You are on page 1of 1

Ang pananaliksik na ito ay magsisimula sa pagkilala sa mga potensyal na mamimili ng napiling

negosyo at sa pagtukoy sa mga ugali at paraan ng pamumuhay ng mga mamimili. Gagamitin ito
ng mga mananaliksik upang makagawa ng isang epektibong sistema para sa napiling negosyo.
Nakapaloob sa sistemang ito ang iba’t-ibang estratehiyang gagamitin gaya ng mga estratehiya
para sa pagbibigay ng serbisyo, pagtatakda ng presyo, pagpili ng lokasyon, at sa
pagpapalaganap ng pangalan at impluwensiya nito. Bahagi rin ng pananaliksik na ito ang mga
mga patakaran at mga pamamaraan na gagamitin sa araw araw na pagtatakbo ng negosyo.
Kung anong oras at anong polisiyang gagamitin sa pagpapabuti sa “performance” ng negosyo.
Bukod nito, saklaw rin ng pananaliksik ang mga produkto at serbisyong nais nitong ihatid sa
mga mamimili. Sa huli, ang pananaliksik na ito ay nakapokus lamang sa negosyong nais nitong
itayo at hindi lalagpas sa ”hypothetical” na negosyo-kung lalagpas man, ito ay magsisilbing
karagdagang suporta lamang sa mga nakalap na impormasyon.

You might also like