You are on page 1of 6

COLEGIO DE SANTA ANA

Liwayway St. Sta Ana


Taguig City
Senior High School Department

SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

Ipinasa ni:

Rey, Maria Kristina


Evangelio, Jean Rave
Floresta, Karen Nicole
Bresenio, Vealyn
Jallores, Leih

Ipinsa kay:
Ma’am Reynoso
PANIMULA

Ang wika ay isang napakahalagang kasangkapan upang magkaroon ng pag-

uugnayan ang mga tao. Sa pamamagitan ng wika, ang mga impormasyon ay

naibabahagi at naipapahayag sa nakararami. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan

ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,

pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ito ay talagang

napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunland kung ang

mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Tulad ng ibang wika na

lumalaganap sa iba’t ibang bansa sa ating daigdig, ang wikang Filipino ay karapatdapat

lamang pahalagahan dahil ito ang nagsisilbing tulay upang magkaroon ng pagkakaisa

ang mga tao at umangat ang kalagayan ng ating pamumuhay. Sa pagbabago ng ating

henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-lalo na patungkol

sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika at nagsisimula na ring

lumikha ng mga panibagong lenggwahe dito sa ating bansa.

Ang mga radyo, telebisyon, tabloid, pelikula at social ay lubhang nakakaapekto

sa pag papaunlad ng wika. Una sa lahat, ang radyo ay isang uri ng media na

ginagamitan lamang wika sa pag bibigay ng impormasyon. Higit na nakakatulong ito

dahil maraming tao ang nakikinig sa balita dahil sa nakasanayang pakikinig sa balita,

mga radio drama, OPM at kung ano ano pa. Pangalwa, ang tabloid ay isa paraan upang

mag bigay balita at nakapaglahad ng komentaryo sa mga mambabasa nito. Nasa

kultura na din ng marami ang pag babnouvelles-technologies-information-

communication-nticasa ng actual na tabloid o tabloid mula sa online. Sunod ay and


telebisyon at pelikula ang dalwa may pagkakatulad dahil ang gumagana dito ay ang

wika at expresyon. Kung kaya marami-raming mga tao ang nawiwili sa panunuod nito

dahil sa kaaya aya nito mga storya at pag bibigay aliw. Huli, ang social media ay ang

pinaka malawak na paraan ng pag bibigay ang impormasyon dahil halos lahat ng

mamamayan ay meron nito at likas na mabilis ang daloy ng impormasyon dito. Sa

kalahatan, may kanya kanyang gampanin ang bawat isa kung paano mapapaunlad ng

wika ngunit ang layunin nito ay ang makapag bigay impormasyon at aral sa mga tao sa

paraan na madali itong maiintindihan at ang pag bibigay halaga sa ating kultura lalo na

sa ating wika upang tangkilikin din ito ng mga Pilipino.

KATAWAN
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NA ITO

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat


galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga
bagay-bagay katulad nalang ng ugnayan ng paggamit ng wasto sa wika. Ang isang
bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang
paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika  nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang
wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad
ng Wikang Filipino.

Maraming iba't-ibang wika at ang paggamit nito sa iba’t ibang sitwasyon dahil sa
archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ding varayti ng wika. Sabi ng
marami na ang sitwasyong pangwika ang mas mahalaga kumpara sa ibang gamit nito,
dahil ang pag kumpara ng pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan
kahit saan man magpunta sa buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong
mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa
katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang
sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose
Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda."
Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.
Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na
mayroong sariling wikang maipagmamalaki ang mga Pilipino.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang
maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito
isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang
makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan.
Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa
kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.

SAKOP NG PAG-AARAL

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang mga opinion at damdamin ng mga taong

rumesponde, saklaw ng pag aaral na ito ang ibat ibang reaksyon at paggamit ng wikang

ingles ba o tagalog, pagsasabi ng mga mensahe at paggamit ng social media.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondante mula

sa mga kaibigan sa facebook. Nais makabuo ng mga mananaliksik 50 respondante

upang maisakatuparan ang pananaliksik.


PARAAN SA PAGKUHA NG DATOS

Ang pamamaraan ng paglaganap ng datos ay nagsimula sa paggawa ng

talatanungan at sinundan ng pagsasaayos sa instrumento para maiwasto ang kaayusan

ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong para sa paksa na

dapat bigyan ng kasagutan. Ang mga mananaliksik ang gumawa ng survey form o

talatanungan sa Google Forms na ang paksa ay kalagayan o sitwasyon ng wikang

Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Ang mga napiling tagatugon ay

mga tao Facebook na may edad 13 – 19. Ang mga tagatugon ay dapat “friend” ng mga

mananaliksik sa Facebook. Ang mga mananaliksik ay dapat pumili ng sampung

tagatugon sa kanilang “friends list” sa Facebook na dapat nilang pasagutan ng

talatanungan.

Ang mga mananaliksik ay magalang na nanghingi ng pabor sa kanilang

tagatugon upang masagutan ang katanungan kung ano na ng aba ang kasalukuyang

sitwasyon o kalagayan ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

Ang ibang mga tagatugon ang maayos na sinagutan ang talahugutan pero ang iba

naman ay hindi ito sineryoso. Ang mga kasagutan ng mga tagatugon sa aming

katanungan ay nakuha naming agad dahil mabilis nila itong sinagutan. Binigyan ng

malinaw na panuto ang mga tagatugo upang masagutan nila ng maayos ang

talatanungan. Pagkatapos matanggap ng mga mananaliksik ang mga tugon ng kanilang

respondente ay agad nila itong tinally upang makakuha sila ng sapat na datos para

pagbasehan nila sa gagawing ulat. Kinalap ang mga mga sagot ng mga tagatugon at

inihambing ang mga sagot at binigyan ng kabuuan. Ang mga mananaliksik ay sinuri

para sa paglalahad ng mga datos para sa gagawing ulat.


KONGLUSYON

Aming napagtanto na marami na ang gumagamit ng Taglish sa mga bagay na

kanilang ginagawa, gaya ng pagpapadala ng mensahe, pakikipagusap sa ibang tao.

Hindi lang taglish kung hindi mas nangingibabaw ang pagsasalita ng Ingles kaysa sa

tagalog siguro marahil ay sila ay pinalaki sa pagsasalita ng Ingles o maari ring nakuha

nila ito sa lipunan kagaya ng pakikipagusap sa ibang tao. Ang mga mananaliksik ay

lubos na natuto lalo na sa mga ganitong pagsusurvey dahil hindi lamang kami ang

nagbebenepisyo dito kung hindi pati na rin aming mga tagapagsagot ang sa

pamamagitan ng malaman nila ang sitwasyon na nangyayare sa ating wika ngayon. Sa

mga mananaliksik naman ay tumaas o nagkaroon sila ng kompanyasa sa sarili na

kapalan ang mukha sa paghingi ng kaunting oras upang sagutan ang survey at natuto

pa ang bawat isa na magkaroon ng pagtutulungan upang maisakatuparan ang survey

research na ipinagawa ng guro. Maraming bagay ang nakakaimpluwensiya sa iisang

indibidwal nasa sakanila na lang yun kung ito ay iaadopt nila sa sarili nila o

oobserbahan kung maganada ba talaga to o hindi.

You might also like