You are on page 1of 2

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan

upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang


masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay
ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at
paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase
sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting
maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan
bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English
at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng
maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap


ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang
lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon
ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa
kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga


bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa
kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan,
damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng
mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang


kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang
kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga
kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.
Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao
upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at
komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa
isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa
pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa
mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang
mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang
ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng
edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais
nilang matupad.

You might also like