Professional Documents
Culture Documents
Wag Ako
Wag Ako
bawat away na pareho nating nalampasan dahil mahal natin ang isa't isa ,
malamang hindi,
Hanggang sa di ko ng mapigilan
hindi ako bulag, para hindi makita sa inyong mga mata ang saya na tila may kakaiba, may
kakaiba pagdating sa kanya pero naniwala pa rin ako , naniwala parin ako na wala lahat sa inyo,
ang pagtiis mo sakin na hindi ako kausapin habang kausap mo siya, oo wala lang yon. ang
pagpupuyat mo gabi gabi at pag abot niya ng umaga, sa pagkukulitan sa mga bagay bagay na
pagkakapareho niyo pala, oo wala lang yon. ang pagbabahagi mo sa kanya, ng paborito
mong kanta, habang sabay kayong nag aaliw sa ilalim ng musika, oo wala lang yon. Dahil gaya
ng sabi mo kaibigan mo lang siya at ako, ako ay di dapat mangamba. Siguro nga, siguro nga,
masyado lang akong malisyosa para pag-isipan kayo ng hindi maganda kaya mahal nais kong
humingi ng tawad sayo at sa kanya, patawad dahil nasaktan ako nung makita kong mas kaya
niyang pasayahin ka, patawad kung nagalit at nagselos ako noong nakita kong nabubuo niya
ang araw mo kahit magulo tayo, mahal, mahal, patawad dahil kinailangan ko ng sumusuko ng
laban sa pag ibig nato, dahil alam kong ako na ang talo. Ngayon kung magbabago man ang ikot
ng mundo, at sasabihin mo sakin mahal mo pa ako at itatanong mo ba sa akin kung pwede pa ba
tayo at sasabihin mong bumalik ako sayo, pakiusap lang, wag na ako, kung pipili ka sa pagitan
namin ng kaibigan mo, wag ako, hindi dahil sa mas maganda siya, hindi dahil sa mas kaya nyang
pasayahin ka, hindi dahil sa mas matalino siya, o mas magaling sa larangan ng musika, kung sa
tingin mo ng isa sa nakaraan mo ang bubuo sayo, wag ako. wag ako s hindi dahil sa hindi kita
kayang panindigan, wag ako hindi dahil sa hindi ko kaya syang tapatan, wag ako, hindi dahil,
hindi ko kaya syang higitan, wag ako dahil hindi sa hindi kita kayang ipaglaban, wag ako, hindi
dahil sa ayoko sayo at kung sa tingin mo, meron kang isang taong kailangang pang
ipaglaban, pakiusap lang wag ako. wag ako dahil hindi dahil hindi ako si basha ng second
chance, o dahil sa hindi na kita gusto at ayoko na sayo wag ako dahil hindi mo naman kailangang
pumili sa aming dalawa , dahil kung ako talaga, sa umpisa palang ako lang sana. wag ako dahil
hindi mo ako dapat balikan dahil ako ang sumuko at ng iwan pero sana.. hindi mo ko binigyang
ng dahilan, wag ako dahil ayoko ng maging makaraan sa iyong kinabukasan wag ako dahil
ayoko ng mawasak muli sa parehong paraan, ayoko ng umiyak ng paulitulit sa parehong dahilan
dahil kinaya ko na, mahal kinaya ko ng mabuo ng sarili ko lang kaya mahal pakiusap ko sayo
kung magmamahal kang muli, wag ako.