You are on page 1of 2

Modernization Culture of Religion

Troy, eljay, margo : Magandang araw mga kabayan welcome po sa aming munting podcast na
tinatawag na SSC Podcast. Ako po si troy, eljay at margo ang inyong mga host at makakasama
natin ang 4 na estudyante mula sa jose rizal university na sina carlo, steph, rena at pam para po
makipagtalakayan sakin at sainyo ukol sa issue ng modernization culture of religion, sa nakikita
ko mukhang siksik sa kaalaman at marami tayong matutunan sa podcast na ito kaya’t simulan
na natin. So guys ano po bang opinion nyo sa ating topic?

Rena, steph: Para sakin, hindi maganda ang modernization sa ating relihiyon kasi nasisira nito
ang traditional na kultura na dapat minimaintain natin. So pag naging modern pa, unti unti
tayong humihiwalay sa traditional at baka in the future makalimutan na natin ito. Gaya ng ano,
sobrang busy na natin sa mga cellphone at gadgets natin na nawawalan na tayo ng time
magsimba, masyado kasi busy kalalaro ng ML at iba pang mobile games, so ayun nasisira ng
modernization ang kultura natin sa religion.

Troy: Nasisira ng modernization ang ating kultura sa relihiyon ang opinion ni miss renalyn at sir
carlo.

Pam, carlo: Hi excuse me pam nga po pala, umm gusto ko lang dagdagan ung opinion ni miss
renalyn ukol sa issue kasi masyado atang negative ang pahayag nya, para sakin okay rin naman
ang modernization kasi diba, di naman lahat ML at Social media ang inaatupag sa phone nila,
pang aral din sa school saka, okay din ang modernization at religion, tugma naman sila kasi
imbis na magdadala ka ng biblia pwede kang mag download na bible na app para on the go ka
mag basa o kaya manuod ka ng livestream na pag mimisa. Para kahit di ka makapunta at least
nasasapuso mo diba kasi nakinig ka.

Rena, steph: ayun nga eh, isa din yun, kaya negative para sakin ang modernization sa religion
eh nawawala ung essence ng religion kung sa phone nalang lahat, sa phone ka nagbibilia, sa
phone ka umaattend ng misa, imbis na personal at mas malapit ka kay lord. Baka sunod nyan pa
phone nalang din kayo ikasal, kung sa phone lang din iikot ang religion nyo, nasira na ang
kultura natin na magsisimba lingo, lingo, magdadasal gabi gabi bago matulog. Ano nalang ang
matitira sa kultura natin diba. Di rin naman natin kaya pigilan ang modernization kasi inevitable
yan, nagiging modern na lahat.

Carlo, pam: Oo, di mo mapipigilan ang modernization, ang kaya nyo lang gawin eh sumabay sa
agos, pero para sakin, tignan nalang natin ung Brightside, na kahit san pa tayo o anumang uri ng
dasal o pagsimba gawin natin, iisa parin ang pananampalataya dahil ang religion di an nababase
sa religion. Nasa paniniwala mo yan, kung mag simba ka pa live stream, okay lang yun kasi
nandun naman puso mo kay lord eh, kung mag basa ka ng biblia pa phone, okay lang din yun
kasi ung puso at isip mo nakay god naman. Saka kahit pa digital ang bible, bible parin naman
yan, ang mahalaga mahal natin ang dyos at relihiyon natin na wag tayo masyado paka negative
sa modernization.

Steph, rena: Magandang punto yan carlo, narealize na naming na kahit may negative parts ang
modernization may positive din ito, mas madali na din pala ang pagsamba dahil kinokonekta
tayo nito sa isa’t isa, malayo man o malapit. Nadadala ko ang biblia kahit saan, kaya kong
magbrowse ng mga misa, o religious videos kahit kelan. So okay na rin, di nga natin mapipiglan
ang modernization, pero di naman natin to kelangan itake pa negative. Kasi may positive din.
Nasa sa atin din kung pano tayo magbabago at makikisabay sa modernization. Pa negative ba o
pa positive.

Eljay, Marco: Napakagandang closing statement, rena at steph, so yun nga guys nalaman na
natin ang opinion ng 4 na estudyante ukol sa modernization culture of religion. May negative at
positive, so kayo na ang bahala kung pano nyo itatake ang opinion nila, pero para sakin,
madami akong natutunan sa ating podcast ngayong araw, sana kayo rin. Maraming salamat sa
inyong pagsubaybay sa aming podcast hanggang ditto nalang muna mga listeners, hanggang sa
muli, paalam!

You might also like