa, lalo na sa mga may kapansanan, paano mo ito
itinutuwid?

7. Magbigay pa ng ibang halimbawa ng mga sitwasyon upang higit


na maintindihan na ang pagkakamali ay nangyayari subalit dapat
silang maging handa upang harapin at ituwid ang mga ito.

Isagawa Natin

1. Iugnay ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa naging talakayan sa


Alamin Natin.

2. Itanong:
“Sino ang kapuwang nasaktan o nagawan mo ng pagkakamali,
sinasadya man o hindi?”

Maaaring ito’y mga kaibigan, kaklase, kalaro, o kapamilya at iba pa.


Ipasulat ito sa unang hanay tulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral.
Puwede nilang isulat ang pangalan kung nais nila. Sa ikalawang
hanay ay ipasulat kung anong kamalian ang nagawa, at sa ikatlong
hanay ay ang paraan kung paano nila itutuwid ang pagkakamali.

48
3. Matapos ang Gawain 1 ay pangkatin sa apat ang mga mag-aaral
para sa Gawain 2, upang maiproseso ang kanilang sagot. Gabayan
sila sa pagbuod ng mga sagot.

4. Maghanda ng metacards na may apat na kulay upang makilala


kung saang grupo galing ang sagot. Ipaliwanag sa mag-aaral ang
one card one idea na ang ibig sabihin, isang sagot lang ang isusulat
sa bawat metacard. Maghanda rin ng mapagdidikitang kartolina.

5. Itanong:

a. “Ayon sa inyong mga sagot sa unang hanay, sino ang mas


madalas nagagawan ng pagkakamali?”

b. “Alin sa mga ito ang pare-parehong pagkakamali na madalas


na nagagawa?”

c. “Sang-ayon ba kayo sa paraan ng pagtutuwid sa pagkakamali


na ginawa mula sa mga sagot ng bawat pangkat?
Ipaliwanag.”

6. Talakayin nang mas malalim ang ikatlong hanay. Gabayan ang


mga mag-aaral upang maintindihan nilang may mga paraan upang
maituwid ang pagkakamali. Maaari rin magkaroon ng karagdarang
talakayan o debate upang higit na maunawaan ang paraan ng
pagtutuwid ng pagkakamali.

Isapuso Natin

1. Magkaroon ng balik-aral sa mga salitang ginamit sa pagtutuwid


ng pagkakamali. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain
sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ito sa
pamamagitan ng pagtawag sa mag-aaral upang basahin sa harap
ng klase ang kanilang isinulat.

2. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pagkakaunawa nila sa


kasabihang “Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong
gawin sa iyo.” Tanggapin ang iba’t ibang kasagutan. Mahalagang
maiproseso ang kanilang mga sagot.
49
3. Ipabasa at ipaunawa ang nilalaman ng Tandaan Natin. Dapat
maikintal sa isip at puso ng mga mag-aaral ang pagpapahalagang
tinalakay dito.

Isabuhay Natin

1. Sa puntong ito ay mas malalim na ang pagkaunawa ng mga mag-


aaral sa mga salitang pagtutuwid ng kamalian. Talakayin sa kanila
ang kahulugan ng “sorry o patawad”. Ipaliwanag na ang salitang ito
ay dapat ginagamit nang may katapatan at bukal sa loob (Sincerity).

2. Pagawain ang mga mag-aaral ng isang card para sa taong nagawan


nila ng kamalian. Ipasulat sa card ang mga bagay na naging dahilan
ng pagkakamali. Kailangan ding humingi sila ng tawad at paumanhin
sa taong pagbibigyan ng card. Itsek muna ang card at siguraduhing
maibibigay ang card na ito.

3. Ipaulat sa mga mag-aaral ang naging bunga ng paghingi ng


paumanhin.

Subukin Natin

1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel at ipasagot ang


Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong


talakayin. Mahalagang malaman ang dahilan ng kanilang mga
sagot.

3. Hingian ang mga mag-aaral ng natutuhan tungkol sa natapos na


aralin.

50
Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko

Layunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon


sa damdamin at kilos ng kapuwa tulad ng
pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag
sa kalooban

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba


(Empathy), pagiging totoo (sincerity)

Mga Kagamitan: kuwaderno, kartolina

Integrasyon: Art

Pamamaraan:

Alamin Natin

1. Bilang pagsisimula ng aralin, gabayan ang mag-aaral sa pagtiklop


ng papel tulad ng ibinigay na panuto at hakbang sa Alamin Natin
sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipaliwanag na mabuti sa mag-aaral
ang mga hakbang na susundin upang makagawa ng PUNAYPAY.
Magpatugtog ng musikang mabilis ang tempo upang mas masigla
ang pagpapasa ng PUNAYPAY.

2. Ibabalik ito sa may-ari at hayaang basahin niya ang isinulat na mga


puna ng kaniyang kaklase.

3. Pagawain sila sa kanilang kuwaderno ng dalawang kahon upang


mapagkompara ang ibinigay na mga puna.

4. Matapos ang pagsusulat ng mga mag-aaral, iproseso ang kanilang


mga sagot

5. Magdagdag pa ng tanong bukod sa ibinigay sa Kagamitan ng Mag-


aaral upang higit na maunawaan ng mag-aaral na dapat nilang
tanggapin nang positibo maging ang mga negatibong puna.

51
Isagawa Natin

1. Ipaunawa sa mga mag-aaral na sa pang-araw-araw na buhay


ay maaari silang makatanggap ng positibo at negatibong puna.
Magbigay ng sariling halimbawa ayon sa karanasan. Hingan ng
opinyon ang mag-aaral.

2. Ibigay na halimbawa ang pagsali ng isang kalahok sa anumang


paligsahan. Halimbawa nito ang “Birit Bulilit” na tinalakay sa Gawain
1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang mga
mag-aaral upang maunawaan nila na ang bawat tao ay maaaring
mabigo o hindi matupad ang labis na inaasahan.

3. Idagdag sa mga katanungan:

a. May karanasan ba kayo na tulad ng naranasan ng nasa


kuwento? Maaaring sa ibang larangan kayo sumali at hindi
natupad ang inyong inaasahan.

b. Kapag nangyari ito sa iyo, ano ang iyong gagawin? Magagalit


ka ba sa pumuna sa iyo?

4. Mahalagang maunawaan ng mag-aaral na dapat pagbuhusan nila


ng pansin ang mungkahi at puna upang mas mapaunlad ang sarili.

5. Ipaunawa din sa kanila na hindi sila dapat masanay na laging


negatibong puna ang kanilang matatanggap. Kailangang paunlarin
ang kasanayan upang makatanggap ng mga papuri at magagandang
puna. Ipaunawa sa mag-aaral na dapat maging competent at
competitive upang mas maging maayos ang pagtupad sa mga
pangarap sa buhay.

6. Gamit ang kanilang kuwaderno, pasagutan ang Gawain 1.

7. Para sa Gawain 2, pangkatin ang klase sa apat. Gabayan ang


bawat pangkat upang makaguhit ng isang huwarang silid-aralan na
nakasentro sa Pagpapahalaga o Values. Ang tema ng paligsahan

52
ng mga silid-aralan ay makabuo ng classroom of characters na
tinawag nilang “Pagpapahalaga sa Class Home Ko”. Hindi lamang
sa dekorasyon makikita ang Pagpapahalaga kundi sa kilos at pag-
uugali ng mga mag-aaral.

8. Pagawain sila ng action plan kung anong Pagpapahalaga (Values)


ang bibigyang-diin bawat buwan. Tuwing katapusan ng buwan ay
may mananalong silid-aralan. Ang iginuhit na huwarang silid-aralan
ay susukatin sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan sa
ibaba. Anyayahan ang Guidance Counselor, kinatawan ng Supreme
Pupil Government at kinatawan ng Samahan ng Magulang at Guro
upang maging hurado

Mga Pamantayan 3 2 1
Nakapokus ang May pokus ang Kulang sa Hindi nabigyang
dekorasyon sa planong ayos pokus ang pansin ang
Pagpapahalagang ng silid-aralan. plano. nais ipokus na
binibigyang-diin. Maayos at Pagpapahalaga
organisado ang (Values)
pagkakalagay sa planong
ng mga pagpapaganda
Pagpapahalagang ng silid-aralan.
(Values) nais
bigyang-diin.

Tamang saloobin Ang bawat kasapi Hindi Hindi nakapag-


sa pagpapakita ng ng pangkat ay gaanong ulat ng output
output nagpakita ng nagpakita ng ang pangkat.
positibong pag- kasiglahan
uugali sa pag- sa pag-uulat
uulat ng output. ang mga
Halimbawa: kasapi ng
Magalang sa pag- pangkat.
uulat.

53
Isapuso Natin

1. Ipabasa nang tahimik ang mga sitwasyon sa Isapuso Natin sa


Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Gamit ang kuwaderno, ipasulat sa mag-aaral ang kanilang magiging


pasiya kung dumating ang katulad ng ibinigay na sitwasyon sa kanila.

3. Iproseso ang sagot ng mag-aaral. Ipabasa nang malakas ang sagot


ng bawat isa. (Gawan ng paraan na makapagbasa ang bawat mag-
aaral ng isang sagot).

4. Ang mga impormasyon sa Tandaan Natin ay dagdag na kaalaman


para sa mag-aaral. Inaasahan na may malawak na pagpapaliwanag
ang guro upang mas maramdaman ng mag-aaral ang araling ito.

5. Maaaring magamit sa pagpapaliwanag ang kaalaman tungkol sa


Teorya ng Interaktibong Pagkatuto (Interactive Learning Theory)
ni Albert Bandura. Sinasabi sa teoryang ito na ang isang tao ay
maaaring matuto sa pamamagitan ng pagmamasid at pagkuha ng
bagong impormasyon sa kaniyang kapuwa.

6. Iugnay ang teoryang ito sa paraan ng pagtanggap ng mga puna at


papuri.

Isabuhay Natin

1. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng wikang pambansa, atasan ang


mag-aaral na magsaliksik ng buhay ni Manuel L. Quezon, ang ama
ng Wikang Filipino.

2. Pangkatin ang klase sa apat at bigyan ang bawat pangkat ng sapat


na oras upang makapaghanda ng tatlong minutong pagsasadula ng
isang bahagi ng buhay ni Manuel L. Quezon.

3. Gabayan ang bawat pangkat upang makapagbigay ng puna sa


presentasyon ng ibang pangkat.

54
4. Gabayan ang mag-aaral upang maipakita ang mahinahong
pagtanggap ng negatibo at positibong puna sa kanilang
pagtatanghal.

5. Kung may mag-aaral na magpapakita ng pagkapikon sa mga


natanggap na puna, muling balikan ang mga paraan ng mahinahong
pagtanggap ng mga ito.

Subukin Natin

1. Gamit ang kuwaderno ng mga mag-aaral, pasagutan ang Subukin


Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Hingan ng insights ang mga mag-aaral hinggil sa natapos na aralin.

55
Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko

Layunin: Pagpili ng mga salitang di nakasasakit ng


damdamin sa pagbibiro

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba


(Empathy), pagiging totoo (Sincerity)

Mga Kagamitan: video clip ng isang comedy show, larawan ng mga


batang binu-bully ng kapuwa bata (na may speech
balloon), kopya ng Anti-Bullying Act of 2013

Integrasyon: Araling Panlipunan; R.A. 10627

Pamamaraan:

Alamin Natin

(Inaasahang may kaalaman ang guro sa Republic Act 10627 o Anti-Bullying


Act of 2013 bago simulan ang araling ito)

1. Simulan ang aralin sa pagpapakita ng isang video clip ng isang


comedy show.
Itanong: “Napanood na ba ninyo ang comedy show na
ito? Nagustuhan mo ba ang palabas na ito?
Bakit”? (tanggapin ang iba’t iba nilang sagot)

2. Ipakita din ang larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata.


Itanong: “Naranasan mo na bang mapikon sa isang
biro? Ano ang iyong ginawa”? (tanggapin ang
sagot ng mga mag-aaral)

3. Ang kuwento sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral


ay maaaring isadula ng mga mag-aaral. Pumili ng mag-aaral na
magbabasa ng mga pagbibirong nakasaad sa kuwento. Maaari itong
ipaulit sa mga mag-aaral hanggang makapili ng pinakamahusay at
pinakanakatutuwang magbiro.

56
4. Matapos basahin o isadula ang kuwento, pasagutan ang tanong
nang pasalita. Ipaguhit ang isang mukha na nagpapakita ng kanilang
damdamin kung sila ang nasa kalagayan ni Ikeng. Itanong sa kanila
kung bakit ito ang kanilang nararamdaman. Bigyan sila ng limang
minuto upang makaguhit.

5. Laging bigyang-diin ang kanilang mararamdaman kung sila ang


nasa kalagayan ng kanilang kapuwa. Hingin ang opinyon ng mga
mag-aaral. Hayaan din silang magkuwento ng kanilang karanasan
(o karanasan ng kakilala nila) tulad ng nangyari kay Ikeng.

6. Sabihin sa mga mag-aaral na kailangan nilang magsaliksik tungkol


sa Anti-Bullying Act of 2013. Maaari silang magtanong sa mga kasapi
ng Child Protection and Anti-Bullying Committee ng paaralan.

Isagawa Natin

Gawain 1

1. Sa puntong ito, ipaliwanang sa mga mag-aaral na ang kanilang


ginagamit na mga salita ay maaaring makasakit ng kapuwa.

2. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Gawain 1 ng


Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

Gawain 2

1. Pangkatin ang klase sa apat. Ipaliwanag ang gagawin ng bawat


pangkat. Maaaring isulat sa unang hanay ang pangalan ng tao o
pamagat ng palabas sa telebisyon ng pinanggalingan o nagsabi ng
biro.

Ipaliwanag sa mag-aaral na ang isusulat nila sa ikalawang hanay


ay maaaring nakasasakit o nakapagpapasaya sa damdamin

2. Bigyan ang bawat pangkat ng sampung minuto upang sagutan ang


gawain at iulat ang kanilang sagot sa binigay na takdang oras.

57
3. Markahan ang kanilang presentasyon sa pamamagitan ng
pamantayan sa ibaba. Lagyan ng tsek (ü) ang tapat ng iskor na
nakuha ng pangkat gamit ito.

Mga 4 na
5 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Pangkat puntos
1
2
3
4

5 - Naibigay ang lahat ng hinihinging impormasyon.


Ang lahat ng miyembro ay nakiisa sa gawain.
Makikita ang pagtutulungan sa pangkat.
May kahandaan ang pangkat.
Maayos na naiulat ang datos

4 - May isang kulang sa mga ebidensiyang hinahanap sa


pamantayan

3 - May dalawang kulang sa mga ebidensiyang hinihingi sa


pamantayan.

2 - Walang kahandaan ang pangkat kaya’t kulang ang naibigay


na impormasyon

1 - Hindi angkop ang mga sagot na naibigay.

Pag-usapan ang naging presentasyon ng pangkatang gawain


upang mas maunawaan ng mga mag-aaral kung bakit iyon ang
nakuha nilang iskor.

Isapuso Natin

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sitwasyon sa Isapuso Natin sa


Kagamitan ng Mag-aaral. Pagkatapos basahin ay gagawa sila ng
pagpapasiya kung ano ang nararapat gawin sa sitwasyong ito.

58
2. Talakayin sa mag-aaral ang tungkol sa Anti-Bullying lalo na ang
pang-aabuso sa kapuwa gamit ang masasakit na salita. Muling
balikan ang kanilang nararamdaman kapag nakaririnig sila ng mga
salitang nakasasakit ng damdamin. Iugnay ang isusulat nila sa
speech balloon sa kahalagahan ng paggamit ng mga birong hindi
nakasasakit ng damdamin.

3. Gawing seryoso ang pagtalakay sa kahulugan ng Empathy at


Sincerity. Ipaunawa sa mag-aaral na hindi lamang sa pangkaraniwang
pag-uusap naipakikita ang pagkamahinahon. Maging sa pagbibiro
at pagtanggap ng mga biro ay naipadarama ito sa kapuwa.

4. Ang Guidance Counselor ng paaralan ay makatutulong upang


maipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-unawa
sa damdamin ng kapuwa.

5. Talakayin ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral at itanong


ang mga sumusunod:

a. “Paano maipakikita ang pagiging mahinahon sa pakikipag-


usap sa kapuwa”?

Inaasahang sagot:
“Ang pagiging mahinahon ay maipakikita sa pamamagitan
ng paggamit ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin.
Mahalaga din ang tono ng ating pagsasalita. Maging sa
pagbibiro, isipin lagi na ang layunin ay magpasaya at hindi
makasakit.”

b. “Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapuwa”?

Inaasahang sagot:
“Ang emosyon, katawan, at kaisipan ng tao ay
naaapektuhan ng masasakit na salitang ginagamit sa kaniya.
Bumababa ang pagpapahalaga at tiwala niya sa sarili.”

59
c. “Ano ang dapat gawin kapag nabu-bully”?

Inaasahang sagot:
“Sabihin agad sa guro at mga magulang. Maaari din
na magsumbong sa kinauukulan, at mahalagang alamin ang
tungkol sa batas na Anti-Bullying.”

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na hindi sila dapat matakot sa mga


nambu-bully subalit lalong hindi sila dapat mam-bully. Magbigay ng
paliwanag tungkol sa nilalaman ng batas na ito lalo na ang tungkol sa
pang-aabusong berbal. Nakasaad sa paliwanag sa ibaba ang mga datos
na makatutulong sa pagpapaliwanag tungkol sa “Anti-Bullying Act of 2013.”

Ang “Anti-Bullying Act of 2013” ay kilala rin bilang “Republic Act


10627”. Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino
III noong ika-12 ng Setyembre, 2013. Naglalayon ang batas na ito na
ipagbawal sa mga paaralan sa buong bansa ang bullying. Ang pambu-bully
ay mangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa
ng isa o ng isang grupo sa isa pa - pisikal man, berbal o mental - na
nagbubunga ng kawalang gana o takot na pumasok ng isang estudyante
sa eskuwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang lahat ng paaralan sa elementarya


at sekondarya ay kinakailangang gumawa ng mga alituntunin laban sa
bullying sa kani-kanilang institusyon. Ang kopya ng mga alituntunin ay
kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang nila.

Kabilang sa polisiya ay ang pagbabawal sa bullying sa loob ng mga


paaralan at kahit sa mga school-related activities. Ipinagbabawal din ang
paggamit ng teknolohiya sa bullying. Ang pananakot gamit ang teknolohiya
ay isang napakalaking isyu sapagkat ang mga kabataang tulad mo ang
higit na naaapektuhan nito. May mga mungkahi upang maiwasang ma-
bully sa internet o “cyber bullying”:

1. Huwag tumugon

Kung may nananakot sa iyo, tandaan na ang iyong reaksiyon

60
ay ang gustong palabasin ng nananakot. Binibigyan siya nito ng
kapangyarihang na higit sa iyo. Sino ang may gustong magpalakas
sa isang nananakot?

2. Huwag gumanti

Kapag gumanti ka sa nam-bully sa iyo, magiging katulad ka


lamang niya. Tumulong na iwasang maulit pa ang pananakot.

3. Itabi at ingatan ang ebidensiya

Ang tanging magandang balita tungkol sa digital na pananakot


ay karaniwang maaaring makuha, maitabi, at maipakita ang mga
mensahe ng panggigipit sa isang taong maaaring makatulong. Itabi
o likumin ang ebidensiya kahit na maliit na bagay lang ito - kung
sakaling lumaki ang problema.

4. I-block ang nananakot

Kung ang panggigipit ay nagmumula sa anyo ng mga instant


message, text, o komento sa profile, gawan ng pabor ang sarili.
Gamitin ang mga kagustuhan o tool sa privacy upang i-block ang tao.
Kung nasa chat ito, umalis sa room. Maaaring hindi nito wakasan ang
problema, ngunit hindi kailangang harapin ang panggigipit sa lahat
ng oras, at ang walang reaksiyon ay paminsang nagpapawalang-
gana sa mga nananakot kaya titigil sila.

5. Humingi ng tulong

Maaring humingi ng tulong mula sa pakikipag-usap sa isang


kaibigan na mapagkakatiwalaan. Karaniwang mabuting isama
ang isang magulang ngunit - kung hindi ito magagawa - maaaring
makatulong ang tagapayo ng paaralan. Kung talagang ninenerbiyos
tungkol sa pagsasabi ng isang bagay, tiyaking may paraan upang
iulat ang pangyayari nang hindi nakikilala sa paaralan. Maaari itong
magresulta sa pagbibigay ng tulong na kinakailangan sa mga
nananakot upang mabago ang kanilang pag-uugali.

61
Inatasan ng RA 10627 ang mga paaralan na magpataw ng parusa
sa mga mahuhuling nambu-bully. Kailangan din silang sumailalim sa
rehabilitation program na pangangasiwaan ng paaralan.

Nakasaad naman sa batas na kailangang gawing “confidential” ang


pagkakakilanlan sa nasangkot sa bullying. Ang tanging makaaalam lamang
nito ay ang school administration, ang gurong direktang responsable sa
mga biktimang estudyante, Guidance Counselor ng paaralan, at mga
magulang o tagapangalaga ng mga naging biktima ng pambu-bully.

Isabuhay Natin
1. Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng isang pagtatanghal
sa inyong paaralan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang
isang bahagi ng programa ay ang pagkakaroon ng “Kuwelang Bulilit”
upang makapagpasaya sa buong paaralan. Ang mag-aaral na nais
makasali ay dapat maghanda ng mga biro o jokes na maaaring
sariling gawa o kinuha sa internet.
2. Pipiliin ng guro ang mga mag-aaral na magtatanghal sa “Kuwelang
Bulilit” gamit ang pamantayan na nasa ibaba.

Nakapagpapasaya Nagustuhan
Nababagay sa
Biro o Joke / at hindi ng mga
mga nakikinig/
Pick –up nakasasakit ng nakikinig/
nanonood
Line # damdamin nanonood
(3pts.)
(5pts.) (2pts.)

Subukin Natin
1. Pasagutan sa sagutang papel ang mga tanong sa Subukin Natin sa
Kagamitan ng Mag-aaral.
2. Pagawain ang bawat isang mag-aaral ng pick-up line na may temang
pagmamahal sa kapuwa.
3. Bilang pagwawakas, hingan ang mga mag-aaral ng insights o
natutunan sa araling ito.

62
Aralin 4 Damdamin Mo, Nauunawaan Ko

Layunin: Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o


makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng
pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng
kapuwa

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba


(Empathy), Kabutihan (Kindness)

Mga Kagamitan: video clips ng pagdamay o larawang nagpapakita


ng pagdamay sa mga nalulungkot, kuwaderno,
musikang may mabilis na tempo, plastik na bola

Integrasyon: MSEP - Paglalaro

Pamamaraan:

Alamin Natin

1. Bago simulan ang araling ito, mag-flash ng mga video clips ng


pagdamay o kaya naman ay mga larawang nagpapakita ng
pagdamay sa mga nalulungkot.

Halimbawa ng mga larawan:


namatayan ng mahal sa buhay, naiwan ng magulang, nag-iisa,
malungkot, at iba pa.

2. Hingin ang reaksiyon ng mag-aaral sa nakitang mga larawan o


napanood na video.

3. Hayaang magkuwento ang mga mag-aaral ng kanilang mga


karanasan sa pagdamay, sa isang kaibigan o kakilala.

4. Tumawag ng isang mag-aaral at ipabasa nang malakas ang kuwento


sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

63
5. Ipasulat sa kuwaderno ang katangian nina Lydia at Mina. Gabayan
ang mag-aaral upang mapaghambing ang dalawang tauhan sa
kuwento.

Maaari pang magdagdag ng mga katanungan sa ibinigay sa


Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipaliwanag sa kanila
na ang ginagawa nilang pagdamay sa damdamin ng kanilang
kaklase, kaibigan, kalaro at iba pang tao ay tinatawag na Empathy.
Nagpapakita rin sila ng kabaitan sa ginagawa nilang pagdamay sa
mga ito.

6. Ipaliwanag nang mas malalim ang mga halimbawa ng Empathy at


Kindness. Maaaring gamiting halimbawa ang ginagawa ng mga
taong sa palagay nila ay nagpapakita ng mga pagpapahalagang ito.
Mas mabuti kung ang gagamiting halimbawa ay kilala ng mag-aaral.
Gamitin ang lokalisasyon.

Isagawa Natin

1. Ipasuri ang mga larawan sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa


Kagamitan ng Mag-aaral. Iugnay ang naging talakayan sa Alamin
Natin sa mga ipinahihiwatig ng mga larawan.

2. Ipagawa ang iba pang gawain sa Gawain 1.

3. Matapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain 1, iproseso ang


kanilang mga sagot.

4. Muling itanong sa kanila kung anong pagpapahalaga ang kanilang


naipakita sa paraan ng pagtulong. Bigyang-diin na hindi lamang
ito dapat isang plano, mas mabuti kung ang mga ito’y totohanang
gagawin nila.

5. Para sa ikalawang gawain, sundin ang panutong ibinigay sa


Kagamitan ng Mag-aaral. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral
kung bakit “Awa” at “Unawa” ang pamagat ng laro.

64
6. Makabubuti rin kung gagamit ng musikang may mabilis na tempo
habang nagpapasahan ng bola.

7. Siguraduhing purihin ang sagot ng mag-aaral.

Isapuso Natin

1. Itanong sa mag-aaral ang kanilang damdamin tuwing


nakapagpapakita ng pagdamay sa kalungkutan ng iba. Kung may
mag-aaral na hindi pa nakagagawa ng pagpapahalagang ito,
tulungan silang makagawa ng plano upang masimulan nila ang
katangiang ito.

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa kaisipang hindi sa lahat ng oras


ay sila ang magbibigay ng pag-unawa at tulong sa iba. May mga
pagkakataong sila naman ang mangangailangan at tatanggap nito.
Ipaliwanang ang ideya ng give and take.

3. Padugtungan sa mag-aaral ang isang panalangin para sa mga


taong nangangailangan ng pag-unawa at pagdamay.

4. Ipabasa at bigyan ng paliwanang ang Tandaan Natin na tungkol


sa pag-unawa sa damdamin ng kapuwa at sa pagtulong sa mga
nangangailangan.

Isabuhay Natin

1. Napakahalaga ng gagawing pagsasabuhay ng pag-unawa sa


damdamin ng mga mag-aaral. Kailangang gabayan sila upang
makapagbuo ng isang samahan na dadamay sa mga mag-aaral na
may suliranin. Maaaring simulan ito sa pamamagitan ng pagtulong
sa paggawa ng mga gawaing bahay o tutorial sessions. Bigyan
ang pangkat ng pangalang “Gabay sa Kamag-aral”. Hingin ang
koordinasyon ng Guidance Counselor.

Simula sa tutorial sessions, sanayin ang pangkat upang magkaroon


pa ng ibang kasanayan sa pag-unawa at pagiging mabait sa ibang
mag-aaral na may suliranin.

65
2. Upang masubaybayan ang mga gawain ng samahan, isusulat ng
mag-aaral ang nagawa nilang pagdamay sa kapuwa. Itatala ito sa
talaarawan tulad ng nasa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-
aaral. Kailangan din itong lagdaan ng guro tuwing huling araw ng
Linggo.

Subukin Natin

1. Itanong sa mag-aaral kung may kilala silang beauty queen o kaya ay


isang batang nanalo sa isang paligsahan. Halimbawa: Ryzza Mae
Dizon at iba pa. Puwedeng gawing halimbawa ang isang natapos
na paligsahan sa paaralan at sa pamayanan.

2. Bumuo ng dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay magsasadula


ng kasiyahang naramdaman ng nanalo sa paligsahan. Ang
ikalawang pangkat ay gagawa ng sanaysay tungkol sa damdamin
ng hindi pinalad na manalo sa paligsahan.

3. Ipabasa ang sagot ng mag-aaral at bigyan ng puna o papuri.

4. Pagawin sila ng isang speech balloon sa kuwaderno at ipasulat sa


loob nito ang ibibigay nilang payo kay Mico. Gabayan ang mag-aaral
upang makapili ng isang pinakamahusay na payo na nagpapadama
ng pag-unawa sa damdamin.

66
Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako!

Layunin: Naisabubuhay ang pagiging bukas-palad para sa


mga nangangailangan at sa panahon ng kalamidad

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba


(Empathy), Pagkabukas-palad (Generosity)

Mga Kagamitan: mga larawan ng kalamidad at mga biktima,


kwaderno, kartolina, bond paper, papel na sulatan
ng tanong tulad ng makikita sa Kagamitan ng
Mag-aaral, apat (4) na piraso ng Mapa ng Regalo’t
Hagdan, isang pirasong papel na hugis bilog na
magsisilbing butil sa paglalakbay sa mapa, apat
(4) na piraso ng dice (maaaring gumawa ng isang
maliit na box at lagyan lamang ng dots mula
1-6 na magsisilbing indikasyon kung ilan ang
maaaring iakyat na hagdan/kahon ng mag-aaral),
mga sinaliksik tungkol sa programa ng iba’t ibang
ahensiya ng pamahalaan para sa mga biktima ng
kalamidad at para sa mahihirap.

Integrasyon: Araling Panlipunan, MSEP

Pamamaraan:

Alamin Natin

1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng isang pagninilay (reflection)


tungkol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.

2. Hingan ng halimbawa ang mga mag-aaral sa mga nangyayaring


kalamidad sa ating bansa. Ano ang karanasan nila sa pagtulong sa
mga biktima ng kalamidad?

3. Iayos ang upuan upang makaikot ang mga mag-aaral para sa


gagawing pakikinig sa kuwento ni Paola. Ipakilala ang gawain at
tawagin itong paglalakbay sa “Conscience Alley”. Ang mga mag-
aaral ay iikot sa loob ng silid-aralan ayon sa pagkakaayos ng upuan

67
upang makita ang mga larawang ipakikita at ipaliliwanag ni Paola.
Ang larawang nasa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral ay
halimbawa ng gagamiting mga larawan. Ganyakin ang mga mag-
aaral na magtanong tungkol sa gagawin nilang paglalakbay.

4. Gamitin ang Discovery Approach upang maunawaan ng mga mag-


aaral ang layunin ng paglalakbay sa Conscience Alley.

5. Piliin ang isang mag-aaral na gaganap bilang Paola. Nasa unahan


siya ng pila upang maipaliwanag ang bawat larawan. Maaaring
ikuwento ang sarili niyang karanasan kung naging biktima na siya
ng kalamidad.

6. Bago matapos ang paglalakbay, hayaang magtanong ang mga


mag-aaral kay Paola (sasagutin ito ni Paola). Ipasulat muna ang
kanilang tanong sa papel na sulatan ng tanong. Gabayan sila sa
pagtatanong upang mailabas ng mga mag-aaral ang tunay na pag-
unawa sa damdamin ng kapuwa (empathy). Hayaang pumili ng lider
upang mapag-usapan ang mga sagot sa mga tanong sa Kagamitan
ng Mag-aaral.

7. Pabalikin ang mga mag-aaral sa upuan upang makagawa sila


ng plano ng pagtulong kay Paola. Matapos ang limang minuto,
magpalitan ng ginawang plano ang mga mag-aaral. Gabayan sila
kung paano bibigyang puna ang ginawang plano.

8. Bilang gawaing bahay, ipasaliksik ang mga ginagawa ng Department


of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima
ng kalamidad. Ipasaliksik din sa mga mag-aaral ang tungkol sa 4Ps
o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Isagawa Natin

1. Para sa ikalawang araw, balikan sandali ang nakaraang talakayan.


Iugnay ito sa babasahing diyalogo nina Rolan at Marla. Sikaping
maipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang nalaman na mga
programa ng pamahalaan para sa mahihirap at mga biktima ng
trahedya.
68
Itanong:
“Ano-anong ahensiya ng pamahalaan ang nagbibigay ng
tulong sa mga naging biktima ng kalamidad?”

Inaasahang sagot:
“Ang sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ay tumutulong
sa biktima ng kalamidad at sa mga kapos-palad:

• Department of Social Welfare and Development (DSWD)


• Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
• Department of Interior and Local Government (DILG)
• Department of Health (DOH)”

2. Magdagdag ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa mga


programa ng pamahalaan. Maaari itong makita sa internet o sa mga
diyaryo.

3. Mahalagang ipaunawa sa mag-aaral na hindi mabuti na laging


umaasa sa bigay ng mga ahensiya ng pamahalaan. Bigyang-diin
na mas mabuting kumikilos sa sariling pagsisikap.

4. Ang ikalawang gawain ay isang larong hinalaw sa “Snakes and


Ladders”. Bago pumunta sa kanilang pangkat, dapat na naunawaan
na ang mga panuto sa laro at hawak na ng lider ang mga kagamitan.

5. Bawat miyembro ay bibigyan ng isang pirasong papel na hugis


bilog. Ito ang magsisilbing butil sa paglalakbay sa mapa ng “Regalo’t
Hagdan”.

6. Ihahagis pataas ng bawat miyembro ang dice upang malaman kung


pang-ilan sa pila ang aakyat sa Regalo’t Hagdan.

7. Ilalagay ang butil sa tamang bilang ayon sa lumabas nang inihagis


ang dice. Kung dalawang tuldok (dots) ang nasa ibabaw ng dice
dapat ang butil ay aakyat sa ikalawang kahon sa Regalo’t Hagdan.

8. Ipabasa ang nasa kahon. Ayon sa sagot, maaari itong umakyat sa


ibang kahon. Ang lider ang siyang magpapasiya ayon sa sagot ng
kapuwa kamag-aral. Bigyan ng kopya ang lider ng Regalo’t Hagdan

69
na may makikitang sagot at bilang ng kahon na maaaring akyatin.
Habang naglalaro ang mga mag-aaral, alalayan din ang apat na
lider sa pagtaya/pagsukat (evaluate) kung tama o mali ang bawat
sagot ng mag-aaral. Muling mabibigyan ng pagkakataong maghagis
ng dice ang mag-aaral na tama ang sagot.

9. Uulitin ang paghagis ng dice kapag lahat ng miyembro ay nakaakyat


na para sa susunod na bilang ng pag-akyat.

10. Ang mag-aaral na unang makaakyat sa kahon 25 ang siyang


mananalo. Kapag malapit nang matapos ang oras at wala pang
nakaakyat sa kahon 25 ang mag-aaral na nasa pinakamataas na
bilang ng kahon ang siyang itatakdang panalo upang maproseso
ang mga sagot sa tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral bago
matapos ang itinakdang oras ng EsP sa araw na ito.

Isapuso Natin

1. Ang sulat para sa DSWD ay gagawin ng magkapareha. Maaari


pang pumili ng ibang ahensiya ng pamahalaan na may kaparehong
programa. Ipabasa at iproseso ang nakasaad sa kanilang liham.

Itanong: “Bakit ang ahensiyang ito ang napili ninyong sulatan upang
ilapit ang mga biktima ng kalamidad na tulad ni Paola?”
(tanggapin ang iba’t ibang katwiran ng mag-aaral)

2. Napakahalaga ng aspektong ito sapagkat dito mararamdaman


ng mag-aaral ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapuwa-tao.
Itanong sa mga mag-aaral:

a. “Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagbibigay ka ng tulong


sa iyong kapuwa?”

Asahan ang iba’t ibang sagot.

b. “Lahat ba ng humihingi ng tulong ay dapat bigyan?”

Inaasahang sagot: “Hindi.”

70
c. “Sino ba ang dapat bigyan ng tulong?”

Inaasahang sagot:
“Ang mga taong totoong nangangailangan. Hindi dapat
sanaying manghingi ng tulong ang mga taong may kakayahang
maghanapbuhay at mga batang ginagawang hanapbuhay
ang panghihingi sa kapuwa.”

d. Ano-ano ba ang uri ng pagbibigay ng tulong?

Inaasahang sagot:
-- “May mga taong napipilitan lamang magbigay.”
-- “May nagbibigay ng bukal sa kalooban. Nauunawaan ang
damdamin ng binibigyan.”
-- “Mayroon ding nagbibigay dahil nakikigaya lamang sa
kaibigan.”
-- “May nagbibigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.”
-- “Mayroon ding nagbibigay ng mga gamit na hindi na niya
kailangan.”
* Ang mga tulong ay maaaring pinansiyal, materyal na bagay, at
emosyonal

3. Talakayin nang mas malalim ang kahulugan ng Empathy at Sincerity.


(Maaaring magamit ang nasa Appendix para maipaliwanag sa mga
mag-aaral ang kahulugan ng pagbibigay batay sa konsiyensiya).

Magpabigay ng mga totoong halimbawa na nararanasan ng mag-


aaral at batay sa kanilang mga nakikita sa kapaligiran. Iugnay ito sa
“Reflection on the Act of Giving” na makikita sa Appendix.

4. Ipabasa ng may pang-unawa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin


sa Kagamitan ng Mag-aaral. Itanong:

• “Paano natin maipakikita ang pagmamahal sa kapuwa?”

Inaasahang sagot: “Ang pagbibigay sa kapuwa ay ginagawa


nang bukal sa loob at may pag-unawa sa
kanilang damdamin.”

71
Magagamit sa pagpapaliwanag ang Interaktibong Teorya ng
Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura. Maaaring
gamiting halimbawa ang pagiging bukas-palad ni Mother Theresa
ng India sa pagtalakay.

Isabuhay Natin

Sa puntong ito ay naipakikita na ng mga mag-aaral ang pagdamay sa


kapuwa at handa na silang magbigay ng tulong ng bukal sa loob. Ipatutupad
na ang gagawing outreach program batay sa inaasahang kasagutan ng
DSWD o ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Mga dapat gawin:

1. Idulog sa punongguro ang programa.


2. Gumawa ng liham para sa mga magulang.
3. Hingin ang kooperasyon ng ibang guro upang tumulong sa
pangangalap ng goods.
4. Samahan sa Tanggapan ng Barangay at DSWD ang mga mag-aaral
upang makipag-ugnayan hinggil sa gagawing programa.

Subukin Natin

Pasagutan ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

Mga inaasahang sagot:

1. B
2. B
3. B
4. D
5. C

Kapag may nagbigay ng ibang sagot, talakayin sa mag-aaral ang


kaniyang sagot.

72
Appendix para sa Aralin 2

Reflection on the Act of Giving

Every decision making process requires a reflection on the act itself.


First of all, I must analyze the nature of the act. What is it that I am thinking
of doing? Does it conform with the objective moral norm of the law? Is it
objectively morally right?

Secondly, I must ask myself: what is my personal intention in doing


the action? For example, is it always right to give money to the poor? We
would say that normally it is a good thing to give to the poor. But even
such an apparently good act is not always right and even the degree of
rightfulness can be affected by the intention. Did I give money to the poor
out of genuine concern to help them? Did I give money so that others will
think I am generous? Or did I do it because I am trying to relieve the guilt I
have from stealing money?

Thirdly, besides the nature of the act and the intention, there is the
third moral dimension, circumstances. Since I live with others, my actions
affect them. Therefore, I need to look into the consequences of my action.
If the money given to the poor was the money that my parents had saved
for my school tuition fee, how does this affect the act? Again do ‘dole-outs’
really help the poor? Or do they encourage laziness?

After generating information and reflecting on the act of giving, which


leads me to judge what is the right thing to be done, or what should be
avoided.

(An article taken from CONSCIENCE: A Catholic Filipino View, 2nd


ed. p.29)

73
Aralin 6 Igagalang Ko, Oras ng Pahinga Mo

Layunin: Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa oras


ng pagpapahinga at sa may sakit (maaaring
idagdag ang iba pang karapatang pantao)

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang (Respect)

Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, kopya ng Values


Education for the Filipino - 1997 Revised
Version of the DECS Values Education Program,
UNESCO National Commission of the Philippines
Education Committee Project

Integrasyon: Filipino

Pamamaraan:

Alamin Natin

Ihanda ang mga mag-aaral sa panibagong aralin. Ipabasa sa kanila


ang Panimulang Salita ng aralin. Tulungan ang mga mag-aaral na bumuo
ng kaisipan tungkol sa kahalagahan ng aralin.

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwentong “Salamat sa Paggalang”


sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Tulungan ang mga mag-aaral na unawain ang kuwento. Ipasagot sa


kanila ang mga tanong pagkatapos ng kuwento. Sa pamamagitan
ng teoryang Konstruktibismo, magbalik-tanaw sila sa kanilang
mga naging karanasan na katulad ng kuwento. Bigyan sila ng
pagkakataon na ibahagi sa klase ang kanilang mga naging
karanasan sa paggalang sa iba sa oras ng pagpapahinga at kapag
may sakit ang ibang tao.

3. Maaaring sabihin sa mga mag-aaral na bigyan si Raul ng


paglalarawan batay sa magandang pagpapahalaga na ipinakita
niya.

74
Isagawa Natin

1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa


Kagamitan ng Mag-aaral. Talakayin ang mga kasagutan. Subuking
palabasin mula sa mga mag-aaral ang kaalaman nila tungkol sa
karapatang pantao na dapat igalang batay sa ipinakikita ng larawan
sa Gawain 1.

2. Sa Gawain 2, tulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng tatlong


pangkat. Ibigay ang mga panuto at ipaliwanag ang gawain ng bawat
pangkat. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat na maisagawa
ang gawain.

Sa bahaging ito, kakailanganin mong tulungan ang mga mag-aaral


gamit ang karanasan at kaalaman at ilapat ito sa pamamagitan ng
awit, sayaw at pantomina. Kakailanganin silang gabayan at gamitin
ang social learning na teorya sa tulong ng guro sa pagbibigay ng
direksiyon at sa paulit-ulit nilang paggawa upang sa pagtatanghal
ay maging maganda ang kalalabasan. Kakailanganing gamitin ng
mga mag-aaral ang kanilang creative thinking upang makalikha sila
ng awit, sayaw, at pantomina. Ipatanghal ito sa klase.

3. Pagkatapos ng pagtatanghal ay iproseso ang kanilang ginawa gamit


ang pamantayan o rubric na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral.

4. Maaaring pagbigayin ang mga mag-aaral ng iba pang hakbang o


aksiyon na nagpapakita ng paggalang sa kapuwa na hindi napasama
sa pagtatanghal

Isapuso Natin

Sa bahaging ito, maaaring gumawa ang guro ng mas malaking


larawan ng tren upang makita ng buong klase. Maging malikhain sa
pagsasagawa ng gawain sa bahaging ito

75
1. Tulungan ang mga mag-aaral na gawin ang nasa Isapuso Natin sa
Kagamitan ng Mag-aaral. Tumawag ng ilang magbabahagi ng sagot
sa klase. Iproseso ang kanilang mga sagot.

2. Ipabasa ang Tandaan Natin sa mga mag-aaral nang may pang-


unawa. Gabayan ang mga mag-aaral upang higit na maunawaan at
maisapuso nila ang konsepto ng paggalang sa kapuwa sa oras ng
pamamahinga at kapag mayroong may sakit.

Maaaring basahin ng guro ang Values Education for the Filipino


- 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program,
UNESCO National Commission of the Philippines, Education
Committee Project para sa karagdagang kaalaman. Ipaliwanag ang
nilalaman nito sa paraang maiintindihan ng mga mag-aaral.

Isabuhay Natin

Pasagutan ang gawain sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

Sa bahaging ito ay magkakaroon ng pagpapalalim ng konsepto ng


paksa. Subuking palabasin ulit ang mga dapat tandaan tungkol sa paggalang
sa nagpapahinga, may sakit at iba pang sitwasyon na nangangailangan
ng paggalang. Sikaping masabi ng mga mag-aaral ang kahalagahan nito
upang makamit ang isang mapayapang pamayanan sa pamamagitan ng
pagsasagawa nito araw-araw at kung hinihingi ng pagkakataon. Maaaring
magdagdag ng likhang-kuwento tungkol dito kung kinakailangan.

Subukin Natin

1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel. Ipasagot ang


Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Pagkatapos ng mga mag-aaral sa gawain muli itong iproseso at


tulungan silang pagnilayan ang kanilang mga sagot sa pamamagitan
ng mga tanong gaya ng:

a. Bakit hindi pa ito naranasang gawin?

76
b. Ano ang dapat gawin sa mga hindi pa nasubukang gawin na
pagpapakita ng paggalang?

c. Kailangan bang igalang ang ibang tao? Ipaliwanag ang


sagot.

3. Hikayatin ang mga mag-aaral na may mga hindi pa nasubukang


gawin na nagpapakita ng paggalang na subukan din ang mga ito.

4. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan para sa


susunod na aralin.

5. Sabihin:

“Sa puntong ito, ipagpatuloy mo ang pagpapakita ng


paggalang sa iba sa oras ng kanilang pamamahinga at kapag sila
ay may sakit.”

“Binabati kita! Alamin ang iba pang paraan ng pagpapakita ng


paggalang sa ibang sitwasyon sa susunod na aralin.”

77
Aralin 7 Mga Gawain Mo, Igagalang Ko

Layunin: Nakapagpapakita ng paggalang kapag may


nag-aaral, at pakikinig kapag may nagsasalita/
nagpapaliwanag

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang (Respect)

Mga Kagamitan: activity card, kuwaderno, kartolina, pangkulay,


pangguhit

Integrasyon: Sining, Gawaing Pansibiko

Pamamaraan:

Alamin Natin

Pukawin ang interes ng mga mag-aaral sa mga gawaing pakikinig at


pagsunod sa panuto.

1. Magkaroon ng maikling gawain tungkol sa mga ginagawa ng mga


mag-aaral sa ilang sitwasyon.

2. Sabihin sa mga mag-aaral na iaksiyon o ikilos ang kanilang ginagawa


sa sumusunod na sitwasyon:

• kinakausap ka ng iyong nanay


• nagbabasa ng pahayagan ang iyong tatay
• nagsesermon ang pari sa simbahan
• nagsusulat si Ate
• gumuguhit si Kuya

3. Alamin ang damdamin ng mga mag-aaral sa kanilang ginawa o


iniaksiyon.

4. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtunghay sa mga larawan sa


Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Bigyan ng sapat na
panahon ang mga mag-aaral upang mapag-aralang mabuti ang
mga larawan.
78
5. Pasagutan nang pasalita sa mga mag-aaral ang mga tanong tungkol
sa dalawang larawan na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

6. Pag-usapan ang sagot ng mga mag-aaral. Bigyan-diin ang mga


positibong reaksiyon o aksiyon sa bawat gawain tulad ng pakikinig
nang mabuti, at pananahimik kung may nag-aaral.

7. Gamitin ang kahusayan sa malikhaing pagtatanong upang malinang


ang kahulugan ng salitang “paggalang” (respect). Maging bukas sa
ibang pamamaraan ng mga mag-aaral sa pagpapakita ng paggalang.

Isagawa Natin

Mahalaga na maunawaan ng guro ang iba’t ibang kakayahan ng mga


mag-aaral upang makapagbigay ng mga gawaing lilinang sa iba’t ibang
husay nila.

1. Ilahad sa mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa


Kagamitan ng Mag-aaral. Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain
dito at magbigay ng mga gabay sa magalang na pakikipag-usap sa
iba.

2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat para sa


Gawain 2. Ipaalala na ang pagbuo ng pangkat ay maaaring gawin
nang hindi gumagawa ng ingay na ikagagambala ng iba. Ibigay ang
activity card para sa bawat grupo.

3. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng gawa ng bawat pangkat.


Subaybayan ang bawat pangkat sa pagbuo ng mga gawain na
nakalaan sa kanila.

Sa gawaing ito, magagamit ang teorya ng konstruktibismo kung ang


mga mag-aaral ay gagawa ng isang bagay na mula sa kanilang
paunang alam. Ipadama sa kanila na ang kanilang mga karanasan
ay mahalaga para sa gawaing ito. Ang mga karanasang iyon ang
gagamitin nila upang makabuo sila ng panibagong gawa o output.

Gabayan ang mga mag-aaral sa epektibong paggawa kasama


ang ibang tao. Ipaunawa sa kanila na ang grupo ay binuo upang

79
matutuhan nilang magbahagi at makibahagi sa talakayan. Ang
pagiging bukas ng miyembro ng pangkat sa lahat ng suhestiyon ay
maghahatid sa kanila sa isang kongkretong gawa.

Isapuso Natin

Sa mga gawain nang nakaraang araw, mapapansin ng guro na ang


mga mag-aaral ay nakapagpakita ng sariling paraan ng paggalang sa iba’t
ibang sitwasyon.

1. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapagnilayan ang


mga kilos nila sa anumang sandali. Ipagawa sa kanilang kuwaderno
ang gawaing “Timbang-timbangin” sa Isapuso Natin na nasa
Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral na pag-isipan ang dami


ng sagot nila sa magkabilang timbangan.

Itanong: “Ano ang masasabi mo matapos ang gawain?”


“May nais ka bang baguhin?”
“Paano mo ito gagawin?”

3. Bigyan-diin ang Tandaan Natin.

Sa bahaging ito, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral


na ibahagi ang kanilang ideya tungkol sa aralin. Hayaan silang
magkaroon ng pagbabahaginan sa klase kung paano nila ipakikita
ang paggalang sa kanilang kapuwa.

Isabuhay Natin

Bago simulan ang gawain, pangkatin ang mga mag-aaral. Pabalikan


sa kanilang isip ang mga tuntunin sa pangkatang gawain. Mahalaga na
maipabatid sa kanila ang mga proseso sa paggawa tulad ng pagpapalitan
ng kuro-kuro.

80
1. Maging mapamaraan sa pagpapangkat ng klase. Hatiin sila sa apat
na pangkat.

2. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Ipagawa ang gawain sa


Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

3. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng palabas ng bawat


pangkat.

4. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na sabihin ang kanilang


saloobin sa mga palabas na kanilang nakita.

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng puna sa ginawa


ng bawat pangkat. Ipaunawa sa mga mag-aaral na maging sensitibo sa
damdamin ng iba sa pagbibigay ng kanilang puna. Magbigay ng mga
konstruktibong puna.

Subukin Natin

1. Ilahad sa mga mag-aaral ang gawain sa Subukin Natin sa Kagamitan


ng Mag-aaral.

2. Ipaliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng gawain.

3. Magtakda ng araw ng pagtsetsek sa gawa ng mga mag-aaral.


Maaari ding pagbalik tanawin ng mga mag-aaral ang nakalipas na
mga araw mula noong Lunes. Sabihin sa kanila na alalahanin ang
mga nagdaang araw at kung sino ang mga tao na nagawa nilang
pakinggan habang nagsasalita o nagpapaliwanag, at habang nag-
aaral.

Sa gawaing ito, mahalaga na maipaunawa sa mga mag-aaral na


hindi dapat tumigil sa paggalang sa gawain ng iba kahit mapunan na ang
mga bilog sa diagram.

81
Aralin 8 Ingatan Natin, Pasilidad na Gagamitin

Layunin: Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa


pamamagitan ng paggamit ng pasilidad ng
paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng
kapuwa.

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Karapatan ng Kapuwa/Paggalang

Mga Kagamitan: kuwaderno, larawan ng iba’t ibang pasilidad


ng paaralan at komunidad, activity cards,
metacards, panulat, graphic organizer, mapa ng
paaralan, picture tree, kartolina o manila paper.

Integrasyon: Panitikan, Karapatang Pantao, Sining

Pamamaraan:

Alamin Natin

Bago pasimulan ang gawain sa bahaging ito, inaasahan na nakaguhit


ang guro o kaya ay nakapaghanda ng isang larawan ng matang nakamulat.
Gamitin ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral.

1. Muling alalahanin sa tulong ng mga mag-aaral ang mga tuntunin sa


pagbasa ng kuwento.

2. Ipakita sa klase ang larawan ng isang matang nakamulat.

Itanong:

“Ano ang pumasok sa iyong isip nang makita mo ang larawan?”

“Ano sa palagay ninyo ang kinalaman ng larawan sa kuwentong


babasahin?”

3. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang kuwentong “Isang


Pagkamulat” sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

82
4. Magkaroon ng pagbabahaginan ng kuro-kuro sa pagsagot sa mga
tanong pagkatapos basahin ang kuwento.

5. Maging masining sa pagtatanong. Dagdagan ng kambal na tanong


kung kinakailangan upang mailabas ng mga mag-aaral ang tamang
pagpapahalaga ng kuwento.

6. Sikaping maipalabas sa mga mag-aaral ang maayos na paggamit


ng pasilidad ng paaralan bilang paraan ng pakikipagkapuwa-tao.

Para sa higit na ikauunawa ng aralin, maaaring magdagdag


ng mga gawain ang guro gamit ang template sa ibaba.

Pasilidad Ginawa ni Arvin Gagawin Mo

Isagawa Natin

Balikan ang kuwentong “Isang Pagkamulat”. Pumili ng ilang mag-


aaral at ipasabi sa klase ang pinakagusto nilang bahagi ng kuwento.

Gawain 1

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa


Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Tingnan ang natapos na gawain ng mga mag-aaral. Maaari ding


ipakita ng mga mag-aaral ang kanilang gawa sa kanilang katabing
kamag-aral upang suriin ang sagot.

83
Gawain 2

Ipaliwanag sa klase na ang kanilang silid-aralan ay gagawin o


pagmumukhaing mga pasilidad ng paaralan. Isasama rin ang ibang
mga pasilidad sa komunidad na kahalintulad ng mayroon sa paaralan.
Subaybayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng limang grupo. Maaari kang
magtakda ng paraan kung paano ipapangkat ang klase.

1. Ipaliwanang nang mabuti sa bawat pangkat ang mga hakbang na


dapat isagawa. Ipamahagi ang mga activity cards.

2. Bigyan ang bawat pangkat ng lugar sa loob ng silid-aralan kung


saan nila gagawin ang nakaatas na gawain sa kanila.

3. Subaybayan ang bawat grupo habang gumagawa. Hikayatin


ang mga mag-aaral na sikaping maipakita ng bawat miyembro
ang pagtutulungan sa grupo. Magtakda ng sapat na oras upang
maisagawa ng bawat grupo ang kanilang gawain. Ang lahat ng
gawain na ito ay kinakailangang matapos sa loob lamang ng 30
minuto kasama ang lahat ng gawain sa Isagawa Natin.

4. Puntahan ang bawat lugar na ginawa ng bawat grupo. Ipaliwanag


ang kahalagahan at ang paraan ng paggamit ng rubric na nasa
Kagamitan ng Mag-aaral. Pagkatapos nito, bigyan ng pagkakataon
ang bawat grupo na magsagawa ng gallery walk. Papuntahin ang
mga mag-aaral sa bawat lugar kung saan ipinakita ng bawat grupo
ang mga pasilidad na nakaatas sa kanila. Pagbigayin ng puna ang
bawat grupo gamit ang rubric.

Dapat isaisip ng guro na kinakailangang maipakita ng mga mag-


aaral ang kanilang pagiging malikhain.

Kinakailangang maiproseso ng guro nang buong husay na ang


maayos na paggamit ng mga pasilidad sa paaralan ay nagpapakita
ng paggalang sa kapuwa at sa iba pang gagamit nito. Kinakailangan
na maitanim sa isip at puso ng mga mag-aaral ang disiplina,
paggalang at pagsasaalang-alang sa kapuwa sa tuwing gagamit
sila ng anumang pasilidad.
84
Isapuso Natin

Sa bahaging ito, inaasahan na may mga nakahanda ka nang


metacards, panulat at graphic organizer para sa bawat grupo. Hangga’t
maaari ay maghanda ng himig ng awit na “Magtanim ay Di Biro” upang
sabayan ng mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawain. Ihanda rin ang
liriko ng awit na maaaring nakasulat sa kartolina o manila paper.

1. Ipaliwanag nang mabuti ang tuntunin ng gagawin. Hikayatin ang


lahat na umawit. Makiisa rin ang guro sa pag-awit.

2. Siguraduhin na lahat ng miyembro ng grupo ay nakapagsulat na


sa metacards. Ipaayos ang mga metacards sa graphic organizer
na katulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring sulatan
ang arrow ng graphic organizer ng pangalan ng mga pasilidad.
Hikayatin ang bawat pangkat na maging malikhain sa pagsasaayos
ng kanilang commitment. Sa harap ng klase ay sasabihin ng bawat
isa ang kanilang commitment. Siguraduhing maipaliwanag sa mga
mag-aaral ang kahulugan nito.

3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng


Mag-aaral. Sikaping magkaroon ng mas malalim na talakayan at
pagpapalitan ng kuro-kuro. Ikaw ang magsisilbing tagapamagitan
ng mga mag-aaral.

Isabuhay Natin

Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga gawain sa hamon sa Isabuhay


Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring ang gawaing ito ay
isang simulation lamang ng totoong YES-O Club o Youth for Environment
in School’s Organization ng paaralan kung hindi posibleng maging totoo
silang kasapi nito.

1. Magkaroon ng organisadong pamamaraan kung paano pipili ng


mga mag-aaral na bubuo sa YES-O Club. Ang mga natitirang mag-
aaral na lalaki ay awtomatikong magiging kasapi ng boy scout at
ang mga babae naman ay sa girl scout.

85
2. Ibigay sa grupo ng mga boy scout, girl scout at YES-O Club ang
mapa ng paaralan. Gamit ang kaalaman sa direksiyon, pupuntahan
ng mga batang scout ang mga pasilidad sa paaralan. Papasyalan
nila ang mga ito at gagamitin.

3. Ipaunawa sa opisyales ng YES-O Club na sila ang magbabantay sa


bawat pasilidad. Idodokumento nila ang gagawing paggamit sa mga
ito ng mga batang scout. Kukuhanan nila ng larawan ang bawat
pasilidad bago at pagkatapos gamitin ng mga batang scout.

4. Sa loob ng klase, gagawa ng ulat ang mga miyembro ng YES-O


Club na nagbantay sa bawat pasilidad.

5. Alamin ang naging damdamin ng mga mag-aaral sa ginawang


aktibidad. Pabayaang magkuwento ang mga mag-aaral ng kanilang
nararamdam at natutuhan sa gawain.

6. Hingin ang suhestiyon ng mga mag-aaral kung ano ang proyekto


na maaari nilang imungkahi sa grupong kanilang kinabibilangan
tungkol sa pagpapanatili ng maayos na pasilidad ng paaralan at ng
komunidad.

Subukin Natin

1. Ipagawa ang Gawain A sa Subukin Natin na nasa Kagamitan ng


Mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging matapat sa
pagsagot sa bawat bilang.

2. Ang gawaing ito ay susubok sa pagiging maayos at malikhain ng


mga mag-aaral sa paggawa.

Sa puntong ito ay ipinagpapalagay na nasabi ng guro na ipa-


develop o ipaimprenta ang mga nakuhang larawan sa ginawang
gawain kahapon. Inatasan na din niya ang iba pang mag-aaral na
magdala ng mga larawan ng mga pasilidad ng paaralan man o ng
komunidad.

86
a. Ipaliwanag nang mabuti ang gagawin. Ipahanda ang mga
kakailanganing kagamitan.

b. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral. Sa pagtatapos ng


oras, sabihin sa bawat pangkat na ipakita ang kanilang ginawa.
Idisplay ito sa Art Center o sa isang bahagi ng silid-aralan. Maaari
ding pagawain ang mga mag-aaral ng slogan para sa kanilang
obra.

3. Bilang karagdagang gawain, ipabisita sa mga mag-aaral ang


palaruan ng bayan, Municipal Library, at ang iba pang pasilidad sa
pamayanan. Kuhanan ng larawan ang mga ito. Gumawa ng ulat
tungkol sa kalagayan ng mga pasilidad na binisita.

87
Aralin 9 Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa

Layunin: Pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang


kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapuwa-
tao.

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Karapatan ng Kapuwa/Paggalang


(Respect)

Mga Kagamitan: kartolina istrips na may mga nakasulat na


salitang DISIPLINA ANG KAILANGAN, task
card, kuwaderno, sagutang papel, makukulay na
piraso ng papel na hugis puso, kartolina, video
(http://www.youtube.com/watch?v=KsTCjhJlDnE)

Integrasyon: Gawaing Pansibiko at Sining

Pamamaraan:

Alamin Natin

Pag-usapan ang sagot ng mag-aaral sa sitwasyon sa simula ng


aralin. Pukawin ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng pagsasagawa
ng sitwasyon. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang kanilang ginagawa ay
may kinalaman sa kanilang araling tatalakayin.

1. Ipakita ang kartolina istrips na may mga nakasulat na salitang


DISIPLINA ANG KAILANGAN na wala sa tamang ayos. Ipaayos
sa mga mag-aaral ang mga letra upang mabuo ang tamang salita.
Matapos buuin ang mga salita na nasa bawat istrip, ipaayos ang
pagkakasunod-sunod nito upang makabuo ng isang ideya. Ipabasa
ang nabuong ideya.

Sabihin: “Ngayong araw ay magbabasa tayo ng tula.”

2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang tulang “Disiplina ang Kailangan”.


Maging malinaw sa mga pamantayan sa pagbasa ng tula.

88
3. Ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng
Mag-aaral pagkatapos ng tula. Magkaroon ng talakayan upang
higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman ng tula.
Maging mahusay sa pagpoproseso gamit ang malikhaing paraan
sa pagtatanong. Kinakailangang malinang sa mga mag-aaral ang
pagpapahalaga sa pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang
kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapuwa-tao.

4. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng mga pangyayari kung


nakapagpakita sila ng disiplina na nakatulong upang maging tahimik
at malinis ang kapaligiran.

5. Bigyan ng pagkakataon ang ibang mag-aaral na ibahagi ang mga


karanasan o nasaksihang sitwasyon na hindi nagpapakita ng
disiplina para sa tahimik at malinis na paligid.

6. Hingin ang reaksiyon ng mga mag-aaral sa sitwasyon na ibinigay ng


mga kaklase. Gabayan sila na magpalitan ng kuro-kuro.

Bilang karagdagang gawain, maaaring ipakita sa klase ang video


(http://www.youtube.com/watch?v=KsTCjhJlDnE). Hingin ang
kanilang reaksiyon sa pinanood. Gawin itong takdang-aralin ng mga
mag-aaral. Ipasulat ito sa malinis na papel.

Isagawa Natin

Gawain 1

Sa gawaing ito, ipakikita ng mag-aaral ang kaniyang pagkakaunawa


sa mga salita na kaniyang makikita. Magkakaroon siya ng pagpapasiyang
pansarili kung ang mga bagay bang ito ay makatutulong o hindi sa
pagpapanatili ng kaaya-ayang kapaligiran.

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa


Kagamitan ng Mag-aaral.

89
Gawain 2

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng tatlong pangkat. Ibigay


sa grupo ang task card na naglalaman ng kanilang gawain. Sa bahaging
ito, ang estratehiyang panlipunan-pandamdaming pagkatuto ay gagamitin.
Mahalaga na maipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga proseso ng
paggawa kasama ang kanilang kapuwa.

Pangkat 1 - Bilang mga kasapi ng Pupils Government, magsagawa


ng isang proyekto kung paano ninyo maipakikita ang
pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.

Pangkat 2 - Bilang mga kasapi ng isang organisasyon na


nagtataguyod sa turismo ng isang komunidad, kumuha
ng video ng pamayanan o barangay na nagpapakita ng
tahimik at malinis na kapaligiran.

Pangkat 3 - Bilang mga kasapi ng produksiyong panradyo, bumuo


ng balitang panradyo. Ibalita ang mga hakbang na
ginagawa ng isang komunidad sa pagpapanatili ng
malinis at tahimik na kapaligiran.

Magkaroon ng talakayan sa ipinakita ng bawat pangkat. Pag-aralan


ang mga hakbang o gawain na ipinakita ng bawat pangkat. Bigyang-diin ang
pagpapakita ng paggalang sa iba bilang epektibong paraan sa pagpapanatili
ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran. Pag-usapan din ang mga
patakaran sa paaralan at mga hakbangin nito tungkol sa pagpapanatili ng
kaaya-ayang kapaligiran. Magbigay ng iba pang suhestiyon bukod sa mga
ipinakita ng bawat pangkat.

Bilang takdang-aralin, maaaring pagsaliksikin ang mga mag-aaral


ng mabuting naidudulot ng isang kaaya-ayang kapaligiran.

90
Isapuso Natin

Inaasahan na sa gawaing ito, may nakahanda nang makukulay na


papel na hugis puso. Ipamigay ito sa bawat kasapi ng pangkat. Kaugnay
nito, inaasahan din na nakapaghanda sila ng pinalaking imahe sa kartolina
ng tsart na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

1. Ipagawa ang gawain sa Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng


Mag-aaral. Maaaring magpatugtog ng isang malamyos na musika
habang idinidikit ng mga mag-aaral ang kanilang hawak na pusong
papel sa kartolina na nasa pisara.

2. Ipabasa ang Tandaan Natin. Magdagdag ng paliwanag upang higit


na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin.

3. Balikan ang ginawa ng mga mag-aaral na nasa pisara. Tumawag


ng ilang mag-aaral upang magpaliwanag sa natapos na gawain.
Alamin ang magkakapareho at magkakaibang sagot ng mga mag-
aaral.

4. Buuin ang mga kaisipan na idinikit ng mga mag-aaral bilang pagtitibay


sa kanilang pangako. Pagnilayan ang tanong sa Kagamitan ng Mag-
aaral pagkatapos ng gawain.

Isabuhay Natin

Kinakailangang maiproseso sa mga mag-aaral na ang pagpapanatili


ng malinis, tahimik at kaaya-ayang kapaligiran ay hindi lamang
maisasakatuparan sa kanilang bahay o sa paaralan. Ang komunidad
o pamayanan na kaniyang kinabibilangan ay nararapat din na maging
kabahagi nito.

1. Pangkatin ang klase sa dalawa.

2. Bigyan ang bawat pangkat ng gawain na makikita sa Isabuhay Natin


sa Kagamitan ng Mag-aaral.

91
3. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng natapos na gawain.
Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpapalitan ng
kuro-kuro lalo na sa pangkatang gawain.

Subukin Natin

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Subukin Natin na nasa


Kagamitan ng Mag-aaral. Patnubayan sila sa pagsasakatuparan ng
mga gawain.

2. Matapos makumpleto ang mga gawain, ibigay na pagsasanay sa


mga mag-aaral ang paggalang sa kaaya-ayang kapaligiran na
bunga ng mga gawain.

Bilang karagdagang gawain, maaaring atasan ang mga mag-aaral


na magsaliksik ng isang pamayanan na nabigyan ng pagkilala o parangal
dahil sa kaaya-aya nitong kapaligiran. Ilahad ang mga pamamaraan na
ginagawa ng tao dito.

92
Mungkahing Pangwakas na Gawain Para sa Yunit II

Gawain: Patimpalak para sa Bb. at G. International


EsP (United Nations Day cum Gift Drive)

Pamantayan sa Pagganap
Para sa Markahan: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na
kahulugan ng pakikipagkapuwa

Mithiin: Maipakita ang pakikipagkapuwa

Bahaging Gagampanan: Kalahok sa Bb. at G. International EsP


(pagdiriwang ng United Nations), bagger,
tagapamahagi, make-up artist, emcee,
choreographer, mananayaw, mang-aawit

Manonood: mga guro, mga kamag-aral, mga magulang

Sitwasyon:

1. Sasali ang mga mag-aaral sa timpalak ng Bb. at G. International EsP


na ang kraytirya ay 50% Kayamanan (pinakamadaming nabiyayaang
bata sa mga nakumpuning mga laruan, damit, sapatos, pagkain at
iba pa), 50% Pagpapahalaga (Question and Answer tungkol sa mga
natutuhan sa Yunit II).

2. Isang buwan bago pa man ang timpalak ay magdadala na ang mga


mag-aaral ng mga laruan, damit, sapatos, pagkain at iba pa na
maaari pang gamitin at pagyamanin na ibabahagi sa mga batang
nangangailangan. Bawat kalahok sa Bb. at G. International EsP ay
magkakaroon ng kagrupo na magiging kasama nila sa pagkolekta,
pag-aayos at pagbibigay sa mga nakumpuning kayamanan sa
mga batang mabibiyayaan. May magiging taga-make-up din sa
grupo at mga choreographer, mananayaw at mang-aawit kung
kinakailangan.

3. Sa selebrasyon ng United Nations Day gaganapin ang Bb. at G.


International EsP. Ang 50% nito ay maaaring gawin din sa araw na
ito na ibahagi na ang mga regalo sa mga batang bibigyan ng mga

93
kayamanan. Ang ikalawang 50% (Pagpapahalaga) ay manggagaling
sa Q & A pagkatapos ng parada ng mga kalahok sa kani-kanilang
costume (ng iba’t ibang bansa). Maaari ding ipakita rito ang mga
rap, tula at sayaw na ginawa o itinanghal sa mga naunang aralin sa
ikalawang yunit.

Pagganap/Produkto: Patimpalak sa Bb. at G. International EsP, Mga


Pakete ng Kayamanan

Pamantayan:

Pamantayan 3 2 1
Kayamanan Higit sa 20 11-20 na bata 1-10 na bata ang
na bata ang ang nabiyayaan nabiyayaan sa
nabiyayaan sa sa mga mga kayamanan
mga kayamanan kayamanan

Pagpapahalaga Nasagot at Nasagot ang Hindi nasagot


naipaliwanag tanong ngunit ang tanong
nang tama ang kulang ang
tanong paliwanag

Palatuntunan para sa Timpalak para sa Bb. at G. International EsP


(maaaring magsimula ang timpalak nang 7:30 ng umaga)

Pambansang Awit………………………………………………
Awit Panalangin………………………………………………...
Pambungad na Pananalita………………………………..…..
Pagpapakilala sa mga Kalahok……………………………….
Pampasiglang Bilang (maaaring sayaw) ……………………
Pagpapakilala sa mga Kalahok/Pangkalahatang Bilang
(suot ng kalahok ang UN costumes) …………………….

Sa bahaging ito, isasagawa ang fashion show ng mga mag-aaral


na may kasuotan ng iba’t ibang bansa bilang paggunita sa pagdiriwang ng
United Nations Day.

94
Magaganap din dito ang Pampasiglang Pananalita. Dito ay
magbibigay ng isang kasabihan na tumutukoy sa mga napag-aralang paksa
sa ikalawang yunit pagkatapos sabihin ang kani-kaniyang pangalan.

Pagtatanong sa Unang Dalawang Pares na Kalahok………..

Pagbibigay sa Unang Sampung Recipients ………………….

Pampasiglang Bilang (maaaring kanta) ……………………….

Pagtatanong sa Ikatlo at Ikaapat na Pares na Kalahok……….

Pagbibigay sa Ikalabing-isa hanggang Ikadalawampung


Recipients ……….............................……………………

Pampasiglang Bilang (maaaring tula) ……………………………

Pagtatanong sa Ikalima at Ikaanim na Pares na Kalahok …….

Pagbibigay sa mga Ikadalawampu’t isa hanggang Ikatatlumpung


Recipients ………………………………..……

Tugon Mula sa mga Tumanggap ng Kayamanan……….………

Pampasiglang Bilang (maaaring pagsasadula) ………………..

Pangwakas na Pananalita ………………………………………..

Pangwakas na Panalangin………………………………………..

Maaaring magdagdag ng iba pang parte depende sa dami ng


kalahok at mga kayamanan (recipients)

Mga Tagapagdaloy: _____________________________


_____________________________

95
Halimbawa ng Rubric sa pagganap:

Pamantayan 3 2 1

Husay ng Lahat ng kasapi 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapi


pagganap sa pangkat pangkat ay ng pangkat ay
ay nagpakita hindi nagpakita hindi nagpakita
ng husay sa ng husay sa ng husay sa
pagganap pagganap pagganap

Angkop/ Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita


Tamang maayos at maayos ngunit ang tamang
saloobin sa may tiwala ang may pag- saloobin sa
sitwasyon tamang saloobin aalinlangan ang sitwasyon
sa sitwasyon tamang saloobin
sa sitwasyon

96

You might also like