You are on page 1of 1

NOVEL CORONAVIRUS

Ano nga ba ang corona virus? At saan ito nagsimula? Ang corona virus
o COVID-19 ay isang uri ng sakit sa baga na possibleng maging sanhi ng
hirap sa paghinga. Ang mga unang kaso na naitala ay nagmula sa Wuhan,
China. Napagalaman din na ang corona virus ay karaniwang natatagpuan sa
hayop , at hindi pa nakikita sa tao noon. Ang mga posibleng sintomas ng
sakit na ito ay lagnat, ubo’t sipon, hirap o pag iksi ng paghinga at iba pang
problema sa daluyan ng hangin. Kung hindi naagapan agad at lumalala
maaari ito maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome,
problema sa bato, at pagkamatay. Noong ika-24 ng Enero, nakumpirma ng
World Health Organization na ang COVID-19 na naipapasa tao-sa-tao. Ngunit
pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang tungkol sa pagkalat nito. Sa ngayon
wala pang gamot o treatment para sa covid. Ngunit marami sa sintomas nito
ang maaaring gamutin base sa kalusugan ng pasyente.

Paano nga ba mapo-protektahan ang sarili mula sa coronavirus? ng


pagsusuot ng face mask ay hindi inirerekomenda bilang paraan para
maiwasan na mahawahan ng coronavirus. Mas makakatulong para sa mga
taong maysakit na magsuot ng face mask, para maiwasan ang pagkalat ng
respiratory droplets. Ang pinakabagong mga rekomendasyon sa pagprotekta
sa iyong sarili mula sa coronavirus ay ang regular na paghuhugas ng mga
kamay, iwasan ang paghawak sa mukha kung hindi naghugas ng mga
kamay, at iwasan ang malapit na makikiharap sa sinuma na nagpapakita ng
sintomas ng sakit sa respiratoryo. Pinapatupad din ang community
quarantine, ito ay pananatili sa bahay, at iwasan ang pakikisalamuha sa
ibang mga tao. Huwag umalis ng bahay maliban kung para sa medikal na
pagpapasuri o pagpapatingin, at kung kailangang pumunta sa doktor para sa
medikal na tulong, tumawag muna bago magpunta sa klinik o ospital,
magsuot ng face mask at gumamit ng pribadong transportasyon.

You might also like