Ako po si Misis Divine C. Sandoval na humihingi ng tulong at pahintulot na mabigyan ng
kaukulang permiso ang aking mga anak upang makarating dito sa Bansang Bankok Thailand upang makipagtagpo sa kanilang ama nagngangalang Mr. Alcos Roi M. Sandoval na kasalukukuyang nakakulong sa bansang Bangkok Thailand, Klong Prem Bombat Piset Prison. Ako po ay lubos na umaasa na magkaroon ng pagkakataon lalo’t maging ang aking mga anak na mahagkan at mayakap ang aming haligi ng tahanan sapagkat anim na taon na po ang nakakalipas mula nung siya ay makulong at minsan lamang po mangyari ang pagkakataon na ibinibigay mula sa mahigpit na kulungan ang pagbisita na makayakap at mahagkan ang bawat mamamayan na nakakulong.
Ako po ay lubos na umaasa sa inyong habag at konsiderasyon mula sa inyong tanggapan na
makahingi ng tulong. Maraming Maraming Salamat po. Pagpalain kayo ng Panginoong Maykapal.